PNP PIO - Occidental Mindoro Police Provincial Office

PNP PIO - Occidental Mindoro Police Provincial Office Public Information Office - Occidental Mindoro PPO

BUY-BUST OPERATION SA MAGSAYSAY, 6.5 GRAMONG SHABU NASAMSAM SA HVIIsang 39-anyos na lalaki at itinuturing na High-Value ...
31/08/2026

BUY-BUST OPERATION SA MAGSAYSAY, 6.5 GRAMONG SHABU NASAMSAM SA HVI

Isang 39-anyos na lalaki at itinuturing na High-Value Individual ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa National Road, Sitio Borlado, Brgy. Poblacion, Magsaysay, Occidental Mindoro, bandang alas-9:41 ng gabi noong Agosto 28, 2026. Nakilala ang suspek na may alysa na “Dante”,

Ang buy-bust operation ay isinagawa ng joint personnel ng PDEA Occidental Mindoro PO, bilang lead unit, at Magsaysay MPS.

Nakabili ang poseur buyer ng isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu kapalit ng ₱1,000. Nakumpiska rin sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 6.576 gramo, na may tinatayang street value na ₱44,676, bukod sa iba pang ebidensya.

Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Magsaysay MPS para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon. Ang nakumpiskang hinihinalang shabu ay isusumite sa Provincial Forensic Unit sa San Jose, Occidental Mindoro para sa pagsusuri at kaukulang legal na proseso.

“Patuloy ang ating pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng ating mga komunidad. Ang pagkakaaresto sa isang High-Value Individual sa Magsaysay ay nagpapakita ng ating determinasyon na sugpuin ang kalakalan ng ilegal na droga.” Pahayag ni PCOL ALI JOSE A DUTERTE, Provincial Director ng Occidental Mindoro PPO




𝐇𝐈𝐆𝐇 𝐕𝐀𝐋𝐔𝐄 𝐈𝐍𝐃𝐈𝐕𝐈𝐃𝐔𝐀𝐋 𝐓𝐈𝐌𝐁𝐎𝐆 𝐒𝐀 𝐃𝐑𝐔𝐆 𝐁𝐔𝐘-𝐁𝐔𝐒𝐓 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐌𝐁𝐔𝐑𝐀𝐎Arestado ang isang High Value Individual sa isinagawa...
31/08/2026

𝐇𝐈𝐆𝐇 𝐕𝐀𝐋𝐔𝐄 𝐈𝐍𝐃𝐈𝐕𝐈𝐃𝐔𝐀𝐋 𝐓𝐈𝐌𝐁𝐎𝐆 𝐒𝐀 𝐃𝐑𝐔𝐆 𝐁𝐔𝐘-𝐁𝐔𝐒𝐓 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐌𝐁𝐔𝐑𝐀𝐎

Arestado ang isang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Tayamaan, Mamburao, Occidental Mindoro, dakong alas-9:24 ng gabi noong Agosto 29, 2026.Kinilala ang suspek na may alyas na “Boga,” 46 taong gulang.

Isinagawa ang operasyon ng PDEU Occidental Mindoro, bilang lead unit, katuwang ang MDET Mamburao MPS, sa koordinasyon ng PDEA, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek matapos mabili ng poseur buyer ang isang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng ₱1,000.

Narekober din mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 0.563 gramo at street value na ₱3,828.40, buy-bust money, at isang pulang Kawasaki Brusky 125.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay isusumite sa Provincial Forensic Unit sa San Jose para sa laboratory examination, habang ang non-drug evidence ay ihaharap sa Office of the Provincial Prosecutor sa Mamburao para sa kaukulang disposisyon.

Ang suspek ay haharap sa kaukulang kaso sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Patuloy ang aming kampanya laban sa ilegal na droga. Hindi kami titigil sa pagtugis sa mga sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga. Hinihikayat namin ang publiko na makipagtulungan at magbigay ng impormasyon upang mapanatili nating ligtas at drug-free ang ating mga komunidad.”, ani PCOL Ali Jose A. Duterte - Provincial Director ng Occidental Mindoro PPO.




