31/08/2026
Ngayong Araw ng mga Bayani, inaalala at pinararangalan natin ang mga Pilipinong nag-alay ng tapang at sakripisyo para sa ating kalayaan at kinabukasan.
Kasabay ng paggunita, saludo rin ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa ating mga bayani ng bukidโang mga magsasakang walang sawang nag-aararo, nagtatanim, at nag-aani upang may pagkain sa hapag ng bawat Pilipino.
Sa bawat ani, may kwento ng tiyaga. Sa bawat produktong agrikultural, may bakas ng kanilang sipag at pagmamalasakit sa bayan.
Patuloy ang DAR sa pagsusulong ng mga programa na nagbibigay suporta sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan at mas mapalakas ang ambag nila sa agrikultura at seguridad sa pagkain ng bansa.
Saludo kami sa lahat ng bayaniโnoon, ngayon, at araw-araw. Mabuhay ang mga magsasakang Pilipino!
Follow us: https://twitter.com/dargovph
http://instagram.com/dargovph
https://www.tiktok.com/
https://www.youtube.com/c/dargovph1