29/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Nakatanggap ng impormasyon ang San Jose Municipal Police Station mula sa intelligence operatives ng 68th Infantry Battalion, Philippine Army hinggil sa nagaganap na armadong engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at hindi pa matukoy na bilang ng hinihinalang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG).
Ang insidente ay naganap bandang 2:20 ng hapon, Marso 29, 2026 sa Sitio Salapay, Barangay Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro.
Agad na kumilos ang Occidental Mindoro Police Provincial Office sa pamamagitan ng pagpapatupad ng SEAL-OFF Plan upang maiwasan ang paglawak ng insidente, masiguro ang kaligtasan ng publiko at upang kaagad na maharang ang mga tumakas na miyembro ng Communist Terrorist Group. Inatasan din ang mga patrollers na magsagawa ng inspeksyon sa mga ospital upang matukoy kung may mga sugatang indibidwal na sangkot sa engkuwentro.
Nakipag-ugnayan na rin ang Occidental Mindoro PPO sa 405th Regional Mobile Force Battalion (RMFB) at 102nd Special Action Company (SAC) ng Special Action Force (SAF) para sa mas pinaigting na operasyon at pagpapatibay ng SEAL-OFF Plan sa nasabing lugar.
Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang intelligence monitoring at koordinasyon ng mga awtoridad upang matiyak ang agarang pagresponde at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Pinapayuhan ang publiko na umiwas muna sa lugar ng insidente at manatiling mapagmatyag. Hinihikayat din ang lahat na agad iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang kahina-hinalang kilos o impormasyon na may kaugnayan sa insidente.