The EmPress-Emigdian Press

The EmPress-Emigdian Press The page posts school-related articles.

EABHS is ARAL-ready! โœจ๐Ÿ“šHanda na ang Emigdio A. Bondoc High School na makiisa sa pagpapatupad ng ARAL (Academic Recovery ...
30/09/2025

EABHS is ARAL-ready! โœจ๐Ÿ“š

Handa na ang Emigdio A. Bondoc High School na makiisa sa pagpapatupad ng ARAL (Academic Recovery and Accessible Learning) Program ng Department of Education. Layunin nitong tulungan ang mga mag-aaral na makahabol sa kanilang pagkatuto at higit pang mapalakas ang kasanayan lalo na sa pagbasa โ€” na siyang pundasyon ng lahat ng kaalaman.

Sa sama-samang pagsisikap ng ating mga g**o, magulang, at komunidad, matitiyak natin na walang batang maiiwan at bawat pangarap ay may gabay tungo sa tagumpay.

TINGNAN | Pagtatalaga ng mga Bagong Opisyales sa Emigdio A. Bondoc High School, Matagumpay na IdinaosIdinaos nitong Biye...
12/09/2025

TINGNAN | Pagtatalaga ng mga Bagong Opisyales sa Emigdio A. Bondoc High School, Matagumpay na Idinaos

Idinaos nitong Biyernes ng Hapon, ika-12 ng Setyembre ang Pagtatalaga ng mga Bagong Opisyales sa Mataas na Paaralan ng Emigdio A. Bondoc na naka-angkla sa temang "Magulang at Paaralan, Magkasama sa Pamumunong Tapat Tungo sa Kinabukasang Maunlad at Marangal.โ€ Pinangunahan nina Hon. Wilfredo DG. Santos, Kapitan ng Barangay San Roque, at Hon. Albien Caliwag, Konsehal na nakatalaga sa Edukasyon, ang nasabing seremonya.

Sa kabuuan, 238 class officers, 183 club at organization officers na pinangunahan ng pangulo ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) na si Fiona Nicole Balagosa, at 157 na mga magulang na pinangunahan naman ni Gng. Zarah S. Bautista, pangulo ng Samahan ng Mga G**o at Magulang (SPTA), ang mga nanumpa sa kanilang bagong tungkulin bilang mga opisyal.

Ipinunto ni Hon. Santos sa kanyang mensahe ang diwa ng tunay na paglilingkod. Aniya, โ€œAng kailangan ng paaralan ay community service, walang hinihintay na kapalit.โ€ Hinimok ang mga magulang na patuloy na makipagtulungan sa paaralan at barangay para maitaguyod ang maunlad na pamayanang may marangal na mga mamamayan na nagmumula sa mga mag-aaral.

Bilang pagtatapos ng kaniyang mensahe, iniwan niya ang mga dumalo ng makahulugang panawagan: โ€œSama-sama sa dekalidad na edukasyon para sa Emigdio A. Bondoc High School.โ€

Sa kabuuan, matagumpay na nagtapos ang programa baon ng bawat isa ang inspirasyon at determinasyon sa pagkakaroon ng progresibo, matatag, at marangal na pamumuno.

06/09/2025
CLASS SUSPENSION | SEPTEMBER 1, 2025Magandang umaga po.. Alinsunod sa anunsyo ng Department of the Interior and Local Go...
31/08/2025

CLASS SUSPENSION | SEPTEMBER 1, 2025

Magandang umaga po..

Alinsunod sa anunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Philippines, suspendido ang lahat ng klase ngayong Setyembre 1, 2025 (Lunes) sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa Pampanga at iba pang apektadong lugar, dulot ng malakas na pag-ulan hatid ng Low Pressure Area (LPA) at Southwest Monsoon o hanging habagat.

Humihingi po kami ng paumanhin sa nahuling pag-abiso dahil inilabas ang anunsyo nang makapasok na ang mga mag-aaral sa paaralan. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at mag-ingat po tayong lahat.

