Ausome Jose Society

Ausome Jose Society π—”π—¨π—¦π—’π— π—˜ π—π—’π—¦π—˜ π—¦π—’π—–π—œπ—˜π—§π—¬ is a group of San Jose City parents, educators, loved ones, and stakeholders for Persons with Autism.

It aims to introduce Autism to the community and how we co-exist with them with love, understanding, and acceptance.

As we celebrate NATIONAL HEROES DAY, we both remember the past and present day heroes. From the champions for freedom an...
31/08/2026

As we celebrate NATIONAL HEROES DAY, we both remember the past and present day heroes. From the champions for freedom and justice in the past generations, to the champions of inclusivity for the present and future generations.

Mahal namin kayong lahat Ausome much, aming mga bayani. πŸ’–πŸ‡΅πŸ‡­

26/08/2026

β€œMga Gabay at Tagubilin: A Training Workshop for Parents and Families of Children with Autism Spectrum Disorder”

Ang buhay at kabayanihan ni Ninoy Aquino ay nagpapaalala sa atin na tayo ay patuloy na kumilos para sa tunay na inclusiv...
21/08/2026

Ang buhay at kabayanihan ni Ninoy Aquino ay nagpapaalala sa atin na tayo ay patuloy na kumilos para sa tunay na inclusivity at para sa ating mga Ausome loved ones

Gaya rin ni Ninoy, may mga puwersa na sumusubok na kulayan, yurakan, patahimikin, at balewalain ang boses at mga programa na ating adbokasiya at ipinaglalaban.

Ngunit patuloy pa rin ang inyong Team Ausome Jose na kikilos para sa ating komunidad, malaki man o maliit ang ating pagsulong.

Dahil we Love you Ausome much!

🌈❀️

Today is SAN JOSE CITY DAY!The City where the people and the communities are the true champions and heroes of inclusivit...
10/08/2026

Today is SAN JOSE CITY DAY!

The City where the people and the communities are the true champions and heroes of inclusivity.

We love you Ausome much!

OPISYAL NA PAHAYAG NG AUSOME JOSE SOCIETY SA PAKIKIBAKA PARA SA FRESNO CODEAng Ausome Jose Society ay mariing kinokonden...
04/08/2026

OPISYAL NA PAHAYAG NG AUSOME JOSE SOCIETY SA PAKIKIBAKA PARA SA FRESNO CODE

Ang Ausome Jose Society ay mariing kinokondena ang mga malisyoso, mapanira, ill-motivated, at iresponsableng mga posts hinggil sa FRESNO Code at sa Ausome Jose Society.

Ang ating samahan ay kinokondena rin ang sistematiko at synchronized na pag-atake sa Ausome Jose Society at pamunuan nito ng mga troll.

Hindi sa iisang papel makikita ang totoong kuwento.

Inaanyayahan natin ang publiko, ang mga journos, at stakeholders na tingnan at silipin ang mga minutes ng lahat ng LSB meetings, mga opisyal na liham ng Ausome Jose Society sa kinauukulan, at iba pa.

Dito ninyo makikita kung sino ang tunay na may ginawa at nagsulong para sa pondo ng FRESNO CODE.

Ang pondong ito ay hindi para pagkakitaan o para sa pansariling kapakinabangan ng Ausome Jose Society, kundi para sa mga pamilya at kanilang mga anak na lubos na nangangailangan ng tulong para sa therapy at iba pang intervention programs upang mapabuti ang kanilang kalagayan.

Bilang tagapagsulong ng INCLUSIVITY at isang NON-PARTISAN na NGO, bukas ang Ausome Jose Society na makiisa at makipagtulungan sa anumang gawain o effort, kanino man galing, pribado man o gobyerno, dahil ito naman talaga ang ating adbokasiya.

Kaya naman nakakalungkot na pati ang collaboration ng Ausome kasama ang IBP Nueva Ecija kay Cong. Salvador noong tayo ay nagsulong ng mga pambansang panukalang batas para sa mga PWD bilang bahagi ng National Disability Rights Week ay ginamitan ng troll farm para masamain, dungisan, siraan, at bastusin ang ginagawa ng ating samahan, hindi lamang para sa mga neurodivergent, kundi para sa lahat ng may kapansanan.

Naniniwala ang Ausome Jose Society na ang ating track record ang pinakamatibay na ebidensya ng ating layunin at ating mga ginagawa.

Ang Ausome Jose Society ay nabuo, gumagalaw, at nakipagdaupang-palad sa neurodivergent community sa mga panahong hindi tayo nakikita, ang boses ay hindi naririnig, at walang pampamahalaang polisiya para sa atin.

May iba mang naratibo o kuwento, hindi maitatanggi ang buong katotohanan sapagkat ang tunay na resibo, hindi papel kundi mga naramdamang serbisyo.

Kaya't patuloy tayong maninindigan para sa ating mabuting hangarin at pangarap na tunay na inklusyon.

