11/08/2026
Kalinangan at pagkatuto ang nakalaan sa mga mag-aaral ng Mababang Paaralan ng Malasin ngayong Agosto kasunod ng pagbisita at paghiram ng mga aklat pampanitikan ni G. Christian Salvador sa Schools Division of San Jose City Library Hub ngayong Martes, Agosto 11.
Kabilang sa mga pamagat na nakalinyang basahin para sa mga aktibidad ng naturang paaralan ngayong buwan ang 'Ang Kalasag ni Kara: Nang Pumutok ang Bulkan' ni Genaro R. Gojo Cruz; 'Lagot! Baka may Lepto sa Baha!' na isinulat ni Dr. Luis P. Gatmaitan at inilarawan ni Leo Kempis Ang; 'Ang Digmรข' na isinulat ni Jose Jorge Letria at iginuhit ni Andre Letria; 'Dalawang Bayani ng Bansa' nina Rene O. Villanueva at Joel Jason O. Chua; at 'Bonggang-bonggang Batang Beki' ni Rhandee Garlitos at iginuhit ni Tokwa Salazar Peรฑaflorida.
Akma ang mga aklat sa makabuluhang selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambasa na Filipino at Buwan ng Kasaysayan ngayong Agosto.
Sa patuloy na pagsusulong ng pagbasa sa mga paaralan, inaasahang mapabubuti ang antas ng literasiya sa komunidad at kalaunan, sa bansa.