19/06/2026
Mas pinalalakas pa ng lokal na pamahalaan ng San Juan, Batangas, katuwang ang iba’t ibang ahensya ang kakayahan at kaalaman ng mga lifeguard sa kanilang bayan.
Kaugnay nito, matagumpay na sumailalim sa Lifeguard Qualifications Training ang nasa 34 na lifeguard, sa pangunguna ng 512th Coast Guard Auxiliary Squadron at Philippine Coast Guard and Coast Guard Sub-Station San Juan, na layong mas mahasa pa ang kanilang kaalaman sa katubigan, partikular sa water safety, rescue operations, pagbibigay ng first aid, at emergency response.
Samantala, inaasahan naman na sa tulong ng kanilang bagong kaalaman ay mas magiging handa sila sa pagsisiguro ng kaligtasan ng mga turista sa bayan ng San Juan.