TOP 7 PROVINCIAL MOST WANTED PERSON, ARESTADO SA SABLAYANMatagumpay na naaresto ng mga operatiba ng kapulisan ang isang ...
29/08/2026

TOP 7 PROVINCIAL MOST WANTED PERSON, ARESTADO SA SABLAYAN

Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng kapulisan ang isang Most Wanted Person na Rank No. 7 sa Provincial Level sa isinagawang operasyon bandang 5:35 ng hapon noong Agosto 28, 2026, sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Kinilala ang naaresto na may alyas na “Roy”, 39 taong gulang. Ang kanyang pagkakaaresto ay isinagawa ng Sablayan Municipal Police Station (lead unit) katuwang ang mga tauhan ng PIT Occidental Mindoro RIU 4B, PIU OMPPO, MARPSTA-Sablayan MLET, 405th B MC RMFB, at 2nd Occidental Mindoro PMFC.

Ang operasyon ay isinagawa alinsunod sa Warrant of Arrest, kaugnay ng kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansa na ₱200,000.00.

Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sablayan MPS para sa kaukulang disposisyon at pagsasagawa ng mga nararapat na legal na proseso.

Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng koordinasyon at pagtutulungan ng iba't ibang yunit ng kapulisan sa patuloy na pagpapatupad ng mga warrant of arrest at paghahatid sa mga wanted person sa proseso ng batas.

Ayon kay PCOL ALI JOSE A DUTERTE, “Provincial Director ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, Patuloy na paiigtingin ng kapulisan ang intelligence-driven operations at koordinasyon ng mga yunit upang matiyak na ang mga taong may kinakaharap na kaso ay mapanagot sa ilalim ng batas.”




𝐌𝐎𝐒𝐓 𝐖𝐀𝐍𝐓𝐄𝐃 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐌𝐁𝐔𝐑𝐀𝐎, 𝐓𝐈𝐌𝐁𝐎𝐆 𝐒𝐀 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐍𝐈𝐁 𝐍𝐀 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐋𝐈𝐒𝐘𝐀SAN JOSE, Occidental Mindoro — Matagumpay na...
27/08/2026

𝐌𝐎𝐒𝐓 𝐖𝐀𝐍𝐓𝐄𝐃 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐌𝐁𝐔𝐑𝐀𝐎, 𝐓𝐈𝐌𝐁𝐎𝐆 𝐒𝐀 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐍𝐈𝐁 𝐍𝐀 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐋𝐈𝐒𝐘𝐀

SAN JOSE, Occidental Mindoro — Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na tauhan ng kapulisan ang isang Most Wanted Person sa isinagawang operasyon dakong alas-1:40 ng hapon noong Agosto 26, 2026 sa Barangay 8, Mamburao, Occidental Mindoro. Kinilala ang suspek sa alyas na “Mac”, 28 taong gulang.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Mamburao Municipal Police Station (Lead Unit) katuwang ang 402nd B MC, RMFB; 104th SAC; 10th SAB; at 2nd Occidental Mindoro Provincial Mobile Force Company (OMPMFC).

Naaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Agosto 17, 2026 ng National Capital Judicial Region, Branch 52, Manila.

Nahaharap ang akusado sa kasong R**e, paglabag sa Article 266-A(1)(B) ng Revised Penal Code, as amended by Republic Act No. 8353, kung saan walang inirekomendang piyansa. Nahaharap din siya sa kasong Sexual Assault sa ilalim ng Article 266-A(1)(B) ng Revised Penal Code, as amended by RA 8353, na may inirekomendang piyansa na ₱120,000.00.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Mamburao MPS ang naarestong akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon alinsunod sa umiiral na batas at mga pamamaraan.

Ayon kay PCOL Ali Jose A. Duterte, Provincial Director ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, ang pagkakaaresto sa isang Most Wanted Person ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng kapulisan na mapanagot ang mga indibidwal na may kinakaharap na mabibigat na kaso.




