Municipal Health Office of LGU San Juan, Batangas

Municipal Health Office of LGU San Juan, Batangas Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Health Office of LGU San Juan, Batangas, Public & Government Service, Gen. Luna Street Poblacion San Juan, Batangas, San Juan.

15/07/2026


#6-59months
10-28, 2026

SIA

13/07/2026
09/07/2026
09/07/2026

Kaisa ang Pamahalaang Bayan ng San Juan sa ilalim ng pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD at ng Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Nestor Q. Alidio Jr., sa pagsusulong ng Ligtas Tigdas upang maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa tigdas at rubella.

Panoorin ang video at alamin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Ligtas Tigdas: Measles Rubella Supplemental Immunization Activity.

Sama-sama nating isulong ang ligtas, malusog, at protektadong komunidad.

Umabot sa 290 ang naging benepisyaryo sa isinagawang "One San Juan: Operation Tuli 2026" na programa ng Pamahalaang Baya...
25/06/2026

Umabot sa 290 ang naging benepisyaryo sa isinagawang "One San Juan: Operation Tuli 2026" na programa ng Pamahalaang Bayan ng San Juan sa ilalim ng pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, katuwang si Vice Mayor Octavio Antonio L. Marasigan, sa pamamagitan ng Municipal Health Office.

Nagmula sa iba’t ibang barangay ng bayan ang mga batang lalaki na nahandugan ng libreng tuli at libreng gamot mula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi, bilang bahagi ng adbokasiya ng LGU San Juan para sa mas malusog at ligtas na kinabukasan.

Layunin ng programa na magbigay ng libreng serbisyong medikal sa mga kabataang lalaki, matiyak ang kalinisan at kanilang kalusugan upang makaiwas sa mga posibleng sakit at impeksyon, at paigtingin ang komunidad na malusog at ligtas.

Kasamang nakiisa sa aktibidad si Sangguniang Bayan Member Kon. Miljun Magadia.

Siniguro naman ng medical team ang kaligtasan ng bawat batang sumailalim sa tuli sa pamamagitan ng maingat na proseso at tamang pangangalaga bago, habang, at pagkatapos ng operasyon.

Bukod sa serbisyong medikal, nagbigay rin ng paalala at gabay ang Municipal Health Office at Rural Heath Unit hinggil sa wastong pangangalaga matapos ang tuli upang maiwasan ang impeksyon at mapabilis ang paggaling ng mga bata.


π——π—˜π—‘π—šπ—¨π—˜ 𝗔π—ͺ𝗔π—₯π—˜π—‘π—˜π—¦π—¦ 𝗠𝗒𝗑𝗧𝗛 π—–π—˜π—Ÿπ—˜π—•π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘: 𝗦𝗔𝗠𝗔-π—¦π—”π— π—”π—‘π—š π—£π—”π—š-π—œπ—ͺ𝗔𝗦, 𝗦𝗔𝗠𝗔-π—¦π—”π— π—”π—‘π—š 𝗣π—₯π—’π—§π—˜π—žπ—¦π—¬π—’π—‘Bilang suporta sa kampanya laban sa deng...
25/06/2026

π——π—˜π—‘π—šπ—¨π—˜ 𝗔π—ͺ𝗔π—₯π—˜π—‘π—˜π—¦π—¦ 𝗠𝗒𝗑𝗧𝗛 π—–π—˜π—Ÿπ—˜π—•π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘: 𝗦𝗔𝗠𝗔-π—¦π—”π— π—”π—‘π—š π—£π—”π—š-π—œπ—ͺ𝗔𝗦, 𝗦𝗔𝗠𝗔-π—¦π—”π— π—”π—‘π—š 𝗣π—₯π—’π—§π—˜π—žπ—¦π—¬π—’π—‘

Bilang suporta sa kampanya laban sa dengue, nagsagawa ang Municipal Health Office ng Pamahalaang Bayan ng San Juan sa ilalim ng pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD katuwang ang Health Education and Promotion Unit (HEPU) ng DOH CHD CALABARZON ng isang β€œMajor Health Celebration” bilang bahagi ng pagdiriwang ng Dengue Awareness Month ngayong buwan ng Hunyo.

Pinangunahan ni Municipal Health Officer Dr. Nestor Alidio Jr. kasama si SB Member at Committee on Health Chairperson, ABC President Liwelyndo Vergara, ang aktibidad na dinaluhan ng mga Barangay Health Workers (BHWs) ng bayan ng San Juan bilang pangunahing katuwang sa pagsusulong ng kalusugan sa komunidad.

Layunin ng nasabing programa na palawakin ang kaalaman ng mga kalahok tungkol sa dengue, mga sintomas nito, at mga epektibong hakbang sa pag-iwas. Tinalakay rin ang kasalukuyang sitwasyon ng dengue, Vector Control Measures, at ang kampanyang β€œAlas Kwatro Kontra Mosquito.” Binigyang-diin din ang kahalagahan ng β€œTaob, Taktak, Tuyo, Takip” at regular na Clean-Up Drive upang mapuksa ang mga pinamumugaran ng lamok.

Sa sama-samang pagkilos ng komunidad, patuloy nating isinusulong ang at isang ligtas at laban sa dengue.



Juan

Address

Gen. Luna Street Poblacion San Juan, Batangas
San Juan
4226

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office of LGU San Juan, Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Health Office of LGU San Juan, Batangas:

Shortcuts

Share