24/07/2026
πππ¨ π¦ππ‘ ππ¨ππ‘ π‘πππππππ’π π¦π π‘ππ§ππ’π‘ππ ππππ ππ§π ππππ‘ππ π₯ππ¦πππππ‘ππ ππ’π₯π¨π
Nakibahagi ang Pamahalaang Bayan ng San Juan, sa ilalim ng pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, sa National Climate Change Resilience Forum (NCRF) na isinagawa ng Climate Change Commission (CCC) ngayong Huwebes, Hulyo 23, sa SMX Aura Convention Center, Taguig City. Dinaluhan ng mga kinatawan ng lokal na pamahalaan na sina MDRRMO Chief Noralyn Nera at LDRRMO I Alyssa Kae Ramos ang forum na may temang "Bagong Bansang Matatag, Handa sa Pagbabago ng Klima," na naglalayong palakasin ang kahandaan at katatagan ng mga lokal na pamahalaan sa harap ng mga hamon ng climate change.
Nagbigay ang forum ng pagkakataon sa mga kinatawan ng iba't ibang ahensya at lokal na pamahalaan na magbahagi ng mga estratehiya at pinakamahuhusay na kasanayan sa pagsusulong ng climate resilience at disaster risk reduction. Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga ganitong programa, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng San Juan ang mga inisyatibang nakatuon sa pangangalaga sa kapaligiran at pagpapatatag ng kahandaan ng komunidad laban sa mga epekto ng pagbabago ng klima.