𝟕 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐈𝐋𝐋𝐄𝐆𝐀𝐋 𝐅𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀; 𝐇𝐀𝐋𝐎𝐒 ₱𝟐𝟑𝟎,𝟎𝟎𝟎 𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐍𝐆 𝐅𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐓𝐒, 𝐍𝐀𝐒𝐀𝐌𝐒𝐀𝐌SAN JOSE, Occidental M...
27/08/2026

𝟕 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐈𝐋𝐋𝐄𝐆𝐀𝐋 𝐅𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀; 𝐇𝐀𝐋𝐎𝐒 ₱𝟐𝟑𝟎,𝟎𝟎𝟎 𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐍𝐆 𝐅𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐓𝐒, 𝐍𝐀𝐒𝐀𝐌𝐒𝐀𝐌

SAN JOSE, Occidental Mindoro — Patuloy na pinaiigting ng Occidental Mindoro Police Provincial Office (OccMin PPO), katuwang ang mga Municipal Police Stations, Maritime Police Station (MARPSTA), Maritime Law Enforcement Teams (MLET), Bantay Dagat, at mga kaukulang tanggapan ng lokal na pamahalaan, ang pagpapatupad ng mga ordinansa para sa pangangalaga ng yamang-dagat at pagpapanatili ng kaayusan sa municipal waters ng lalawigan.

Mula Agosto 21 hanggang 25, 2026, kabuuang pitong (7) operasyon ang isinagawa sa iba’t ibang municipal waters ng Occidental Mindoro na nagresulta sa pagkakahuli ng mga lumabag sa mga lokal na ordinansa hinggil sa unauthorized fishing, compressor fishing, at paggamit o pagpapatakbo ng mga unregistered fishing banca/motor banca.

Sa mga isinagawang operasyon, kabuuang ₱2,500.00 ang naipatupad na mga multa; samantala, tinatayang ₱227,060.00 ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang fishing assets at iba pang ebidensiya mula sa pitong operasyon.

Ayon kay PCOL Ali Jose A. Duterte, Provincial Director ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, mahalaga ang tuloy-tuloy na police visibility at maritime law enforcement upang mapangalagaan ang yamang-dagat at mapigilan ang mga gawaing maaaring makasira sa kabuhayan ng mga lehitimong mangingisda.

“Hindi lamang ito usapin ng pagpapatupad ng ordinansa. Ang bawat operasyon ay bahagi ng ating pananagutan na protektahan ang karagatan, pangalagaan ang yamang-dagat, at tiyaking ang mga mangingisdang sumusunod sa batas ay hindi naaagawan ng kanilang kabuhayan ng mga ilegal na aktibidad. Patuloy nating paiigtingin ang ating maritime patrols at pakikipagtulungan sa Bantay Dagat at mga lokal na pamahalaan,” ani PCOL Duterte.

Patuloy na hinihikayat ng OccMin PPO ang mga mangingisda at boat operators na tiyaking kumpleto at lehitimo ang kanilang mga registration, permit, at iba pang kinakailangang dokumento, gayundin ang pagsunod sa mga umiiral na municipal ordinances at mga batas para sa pangangalaga ng yamang-dagat.




𝟗𝟎 𝐁𝐎𝐀𝐑𝐃 𝐅𝐄𝐄𝐓 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐋𝐔𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐋𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑, 𝐍𝐀𝐒𝐀𝐌𝐒𝐀𝐌 𝐒𝐀 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐈𝐋𝐋𝐄𝐆𝐀𝐋 𝐋𝐎𝐆𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐁𝐋𝐀𝐘𝐀𝐍SAN JOSE, Occidental Mindoro — I...
23/08/2026

𝟗𝟎 𝐁𝐎𝐀𝐑𝐃 𝐅𝐄𝐄𝐓 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐋𝐔𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐋𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑, 𝐍𝐀𝐒𝐀𝐌𝐒𝐀𝐌 𝐒𝐀 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐈𝐋𝐋𝐄𝐆𝐀𝐋 𝐋𝐎𝐆𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐁𝐋𝐀𝐘𝐀𝐍

SAN JOSE, Occidental Mindoro — Isang 45-anyos na lalaki ang naaresto ng mga awtoridad dahil sa umano’y paglabag sa Section 77 ng Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Reform Code of the Philippines, matapos mahuling nagdadala ng mga pinutol na kahoy na walang kaukulang legal na dokumento sa bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro, alas-5:20 ng madaling-araw nitong Agosto 23, 2026.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng anti-illegal logging operation ang pinagsanib na tauhan ng Sablayan Municipal Police Station, katuwang ang DENR-CENRO Sablayan bilang lead unit, 405th Regional Mobile Force Battalion (RMFB), 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), PNP-Maritime, at Provincial Intelligence Unit (PIU).

