One Batangas

Directions Website

One Batangas Nagkakaisang Batangas, tungo sa mas maunlad na Pilipinas.

Happy Birthday, Mayor D**g Villena of Taysan, Batangas! Maraming salamat sa taos-pusong serbisyo sa mamamayan ng Taysan!...
07/10/2026

Happy Birthday, Mayor D**g Villena of Taysan, Batangas!

Maraming salamat sa taos-pusong serbisyo sa mamamayan ng Taysan!


Batangas Environmental Summit 2026: Mga Katuwang sa Pangangalaga ng Kalikasan, Pinarangalan sa Batangas City.BATANGAS CI...
07/10/2026

Batangas Environmental Summit 2026: Mga Katuwang sa Pangangalaga ng Kalikasan, Pinarangalan sa Batangas City.

BATANGAS CITY , Pormal na isinagawa ngayong araw, ika-5 ng Oktubre 2026, ang Batangas Environmental Summit 2026 sa PonteFino Hotel, Batangas City. Ang nasabing kaganapan ay pinangunahan ng Provincial Government–Environment and Natural Resources Office (PGENRO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Layunin ng summit na kilalanin at bigyang-pugay ang mahahalagang ambag ng iba’t ibang sektor sa pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan sa lalawigan. Kabilang sa mga pinarangalan at binigyang-pagkilala ang mga kinatawan mula sa:

National Government Agencies (NGAs)
Local Government Units (LGUs)
Pribadong Sektor
Akademya
Mga Lokal na Komunidad at Stakeholders

Sa kanyang opisyal na pahayag, binigyang-diin ni Governor Vilma Santos-Recto ang kahalagahan ng collective governance at ugnayan ng bawat sektor upang mapanatili ang mga likas na yaman ng Batangas para sa mga susunod na henerasyon.

Binigyang-diin sa pagtitipon ang patuloy na pagpapatupad ng mas matatag na mga patakarang pangkapaligiran at ang pagpapalakas ng ugnayan ng pamahalaan at mamamayan tungo sa sustainable environmental management.


Happy Fiesta Bayan ng Rosario! 🎊Kapistahan ng Mahal ng Birhen ng Santo Rosario!
07/10/2026

Happy Fiesta Bayan ng Rosario! 🎊

Kapistahan ng Mahal ng Birhen ng Santo Rosario!

PAGPAPALAWAK NG TOSHIBA PRODUCTION SA PILIPINAS, 3,000 TRABAHO ANG KASAMA.Pinagpulungan nina Executive Secretary Ralph G...
06/10/2026

PAGPAPALAWAK NG TOSHIBA PRODUCTION SA PILIPINAS, 3,000 TRABAHO ANG KASAMA.

Pinagpulungan nina Executive Secretary Ralph G. Recto at Toshiba Corporation Senior Executive Vice President Koji Ikeya ang planong pagpapalawak ng Toshiba ng hard disk drive manufacturing operations nito sa bansa.

Para kay Executive Secretary Recto, ang expansion ay isang malakas na boto ng tiwala sa Pilipinas, patunay na nakikita ng global technology companies ang potensyal ng ating bansa bilang sentro ng advanced manufacturing.

Kasama rin sa pagpupulong sina Undersecretary Erwin Sta. Ana at PEZA Director General Tereso O. Panga, habang patuloy na hinihikayat ng pamahalaan ang mga investors na hindi lamang manatili, kundi lumago kasama ang Pilipinas.

Sa mas maraming high-tech investments, mas maraming teknolohiya ang pumapasok, mas lumalakas ang manufacturing sector, at mas maraming de-kalidad na trabaho ang maaaring mapunta sa mga Pilipino.

Toshiba grows in the Philippines. Filipinos grow with it.

KALUSUGAN NG MGA G**O, UNANG LINE-UP SA EO NO. 01-2025. May dagdag suporta na sa kalusugan para sa mga g**o at kani-kani...
06/10/2026

KALUSUGAN NG MGA G**O, UNANG LINE-UP SA EO NO. 01-2025.

May dagdag suporta na sa kalusugan para sa mga g**o at kani-kanilang pamilya sa ilalim ng Executive Order No. 01-2025 o Task Force Matatag na Kalusugan, at ng H.E.A.R.T.S. Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Sa pamumuno ni Vilma Santos- Recto ay mas pinalakas ang serbisyong pangkalusugan at suporta sa mga g**ong Batangueño!

Kabilang sa benepisyaryong ibibigay ay ang pagkakaroon ng priority medical assistance, libreng medical consultation at hospital subsidies sa mga provincial at district hospital ng Batangas. Layunin nito na mas mapalapit at mapadali ang pagkuha ng kinakailangang serbisyong medikal ng ating mga g**o at kanilang pamilya ngunit ito ay depende sa kwalipikasyon alinsunod sa Executive Order 01-2025.

I-share 'to sa kapwa mo g**o para alam nila ang kanilang mga benepisyo ngayon!

