03/08/2026
ππ¦πͺπ π¨π£ππππ§ ππ¦π¦ππ¦π§ππ‘ππ π£ππ¬π’π¨π§ π¦πππππ¨ππ
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose, ay magsasagawa ng UPLIFT Assistance Payout sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
π Petsa: Agosto 5, 2026 (Miyerkules)
π Oras: 8:00 AM β 5:00 PM
π Lugar: E.R. Violago Sports Complex
Mahahalagang Paalala
Beripikasyon ng Benepisyaryo
Maaaring alamin ang inyong status sa inyong Barangay Officials o sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Ang listahan ng mga target na benepisyaryo ay batay sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) ng Philippine Statistics Authority (PSA) at sumasailalim pa rin sa validation.
Dalhin ang Kinakailangang ID
Magdala ng National ID o anumang valid government-issued ID para sa verification.
Paraan ng Pagbabayad
Ihanda ang inyong aktibong GCash o LANDBANK savings account, dahil ang payout ay isasagawa sa pamamagitan ng electronic fund transfer (online payment).
Mga Karaniwang Katanungan
1. Kasama ako sa Set 14 ng 4Ps (under assessment). Maaari pa ba akong makatanggap ng UPLIFT?
Hindi na. Hindi na kwalipikado ang mga benepisyaryong kabilang sa Set 14 ng 4Ps.
2. Ako ay kasalukuyang 4Ps beneficiary. Maaari pa ba akong makatanggap ng UPLIFT?
Hindi na. Beripikahin muna kung may 4Ps ID bago iproseso ang payout. Hindi rin maaaring ilipat ang grant sa ibang miyembro ng household.
3. Nakatanggap na ako ng AICS (β±2,000). Maaari pa ba akong makatanggap ng UPLIFT?
Oo. Ang pagtanggap ng AICS ay hindi dahilan upang ma-disqualify sa UPLIFT Assistance.
4. Barangay Official o Barangay Employee ako. Maaari ba akong maging benepisyaryo?
Oo, kung ang kabuuang kita ng inyong pamilya ay pasok sa itinakdang poverty threshold (β±13,383). Kung lampas dito, hindi na kwalipikado.
5. Government employee ako. Maaari ba akong makatanggap ng UPLIFT?
Ang eligibility ng mga government employee ay for confirmation pa mula sa DSWD/UPLIFT Program Management.
6. Pumanaw na ang Head of Household at asawa, at pawang menor de edad ang mga anak. Sino ang maaaring mag-claim?
Kung walang legal age na maaaring maging claimant, hindi maaaring iproseso ang payout.
7. May mali o discrepancy sa pangalan ng benepisyaryo. Ano ang dapat gawin?
Ang concern ay ire-refer para sa validation sa Help Desk Officer (HDO).
8. Mukhang hindi naman mahirap ang nakasama sa listahan. Maaari pa rin ba siyang makatanggap?
Ang bawat benepisyaryo ay dadaan pa rin sa validation. Kung mapatunayang lampas sa itinakdang poverty threshold, hindi na siya kwalipikado.
9. Maaari bang gumamit ng account sa ibang bangko?
Hindi pa. Sa kasalukuyan, LANDBANK at GCash lamang ang awtorisadong payment channels.
10. Job Order employee ako na kumikita ng mas mababa sa β±13,383. Kwalipikado ba ako?
For confirmation pa mula sa DSWD, ngunit isasaalang-alang ang itinakdang poverty threshold sa pagsusuri ng kwalipikasyon.
11. May appeal ba kung poor o near-poor ako ngunit wala sa listahan?
Oo. Ang appeal ay maaaring idulog sa Philippine Statistics Authority (PSA), dahil sila ang nagsagawa ng survey at pinagmulan ng master list.
12. Ano ang papel ng LGU sa implementasyon ng UPLIFT?
Ang LGU ang magsasagawa ng initial validation, beneficiary verification, at koordinasyon sa barangay at DSWD.
13. Sino ang nag-identify ng mga benepisyaryo?
Ang listahan ng mga target na benepisyaryo ay nagmula sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) ng Philippine Statistics Authority (PSA).
14. Kwalipikado ba ang Level 3 Graduated 4Ps beneficiaries?
Hindi na.
15. Wala akong sariling GCash o LANDBANK account. Maaari bang gamitin ang account ng aking anak?
Pinapahintulutan ang beneficiary na gumawa ng sariling account sa e-wallet o LANDBANK sa mismong araw ng payout. Ang account details ay kailangang maisumite sa DSWD upang magamit ito sa mga susunod na payout at doon direktang maipapasok ang ayuda.
16. Paano kung pumanaw na ang Head of Household?
Maaaring magdala ng Death Certificate bilang patunay.
17. Paano kung hindi makakadalo ang Head of Household?
Maaaring magdala ng Letter of Authorization mula sa Head of Household. Ang claimant ay dapat miyembro ng pamilya.