13/05/2025
Isang taos-pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa lahat ng San Josenio na buong pusong sumuporta, nagtiwala, at bumoto kay Kap Willie Escudero. Bagamat hindi natin nakamit ang inaasam na tagumpay, ang ipinakita ninyong suporta ay isang patunay ng pagkakaisa, paninindigan, at malasakit sa tunay na paglilingkod.
Ikinararangal naming makasama ang bawat isa sa isang adhikain na ang sentro ay kapakanan ng ating bayan.
Sa bawat ngiti, pagod, dasal, at boto — maraming, maraming salamat. Hindi ito ang katapusan kundi simula pa lamang ng mas matibay na samahan at mas masigasig na pagmamahal sa mga San Josenian. Si Kap Willie ay mananatiling kaagapay ninyo sa anumang paraan, tulong tulong sa ikauunlad ng ating bayan.
Maraming salamat muli sa inyong tiwala. Sama-sama pa rin tayo sa pag-abot ng mas maayos na bukas para sa ating bayan.
Mabuhay ang San Jose!