Sa isinagawang operasyon, nahuli umano sa aktong nagdadala ng mga pinutol na kahoy ang suspek nang walang maipakitang kinakailangang legal na dokumento sakay ng isang tricycle.

Ang mga nakumpiskang kahoy ay may kabuuang 90 board feet, na may tinatayang market value na ₱3,600.00.

Matapos ang dokumentasyon, dinala ang suspek, kasama ang mga nakumpiskang ebidensya, sa Sablayan MPS para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Ayon kay PCOL Ali Jose A. Duterte, Provincial Director ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, mahalaga ang patuloy na koordinasyon ng kapulisan at mga ahensyang nangangasiwa sa pangangalaga ng kagubatan upang mapigilan ang ilegal na pagkuha at transportasyon ng mga pinutol na kahoy.

“Patuloy nating paiigtingin ang ating mga operasyon laban sa illegal logging at iba pang paglabag sa mga batas pangkalikasan. Ang pangangalaga sa ating kagubatan ay pananagutan nating lahat, kaya makakaasa ang ating mga kababayan na mahigpit nating ipatutupad ang batas, katuwang ang DENR at iba pang concerned agencies,” ani PCOL Duterte.




21/08/2026
21/08/2026
𝐎𝐂𝐂𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐍𝐃𝐎𝐑𝐎 𝐏𝐏𝐎, 𝐌𝐀𝐒 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 𝐒𝐀 𝐆𝐈𝐓𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐒𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐇𝐎𝐍SAN JOSE, Occidental ...
19/08/2026

𝐎𝐂𝐂𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐍𝐃𝐎𝐑𝐎 𝐏𝐏𝐎, 𝐌𝐀𝐒 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 𝐒𝐀 𝐆𝐈𝐓𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐒𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐇𝐎𝐍

SAN JOSE, Occidental Mindoro — Patuloy na isinasagawa ng Occidental Mindoro Police Provincial Office (OccMin PPO), sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Ali Jose A. Duterte, katuwang ang Provincial Government ng Occidental Mindoro at mga Local Government Units (LGUs), ang iba’t ibang disaster response initiatives upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga residente sa lalawigan.

Kabilang sa mga isinagawang hakbang ang road monitoring upang masubaybayan ang kondisyon ng mga pangunahing lansangan at matukoy ang mga lugar na maaaring maging delikado sa mga motorista at residente; rescue operations sa Bayan ng Mamburao; at force evacuation operations sa mga Bayan ng Abra de Ilog, Paluan, at Sta. Cruz bilang bahagi ng maagap na pagtugon sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng masamang panahon.

Pinaiigting din ng mga tauhan ng OccMin PPO ang police presence at security assistance sa mga evacuation area at iba pang kritikal na lugar, gayundin ang patuloy na pagbabantay at pagmomonitor sa kalagayan ng panahon at mga posibleng epekto nito sa mga komunidad.

Bukod dito, nakibahagi rin ang mga kapulisan sa repacking operations ng relief goods upang makatulong sa mabilis at maayos na paghahanda ng mga pangunahing pangangailangan para sa mga residenteng nangangailangan ng ayuda.

