22/07/2026
APPLICATION AT SUBMISSION NG REQUIREMENTS NG CASH GRANTS PARA SA PERSONS WITH DISABILITIES, MAGSISIMULA NA
Ang mga PWDs ay inaanyayahan nang mag-submit ng mga requirements sa itinakdang schedule sa bawat barangay na nasa ibaba para makatanggap ng cash grant.
Requirements para maging kwalipikado sa cash grant:
โข 3 photocopies ng registered PWD ID bago ang March 31, 2026 at ang ID ay hindi mag eexpire pagsapit ng December 31, 2026. Ang photocopies ay dapat may tig tatlong lagda ng PWD.
โข 3 copies ng Certificate of Residency mula sa barangay na hindi lalagpas ng dalawang (2) buwan. Ilagay na para ito sa cash grant.
** Para sa mga may authorized representative, kailangang nakalagay din ang pangalan ng authorized representative sa certificate of residency. Tanging kamag-anak o caregiver lamang ng PWD ang maaaring maging authorized representative. 3 photocopies ng ID ng authorized represntative na may tig tatlong lagda.
** Ang PWD at authorized representative lamang ang maaaring magpasa ng mga requirements.
** Hindi maaring magpalit ng authorized representative dahil ang dokumentong isinumite ay dapat magtugma ang pangalan ng authorized representative.
Mag-iikot ang mga staff ng PDAO sa ibaโt ibang mga barangay para kolektahin at i-validate ang requirements ng mga miyembro ng PWD.
Maraming salamat po!