Three non-government organizations (NGOs) in one frame:Ausome Jose Society (with our partners from CHLC Therapy Center)S...
30/07/2026

Three non-government organizations (NGOs) in one frame:
Ausome Jose Society (with our partners from CHLC Therapy Center)
SIDHA - San Jose City Inc.
Sulong Youth Movement

May we continue to build meaningful connections rooted in kindness, respect, and understanding – not tainted by any "color" or different affiliation, but guided by wisdom, sincerity, and our shared commitment to a common goal and a greater purpose.

To everyone who continues to support our advocacies and stand with the neurodivergent community, thank you for your trust and unwavering belief in creating a more inclusive society.

Together, we can make a difference – one genuine friendship, one act of acceptance, and one step toward inclusion at a time.

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 π—œπ—‘π—§π—˜π—₯π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ 𝗙π—₯π—œπ—˜π—‘π——π—¦π—›π—œπ—£ 𝗗𝗔𝗬! πŸ€πŸ’™πŸŒ»

ISANG TAON NA...Isang taon na. Nasaan na kaya?Nagtagumpay at naipasa, mananatili lang kaya na alaala?Natuyo na ang luha ...
28/07/2026

ISANG TAON NA...

Isang taon na.
Nasaan na kaya?

Nagtagumpay at naipasa, mananatili lang kaya na alaala?

Natuyo na ang luha ng kaligayahan.
Naghihitay pa rin ng maaasahan

Isang taon na nakaraan.
Tila ba ito'y nakalimutan

Isang taon mula ng tagumpay.
Bakit hanggang ngayon naghihintay?

Ang ganda dapat ng hinaharap dahil sa FRESNO CODE
Isang taon na ng pagtalikod

Anu't-ano pa man, ang Ausome Jose Society ay magpapatuloy, 'to bang the door until it breaks the latch'

Because We love you Ausome much!

AUSOME 🀝 LAWYER 🀝 LAWMAKERBilang pagtalima sa tema ng National Disability Rights week ngayong taon na 'Rights First, Leg...
24/07/2026

AUSOME 🀝 LAWYER 🀝 LAWMAKER

Bilang pagtalima sa tema ng National Disability Rights week ngayong taon na 'Rights First, Legislation Forward,' nagsadya ang Ausome Jose Society at ang IBP Nueva Ecija Chapter Integrated Bar of the Philippines Nueva Ecija Chapter (IBP NE) sa kinatawan sa Kamara ng segundo distrito ng Nueva Ecija Cong. Mario Salvador.

Bitbit ang 'Joint Statement and Call to Action' ng IBP NE at Ausome Jose Society, inilatag at iminungkahi ng dalawang samahan kay Cong. Salvador ang ilan sa mga posibleng panukalang batas para sa mga persons with disabilities (PWDs).

Ilan sa mga ito ay ang job opportunities ng PWDs, flexible working condition ng mga caregivers nila, pagpaparami ng paaralan na magbubukas ng kurso para sa PWD care, at pagpapabigat sa mga krimen kontra PWD at para ituring ito na public crimes.

Malugod naman itong tinanggap ng Kongresista at nagbukas ng pintuan para sa mga ganitong proposal at dialogo.

Sa punto naman ng Ausome Jose Society ay napag-usapan at napagplanuhan ang mga tulong para sa mga neurodivergents, lalo na sa posibleng financial assistance upang makapagpa-assessment ang mga bata na may pamilyang walang kakayahan na gawin ito. Mahalaga ang assessment upang makilala at matukoy ang pangangailangan ng isang special needs person at para maka-avail ng mga benepisyo sa ilalim ng batas.

Kinatawan ang Ausome Jose Society ng kanilang pangulo na si Atty Christopher Pobre at sa IBP NE naman ay si Atty Oliver Duke Villamar.

Lahat ng ito ay itinataguyod dahil we love you Ausome much!

Patuloy po nating ipagdasal at suportahan ang mga tagapagtaguyod nito.

Exploratory talks with a new Neurodivergent-related services provider  Psychological Institute - San Jose CityPatuloy na...
22/07/2026

Exploratory talks with a new Neurodivergent-related services provider Psychological Institute - San Jose City

Patuloy na naghahanap, nakikipag-usap, at nakikipag-ugnayan sa mga potential partners ang Ausome Jose Society para makapagbigay ng mga neurodevelopmental services para sa mga neurodivergent na kung hindi man libre ay affordable, reliable, at accessible.

Patuloy po nating suportahan at ipagdasal ang ating samahan, mga gumagampan, at mga partners upang makapagtaguyod ng tunay at may impact na inclusion para sa lahat.

We love you Ausome much! ❀️

Address

Estacio One , Escobar, Canuto Ramos
San Jose
3121

Telephone

+639623899497

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ausome Jose Society posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Ausome Jose Society:

Shortcuts

Share

Category