Mari Quita Padua-Ortega

Mari Quita Padua-Ortega Official page of Mariquita Padua-Ortega | Napintas A Serbisyo!
(1)

Magandang pasok ng buwan para sa San Juan!Isang karangalang ipagdiwang ang tagumpay ni Lanz James Ariones, kasapi ng Loc...
01/08/2026

Magandang pasok ng buwan para sa San Juan!Isang karangalang ipagdiwang ang tagumpay ni Lanz James Ariones, kasapi ng Local Youth Development Council (LYDC) ng San Juan, La Union, na nahalal bilang Provincial Youth First District Board Member sa ginanap na Provincial Youth Officials Election ngayong Agosto 1, 2026.

Kaisa ninyo ako, kasama sina Vice Mayor Arturo P. Valdriz, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Ms. Ashley Palabay - Local Youth Development Officer (LYDO) ng San Juan, gayundin ang Local Youth Development Council (LYDC) at Pambayang Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan (PPSK), sa pagpupugay sa iyong tagumpay.

Nawa'y maging daan ang bagong tungkuling ito upang higit mong maitaguyod ang kapakanan at boses ng kabataan sa Unang Distrito. Ipinagmamalaki ka ng San Juan. Congratulations at mabuhay ka! ๐ŸŽ‰

Isang karangalan ang aking pagtanggap sa courtesy call ng mga kinatawan at awardees ng Pantawid Pamilyang Pilipino Progr...
31/07/2026

Isang karangalan ang aking pagtanggap sa courtesy call ng mga kinatawan at awardees ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kahapon, Hulyo 30, 2026, kasunod ng kanilang pagkilala mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office I dahil sa kanilang natatanging kontribusyon sa pamayanan, boluntaryismo, at mahusay na pamumuno.

Buong pagmamalaki kong kinikilala ang ating mga awardees:

โ€ข Mrs. Dalisay P. Rubis โ€“ Provincial Nominee para sa Natatanging Parent Leader 2026
โ€ข Barangay Balballosa 4Ps Parent Group โ€“ Provincial Champion sa Natatanging Parent Group 2026 at 3rd Runner-Up sa Regional Finals. Ipinagmamalaki nating ikatlong sunod-sunod na taon nang nag-uuwi ng kampeonato ang San Juan sa naturang kategorya.
โ€ข Lower Dasay 4Ps Parent Groupโ€“ Regional Winner ng PaNaTa Ko sa Bayan Awards โ€“ 2025 Regional Salamat Po Awardee sa ilalim ng Best Volunteer Category, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-75 Anibersaryo ng DSWD FO I.

Ang inyong tagumpay ay bunga ng pagkakaisa at malasakit ng ating komunidad. Patuloy kong sinusuportahan, kasama ni Vice Mayor Arturo P. Valdriz, ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at ng 4Ps Municipal Action Team sa pamumuno ni G. Joseph J. Tilan, ang mga programang nagbibigay ng pag-asa at mas magandang kinabukasan para sa bawat pamilyang San Juaneรฑo.

Muli, taos-puso kong binabati ang ating mga awardees. Patuloy ninyong dalhin ang karangalan sa ating bayan at maging inspirasyon sa mas marami pang San Juaneรฑo.

Mabuhay ang ating mga awardees! Mabuhay ang Bayan ng San Juan!

Aking ikinagalak ang pagbisita ng mga kinatawan mula sa Department of Health โ€“ Health Policy Development and Planning Bu...
30/07/2026

Aking ikinagalak ang pagbisita ng mga kinatawan mula sa Department of Health โ€“ Health Policy Development and Planning Bureau (DOH-HPDPB) sa aking tanggapan ngayong Hulyo 30, 2026, bilang bahagi ng kanilang Knowledge Management Journey kaugnay ng apat na araw na Program Implementation Review sa lalawigan.

Matapos ang courtesy call, bumisita rin ang delegasyon sa San Juan Rural Health Unit (RHU) upang makita ang ating mga best practices sa paghahatid ng primary healthcare services at ang epektibong pagpapatupad ng mga programa ng DOH sa lokal na antas.

