26/07/2026
1000 araw ang nakalipas, mula nang tayo ay inilukok bilang SK Member ng Barangay F.E. Marcos β¨
1000 na araw ang nakalipas nung ipinanalo natin ang laban nang walang malaking makinarya, walang malaking kamag-anakan tulad ng sinasabi ng iba. Ang ating sandigan, mula noon hanggang ngayon ay tunay na puso at hangarin sa ating paglilingkod.βπ»
Kahit na ako ay dumaan sa masusing proseso ng pagpapagaling (medikal) we shown up, even in a difficult times. Dahil yoon ang pinangako natin, tayo ay maglilingkod ng tapat at sapat. Complete attendance po tayo sa regular sessions, lagi tayong nandyan sa bawat Programs & Activities ng SK, Barangay, pati na ng ating Lungsod, at ating nire-representa ang boses ng kabataan sa ating komunidad.
Ngayong ating ika-1000 araw bilang SK Kagawad, ako po ay nagpapasalamat sa inyong binigay na mandato at suporta, sa ibinigay ninyong pagkakataon para kayo po ay mapaglingkuran. Hindi man tayo matutuloy na tumakbo sa anumang posisyon ngayong parating na BSKE, makaka-asa kayo na patuloy nating gagamitin ang ating boses bilang kabataan, tungo sa makabago, mapagpalaya at progresibong bukas, para sa lahat!
Isang malaking pasasalamat po muli sainyong lahat! πββοΈπ©·π©΅