Ayon kay PCOL Ali Jose A. Duterte, mahalaga ang mabilis na koordinasyon at sama-samang pagkilos ng mga ahensya ng pamahalaan upang maprotektahan ang buhay at kapakanan ng publiko.
“Sa panahon ng kalamidad, ang bawat minuto ay mahalaga. Patuloy nating paiigtingin ang ating police presence, rescue at evacuation operations, at koordinasyon sa Provincial Government at mga LGU upang matiyak na ligtas ang ating mga kababayan. Handa ang Occidental Mindoro Police Provincial Office na tumugon saanman at kailanman kinakailangan—dahil ang kaligtasan ng ating mamamayan ang aming pangunahing tungkulin.” — PCOL Ali Jose A. Duterte, Provincial Director, Occidental Mindoro PPO

Patuloy namang nananawagan ang Occidental Mindoro PPO sa publiko na manatiling alerto, makinig sa mga abiso ng mga awtoridad, at agad na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na police station o local disaster risk reduction and management office sakaling mangailangan ng tulong.

Sa pamamagitan ng mahigpit na koordinasyon, maagap na pagtugon, at sama-samang pagkilos, patuloy na isinusulong ng Occidental Mindoro PPO at mga katuwang na ahensya ang isang ligtas at handang komunidad sa panahon ng kalamidad.

.


𝐎𝐂𝐂𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐍𝐃𝐎𝐑𝐎 𝐏𝐏𝐎 𝐌𝐀𝐈𝐍𝐓𝐀𝐈𝐍𝐒 𝐑𝐄𝐀𝐃𝐈𝐍𝐄𝐒𝐒, 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐍𝐒𝐈𝐅𝐈𝐄𝐒 𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐀𝐌𝐈𝐃 𝐇𝐀𝐁𝐀𝐆𝐀𝐓SAN JOSE, Occidental Mindoro — The Occide...
18/08/2026

𝐎𝐂𝐂𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐍𝐃𝐎𝐑𝐎 𝐏𝐏𝐎 𝐌𝐀𝐈𝐍𝐓𝐀𝐈𝐍𝐒 𝐑𝐄𝐀𝐃𝐈𝐍𝐄𝐒𝐒, 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐍𝐒𝐈𝐅𝐈𝐄𝐒 𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐀𝐌𝐈𝐃 𝐇𝐀𝐁𝐀𝐆𝐀𝐓

SAN JOSE, Occidental Mindoro — The Occidental Mindoro Police Provincial Office (OccMin PPO) remains on heightened operational readiness as the MIMAROPA Region is placed under BLUE ALERT Status amid the continuing onslaught of the Southwest Monsoon or Habagat.

OccMin PPO closely monitors the prevailing weather conditions and their effects on communities across the province, while maintaining close coordination with Local Disaster Risk Reduction and Management Offices (LDRRMOs) and other concerned agencies to ensure a prompt and coordinated response to any emergency situation.

In support of ongoing disaster response efforts, personnel from the various Municipal Police Stations of Occidental Mindoro have undertaken several humanitarian and public safety initiatives, including the conduct of Libreng Sakay for affected and stranded residents, assistance in the distribution of relief goods, and other forms of immediate assistance to communities in need.

Police personnel have likewise strengthened police presence in vacated and affected areas to help safeguard properties, prevent opportunistic criminal activities, and ensure the security of residents who were temporarily displaced due to the adverse weather conditions.

The heightened police presence is complemented by continuous monitoring of critical areas, coordination with LDRRMOs, and readiness of personnel and resources for possible search, rescue, evacuation, and other emergency response operations as the situation warrants.

PCOL Ali Jose A. Duterte, Provincial Director of Occidental Mindoro PPO, emphasized that the safety and welfare of the public remain the foremost priority of the police force during times of calamity.
“The Occidental Mindoro Police Provincial Office remains ready and committed to serve our communities throughout the effects of Habagat. Our personnel are on the ground to assist those affected, maintain peace and order in evacuated areas, and work closely with our local disaster response partners. We urge everyone to remain vigilant, follow the advisories of local authorities, and prioritize the safety of their families and communities.”

The Occidental Mindoro police force assures the public that its personnel remain ready, responsive, and committed to protecting lives, securing communities, and providing assistance during this period of heightened weather conditions.




Address

Camp Winston S Ebersole, Brgy. San Roque
San Jose
5100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP PIO - Occidental Mindoro Police Provincial Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share