Patuloy nating palalakasin ang ating pakikipagtulungan sa DOH-HPDPB upang higit pang mapabuti ang serbisyong pangkalusugan para sa bawat San Juaneรฑo.

Isang karangalan ang makadaupang-palad ang mga kinatawan ng Union Christian College (UCC)  sa isang courtesy visit sa ak...
30/07/2026

Isang karangalan ang makadaupang-palad ang mga kinatawan ng Union Christian College (UCC) sa isang courtesy visit sa aking tanggapan ngayong araw, Hulyo 30, 2026.

Isa sa mahahalagang tinalakay ang nalalapit na opisyal na paglalagda ng Memorandum of Understanding (MOU) para sa deployment ng 492 Nursing Students sa ilalim ng programang "Nursing Students for the Barangay." Sa pamamagitan ng programang ito, mas mailalapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa ating mga barangay habang nabibigyan din ng mahalagang karanasan ang mga mag-aaral sa larangan ng nursing.

Lubos ang aking pasasalamat sa Union Christian College (UCC) sa kanilang pakikiisa sa adhikaing mapalakas ang serbisyong pangkalusugan sa ating komunidad. Patuloy nating susuportahan ang mga programang nagbibigay ng mas maayos, mas abot-kaya, at mas makataong serbisyong pangkalusugan para sa bawat pamilyang San Juaneรฑo.

Aking ikinagalak ang pagbisita ng mga kinatawan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa aking tang...
30/07/2026

Aking ikinagalak ang pagbisita ng mga kinatawan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa aking tanggapan noong Hulyo 29, 2026, upang talakayin ang mahahalagang programa at inisyatibong patuloy na magpapalakas sa serbisyong panlipunan sa ating bayan.

Isa sa mga pangunahing naging paksa ang isinagawang validation para sa mga potensyal na karagdagang benepisyaryo ng Social Pension (SocPen) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangunguna ni Ms. Christza Fei P. Filarca, bilang bahagi ng layunin nating matiyak na ang tulong ay naipagkakaloob sa mga tunay na nangangailangan.

Ikinararangal ko ring matanggap ang opisyal na nominasyon ni Ms. Cresmina Cayetano, Child Development Worker (CDW) ng Barangay Nagyubuyuban, para sa prestihiyosong Search for Top 10 Outstanding CDW Award. Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa kanyang dedikasyon at malasakit sa maayos na paghubog at pag-unlad ng ating mga kabataan.

Kasama si Vice Mayor Arturo P. Valdriz at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, nananatili ang aking pangako na suportahan ang mga programang nagbibigay ng sapat na aruga, benepisyo, at pagkilala sa ating mga mamamayan at mga lingkod-bayan. Patuloy nating pagtitibayin ang mga inisyatibong naglalayong maiangat ang kalidad ng buhay ng bawat San Juaneรฑo sa pamamagitan ng Napintas a Serbisyo.

Isang kasiyahan ang aking pagtanggap sa mga kasapi ng Local Youth Development Council (LYDC) sa pangunguna ni Pambansang...
30/07/2026

Isang kasiyahan ang aking pagtanggap sa mga kasapi ng Local Youth Development Council (LYDC) sa pangunguna ni Pambansang Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan President Jerome Valdriz, kasunod ng kanilang quarterly meeting na isinagawa noong Hulyo 29, 2026.

Sa aming naging courtesy visit, aking ipinahayag ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Lokal ng San Juan sa mga programa at inisyatibo ng LYDC na naglalayong mapaunlad ang kakayahan, pamumuno, at kapakanan ng mga kabataang San Juaneรฑo.

Naniniwala ako na ang aktibong pakikilahok ng ating mga kabataan ay mahalagang pundasyon sa pagbuo ng isang mas maunlad at mas matatag na komunidad. Patuloy nating palalakasin ang ating pagtutulungan upang makapaghatid ng mga programang magbibigay ng mas maraming oportunidad at inspirasyon para sa susunod na henerasyon ng mga lider ng San Juan.

Isang karangalan na aking pinangunahan ang panunumpa sa tungkulin ni Punong Barangay Amadeo P. Dela Cruz, Jr. ng Baranga...
30/07/2026

Isang karangalan na aking pinangunahan ang panunumpa sa tungkulin ni Punong Barangay Amadeo P. Dela Cruz, Jr. ng Barangay Dangdangla, San Juan, La Union noong Hulyo 29, 2026.

