27/08/2026
Nakiisa ang Public Market Office sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 sa pamamagitan ng sama-samang salu-salo bilang simbolo ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pagpapahalaga sa ating mayamang wika at kulturang Pilipino.
Nawa’y patuloy nating ipagmalaki at gamitin ang wikang Filipino bilang tulay ng mabuting paglilingkod at pagkakabuklod ng ating komunidad.
MALIGAYANG BUWAN NG WIKA 2026!