20/04/2026
Isang malaking pasasalamat ang ipinapaabot ng BJMP San Jose City District Jail, sa ilalim ng pamumuno ni JCINSP RANDY A DUPILAS, Acting District Jail Warden, kay Ma'am Alma Dela Cruz at sa kanyang buong pamilya.
Nitong nakaraang April 18, 2026, hinandugan nila ng masasarap at nakakabusog na food packs ang ating mga PDL. Hindi lang pagkain ang inyong dinala, kundi pati na rin ang saya at pag-asa sa bawat isa. Ang inyong food packs ay higit pa sa pagkain, ito ay simbolo ng pag-alala at malasakit para sa kanila.
Kami ay nagdarasal ng patuloy na pagpapala para sa inyong pamilya. Maraming salamat muli sa pagiging katuwang namin sa pagpapakita ng malasakit!