: Public Advisory ๐ŸŒง๏ธโ˜”๏ธ

TINGNAN|EABHS Mr. and Ms. Intramurals 2025Punong-puno ng sigla, ganda, at kumpiyansa ang entablado ng Emigdio A. Bondoc ...
30/08/2025

TINGNAN|

EABHS Mr. and Ms. Intramurals 2025

Punong-puno ng sigla, ganda, at kumpiyansa ang entablado ng Emigdio A. Bondoc High School sa pinakaaabangang tagisan ng Mr. and Ms. Intramurals 2025!

Mula Grade 7 hanggang Grade 12, ipinakita ng mga kandidato ang kanilang husay sa pamamagitan ng production number at angking tikas sa kanilang sports attire. Hindi lamang ito naging paligsahan ng kisig, ganda, at tindig, kundi isang patunay ng sportsmanship, talento, at tatak Emigdian!

Matagumpay na nagtapos ang programa at itinanghal ang mga sumusunod na panalo:

๐Ÿ‘ฆ Male Category Winners
๐Ÿ‘‘ Mr. Intramurals 2025: Candidate #2, Grade 8 Rep
๐Ÿฅˆ 1st Runner-Up: Candidate #6, Grade 12 Rep
๐ŸŒŸ Mr. Production: Candidate #6, Grade 12 Rep
๐Ÿ† Mr. Best in Sports: Candidate #2, Grade 8 Rep

๐Ÿ‘ง Female Category Winners
๐Ÿ‘‘ Ms. Intramurals 2025: Candidate #5, Grade 11 Rep
๐Ÿฅˆ 1st Runner-Up: Candidate #3, Grade 9 Rep
๐ŸŒŸ Ms. Production: Candidate #5, Grade 11 Rep
๐Ÿ† Ms. Best in Sports: Candidate #5, Grade 11 Rep

Tampok din ang mga makukulay na pagtatanghal ng ibaโ€™t ibang katutubong sayaw bilang bahagi ng Buwan ng Wika. Sa bawat indak at awitin, ipinakita ng mga mag-aaral ang yaman ng kulturang Pilipinoโ€”na nagbigay kulay, diwa, at puso sa huling araw ng Intramurals.

Ang Mr. and Ms. Intramurals 2025 ay nagpamalas na ang tunay na tagumpay ay nasusukat hindi lamang sa korona, kundi sa tiwala sa sarili, talento, at pagkakaisa ng bawat Emigdian!

๐ŸŽ‰๐ŸŒˆ COLOR FUN RUN: SAYA, TAKBO, AT KULAY! ๐ŸŒˆ๐ŸŽ‰Matapos madelay dahil sa kanselasyon ng klase, matagumpay na naisagawa ang ma...
30/08/2025

๐ŸŽ‰๐ŸŒˆ COLOR FUN RUN: SAYA, TAKBO, AT KULAY! ๐ŸŒˆ๐ŸŽ‰

Matapos madelay dahil sa kanselasyon ng klase, matagumpay na naisagawa ang masayang Color Fun Run nitong Biyernes, Agosto 29, 2025, ikalawang araw ng Intramurals 2025 sa Emigdio A. Bondoc High School! ๐Ÿƒโ€โ™‚๏ธ๐Ÿƒโ€โ™€๏ธโœจ

Halos 700 masisigasig na mag-aaral ang lumahok sa masayang aktibidad na pinasimulan sa opisyal na hudyat ni G. Jeric D. Bingcang, sports coordinator, at pinangasiwaan nina Gng. Jenny B. Cunanan, overall chairperson ng Intramurals, at G. Benedicto C. Guevarra Jr., g**o sa MAPEH kasama ang mga g**o ng paaralan. Payapa at maayos na natapos ang kompetisyon at itinanghal na panalo ang mga sumusunod:

๐Ÿ‘ฆ Boys Division
๐Ÿฅ‡ Marco V. Manalili
๐Ÿฅˆ Mark Calderon
๐Ÿฅ‰ Patricio Jr. Rosales

๐Ÿ‘ง Girls Division
๐Ÿฅ‡ Alwina A. Sangcap
๐Ÿฅˆ Jilaica S. Santos
๐Ÿฅ‰ Miel B. Torres

