28/08/2026
35 ππΌπππ ππΌππππππππππΏ ππ π½ππ
Bilang bahagi ng pagdiriwang para sa ika-35 Anibersaryo ng Bureau of Fire Protection (BFP), kinilala at pinarangalan ang mga katuwang na patuloy na nagbibigay ng mahalagang suporta sa mga programa, proyekto, at layunin ng BFP para sa isang mas ligtas, handa, at protektadong komunidad.
Sa pamumuno ni πππ¦π¨π£π§ πππͺππ‘ π£ π©ππ₯πππ¦, ππ¦π, Regional Director, at sa gabay ni πππ¦π¨π£π§ πͺπππππ₯π§π’ π₯πππ’ π‘πππ π ππͺππ‘ π§ππ¨, ππ¦π, BFP Officer-in-Charge, patuloy na isinusulong ng BFP ang matibay na ugnayan at pakikipagtulungan sa ibaβt ibang sektor upang maisakatuparan ang mga programa para sa kaligtasan ng publiko.
π PHILIPPINE PHARMACISTS ASSOCIATION β ANTIQUE CHAPTER na pinamumunuan ni ginang EDELAINE ERAGA- AMAR, RPh
Pinarangalan dahil sa kanilang patuloy at makabuluhang suporta sa taunang Medical at Dental Mission ng San Jose Fire Station, na nagbibigay ng libreng serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan. Ang kanilang pakikiisa ay malaking ambag sa pagsusulong ng serbisyong pangkomunidad at pangkalusugan.
π BARANGAY SEMIRARA, sa pamumuno ni Hon. Catherine Lim-Tahum
Kinilala dahil sa kanilang paglalaan ng pondo para sa mga plano at programa, Fire Safety Inspections, Fire Safety Trainings, at iba pang mga aktibidad ng BFP. Ang kanilang suporta ay mahalaga sa pagpapalawak ng kaalaman, kamalayan, at kahandaan ng komunidad laban sa sunog.
π LOCAL GOVERNMENT UNIT OF BUGASONG
Kinilala rin ang LGU Bugasong, na dating pinamumunuan ni Hon. John Llyod M. Pacete at ngayon ay nasa pamumuno ni Hon. Victor R. Condez, dahil sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa pamamagitan ng pagdonate ng 360-square-meter na lote para sa pagpapatayo ng Municipal Fire Stationβisang mahalagang hakbang tungo sa pagpapalakas ng fire protection services sa kanilang nasasakupan.
Ang mga parangal na ito ay iginawad ni πππ¦π¨π£π§ πππͺππ‘ π£ π©ππ₯πππ¦, ππ¦π, Regional Director, bilang pagkilala sa kanilang natatanging pakikiisa at suporta sa mga programa at adhikain ng BFP.
Lubos ang pasasalamat ng BFP-Antique, sa pangunguna ni ππ¦π¨π£π§ π©ππ‘πππ ππ’ππ’ π£ ππππππ¨ππ₯, Acting Provincial Fire Marshal, sa lahat ng mga indibidwal, organisasyon, at lokal na pamahalaan na patuloy na nakikiisa at sumusuporta sa mga programa, proyekto, at aktibidad ng BFP.
Ang inyong suporta ay hindi lamang simpleng pagkilala sa aming serbisyo. Ito ay isang mahalagang pakikipagtulungan na tumutulong upang maisulong ang fire prevention, fire safety, kahandaan, at proteksyon ng bawat AntiqueΓ±o.