Naging mga saksi sa makabuluhang okasyong ito sina Barangay Treasurer Alona C. Badanguito, Barangay Secretary Rowena J. Javier, at kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na si Wilhelm Smith Ople Forte.

Buo ang aking tiwala na sa kanyang pamumuno, maipagpapatuloy ang mga programang magbibigay ng kaayusan, maayos na serbisyo, at mas higit pang pag-unlad para sa mga mamamayan ng Barangay Dangdangla. Ang panunumpang ito ay tanda ng kanyang pangakong maglingkod nang may integridad, dedikasyon, at malasakit sa kanyang mga kabarangay.

Muli, taos-puso kong binabati si Punong Barangay Amadeo P. Dela Cruz, Jr. sa kanyang panunungkulan. Nawa'y patuloy tayong magkaisa sa paghahatid ng Napintas a Serbisyo at sa pagsusulong ng isang mas maunlad na San Juan.

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—›๐—ผ๐—ป. ๐—˜๐˜‚๐˜€๐—ฒ๐—ฏ๐—ถ๐—ผ ๐—Ÿ๐—ถ๐—บ ๐—œ๐—œ!Nawaโ€™y maging mas makabuluhan ang bawat taon ng inyong buhay, kasabay ng patulo...
29/07/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—›๐—ผ๐—ป. ๐—˜๐˜‚๐˜€๐—ฒ๐—ฏ๐—ถ๐—ผ ๐—Ÿ๐—ถ๐—บ ๐—œ๐—œ!

Nawaโ€™y maging mas makabuluhan ang bawat taon ng inyong buhay, kasabay ng patuloy na pagโ€‘alay ng tapat na serbisyo sa komunidad. Ang inyong halimbawa ng napintas a serbisyo ay nagbibigayโ€‘inspirasyon sa bawat kailian upang maglingkod nang may malasakit at dedikasyon.

Malugod kong tinanggap ngayong Hulyo 29, 2026 ang mga kinatawan mula sa Office of the Provincial Assessor ng La Union, k...
29/07/2026

Malugod kong tinanggap ngayong Hulyo 29, 2026 ang mga kinatawan mula sa Office of the Provincial Assessor ng La Union, kasama si Municipal Assessor Engr. Leila E. Valdriz, para sa isang courtesy visit at evaluation briefing.

Sa aming pagpupulong, ibinahagi ang evaluation findings para sa Calendar Year 2025 at ang mga paghahanda para sa nalalapit na taunang ebalwasyon. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na teknikal na suporta ng pamahalaang panlalawigan kaugnay ng Real Property Tax Consciousness Month at magsisilbing batayan sa pagkilala sa mga Top Performing LGUs in Local Revenue Generation sa La Union.

Patuloy nating palalakasin ang ating pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan upang mapanatili ang mahusay, patas, at episyenteng pamamahala sa lokal na pagbubuwis para sa patuloy na pag-unlad ng San Juan.

Masaya kong pinangunahan ngayong Hulyo 29, 2026, kasama sina Municipal Treasurer Genoveva C. Vergara at Public Employmen...
29/07/2026

Masaya kong pinangunahan ngayong Hulyo 29, 2026, kasama sina Municipal Treasurer Genoveva C. Vergara at Public Employment Service Office (PESO) Manager Exekiel V. Lanuzo, ang pamamahagi ng 60% salary share mula sa LGU San Juan para sa 25 benepisyaryo ng Special Program for the Employment of Students (SPES) bilang kabayaran sa kanilang 22 araw na rendered service.

Ang natitirang 40% ng kanilang sahod ay ipagkakaloob naman ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Patuloy nating sinusuportahan ang programang SPES, na nagbibigay ng pansamantalang trabaho at mahalagang karanasan sa mga estudyante habang tinutulungan silang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Maraming salamat sa inyong sipag at dedikasyon sa paglilingkod sa ating bayan.

Address

San Juan
2514

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mari Quita Padua-Ortega posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mari Quita Padua-Ortega:

Shortcuts

Share

Category