EXECUTIVE SECRETARY RECTO AT NAPC SECRETARY PACQUIAO, MAGKASANGGA LABAN SA GUTOM AT KAHIRAPAN.Hindi lang numero ang usap...
05/10/2026

EXECUTIVE SECRETARY RECTO AT NAPC SECRETARY PACQUIAO, MAGKASANGGA LABAN SA GUTOM AT KAHIRAPAN.

Hindi lang numero ang usapin ng kahirapan, bawat porsyento ay kumakatawan sa mga pamilyang naghahanap ng trabaho, pagkain, edukasyon at mas magandang buhay.

Kaya sa pagpupulong nina Executive Ralph Recto at NAPC Secretary at Lead Convenor Manny Pacquiao, pinag-usapan ang pagpapalakas at pag-uugnay ng mga programa ng pamahalaan upang mas mabilis at direktang makarating ang tulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

May malaking naitulong na: bumaba ang poverty incidence sa 9.7% noong 2025, mula 15.5% noong 2023. Pero may humigit-kumulang 11 milyong Pilipino pa ring kailangang maiahon sa kahirapan.

Kaya malinaw ang susunod na target: 9% pagsapit ng 2028.
Dahil ang tunay na sukatan ng pag-unlad ay hindi lamang kung gaano kabilis umuunlad ang ekonomiya, kundi kung gaano karaming pamilyang Pilipino ang nakakaahon at nagkakaroon ng mas magandang buhay.

Laban para sa bawat pamilya. Laban para sa bawat Pilipino.


HAPPY NATIONAL TEACHER’S DAYSa likod ng bawat batang nangangarap ay may isang g**ong patuloy na naniniwala, gumagabay, a...
05/10/2026

HAPPY NATIONAL TEACHER’S DAY

Sa likod ng bawat batang nangangarap ay may isang g**ong patuloy na naniniwala, gumagabay, at nagbibigay-inspirasyon.

Saludo kami sa lahat ng g**o na araw-araw na nagbibigay ng oras, puso, tiyaga, at malasakit, kahit pagod, patuloy na nagtuturo, at kahit may sariling pinagdaraanan, patuloy na umaalalay.

Maraming salamat sa paghubog ng isip, paglinang ng pangarap, at pagbuo ng kinabukasan.

Happy Teachers’ Day sa lahat ng ating dakilang g**o! ❤️


TIPID SA PONDO, PERO HINDI TITIPIDIN ANG SERBISYO ANG MGA PILIPINOHindi kailangang malaki ang budget para makagawa ng ma...
04/10/2026

TIPID SA PONDO, PERO HINDI TITIPIDIN ANG SERBISYO ANG MGA PILIPINO

Hindi kailangang malaki ang budget para makagawa ng malaking bagay, ang mahalaga, tama at sulit ang paggamit nito.

Para sa 2027, ₱10.15 bilyon ang panukalang budget ng Office of the President (OP), 64% na mas mababa kaysa sa 2026 allocation.

Sa Senate budget briefing, tiniyak ni Executive Secretary Ralph G. Recto na kahit mas maliit ang pondong hinihingi, mananatiling mataas ang pamantayan sa serbisyo at pananagutan.

“We are asking for less while remaining fully prepared to do more.”
Sa kabuuang ₱7.2-trilyong proposed national budget, 0.14% lamang ang bahagi ng OP.

Dahil sa pera ng bayan, bawat piso ay dapat sulit. 🇵🇭


BAGONG NORTH-SOUTH COMMUTER RAILWAY TUNGO SA MAS MARAMING TRABAHO AT NEGOSYOAng 147-kilometrong North-South Commuter Rai...
03/10/2026

BAGONG NORTH-SOUTH COMMUTER RAILWAY TUNGO SA MAS MARAMING TRABAHO AT NEGOSYO

Ang 147-kilometrong North-South Commuter Railway (NSCR) ay hindi lamang para mapabilis ang biyahe. Binigyang-diin ni Executive Secretary Ralph G. Recto na magiging mahalaga rin ito sa pagpapalakas ng logistics, negosyo, manufacturing at investments sa bansa.

Sa mas mabilis na paggalaw ng tao, produkto at raw materials, mas mapapalapit ang mga negosyo at merkado, mula Luzon hanggang Visayas at Mindanao.

Target na maging operational ang Malolos–Valenzuela sa 2028, Malolos–Clark sa 2029, at makumpleto ang buong NSCR pagsapit ng 2033.

Mas mabilis na koneksyon. Mas maraming negosyo. Mas maraming trabaho. Mas malakas na ekonomiya. 🇵🇭


Maligayang kaarawan sa power couple ng Lungsod ng Batangas! 💚🎉Maraming Salamat sa taos-pusong serbisyo at pagmamahal sa ...
03/10/2026

Maligayang kaarawan sa power couple ng Lungsod ng Batangas! 💚🎉

Maraming Salamat sa taos-pusong serbisyo at pagmamahal sa mga mamamayan ng Ikalimang Distrito!


Address

San Juan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when One Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share