04/09/2026
π Pre-Marriage Orientation and Counseling (PMOC)
π City Population Office | π
August 26, 2026
Bilang bahagi ng patuloy na programa ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose sa pamamagitan ng City Population Office para sa pagpapatatag ng mga pamilya, matagumpay na isinagawa ang Pre-Marriage Orientation and Counseling (PMOC) Seminar noong Agosto 26, 2026.
Pinangunahan ng mga miyembro ng San Jose City Pastoral Movement na sina Rev. Harrison De Leon, Rev. Enrique Varde, at Rev. William Iglesias ang talakayan at nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at gabay sa mga kalahok bilang paghahanda sa buhay may-asawa.
Kabilang sa mahahalagang paksang tinalakay ang pag-aasawa at relasyon, gender biases at stereotypes, responsableng pagiging magulang, at ang kahalagahan ng respeto sa isaβt isa, maayos na komunikasyon, at pagtutulungan sa pagbuo ng isang malusog at maayos na pamilya.
Sa pamamagitan ng mga ganitong talakayan, patuloy na tinutulungan ng PMOC ang mga magiging mag-asawa na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa buhay may-asawa at mga responsibilidad na kaakibat nito, bilang paghahanda sa pagbuo ng isang matatag, maayos, at mapagmahal na pamilya.