Hindi lang medalya ang naiuwi, kundi matitingkad na alaala at masasayang ngiti mula sa makukulay na patak ng Intramurals 2025! ๐Ÿ’–๐ŸŒŸ

TINGNAN |Opisyal na binuksan ang Intramurals 2025 sa Emigdio A. Bondoc High School noong Huwebes, Agosto 28, 2025. Bilan...
30/08/2025

TINGNAN |

Opisyal na binuksan ang Intramurals 2025 sa Emigdio A. Bondoc High School noong Huwebes, Agosto 28, 2025. Bilang panimula, masayang binati at pinasalamatan ng punong-g**o na si Bb. Nancy M. Labao ang EMIGDIANS at mga Magulang sa pakikilahok nito sa naturang programa. Pinaalalahanan rin niya ang EMIGDIANS sa tunay na diwa ng Intramurals - disiplina at pagkakaisa. Isang masiglang zumba activity naman ang isinagawa bilang panimulang gawain sa pangunguna ng SPTA Officers sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Sarah S. Bautista, SPTA President, at Zumba Intructor na si G. Francis Viray. Ito ay masayang nilahukan ng mga mag-aaral at g**o.

Kasunod nito ay pormal ng sinimulan ang seremonya ng Intramurals sa pamamagitan ng pagsindi ng Torch of Sportsmanship na isinagawa nina Alwina Sangcap, Mavie Joyce Esguerra, Aaron Jossrow Salas, at iba pang ML Players. Ang Torch of Sportsmanship ay nagsisilbing sagisag ng pagkakaisa, katapatan, at patas na paglalaro. Sinundan ito ng Panunumpa ng Sportsmanship na pinangunahan ni Aaron Jossrow Salas, at ang Oath of Officials sa pangunguna ni G. Jeric D. Bingcang, Sports Coordinator.

Opisyal na ipinahayag ni Bb. Regina V. Bagsik, Teacher-In-Charge ng TLE Department, ang pagbubukas ng Intramurals 2025 na siyang pinakahihintay ng mga manlalarong mag-aaral.

Pagkatapos ng seremonya, iba't ibang ball games tulad ng basketball, volleyball, badminton, at table tennis ay agad na sinimulan. Samantala, ang bawat club at organisasyon sa paaralan gaya ng SSLG, BKD, YES-O, PAK-PAK, at iba pa ay nagtayo rin ng kani-kanilang booth, na nagdagdag ng kulay at kasiyahan sa buong kaganapan.

Ang Intramurals 2025 ay isinagawa sa loob ng dalawang araw, Agosto 28-29, na puno ng mga laro, paligsahan, at iba pang aktibidad na naglalayong itaguyod ang sportsmanship at pagkakaisa sa paaralan.

51st Nutrition Month, ipinagdiwang na!Upang mabigyan ng kaukulang pansin ang sapat na nutrisyon para sa lahat ng mga mam...
01/08/2025

51st Nutrition Month, ipinagdiwang na!

Upang mabigyan ng kaukulang pansin ang sapat na nutrisyon para sa lahat ng mga mamamayang Pilipino, ipinagdiwang na ang 51st Nutrition Month nitong buwan ng Hulyo taong kasalukuyan na may temang "Food at Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!"

Ayon kay Ma`am Crescel M. Hernandez, health leader ng paaralan, "maibabahagi natin ang kaalaman sa pamamagitan ng mga simpleng programa na nagpapaalala na kailangan nilang pag-ukulan o bigyang pansin ang kalusugan hindi lamang sa buwan ng nutrisyon kundi maging sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay".

Isinagawa ng Mataas na Paaralan ng Emigdio A. Bondoc ang iba`t ibang aktibidad gaya ng Quiz bee, Poster Making at Nutri Jingle na ipinatupad ng Department of Education o DepEd na naglalayong mag bigay ng impormasyon patungkol sa nutrisyon.

Nagtapos ang selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon sa pagbibigay parangal sa mga nagwagi sa mga kumpetisyon nitong Huwebes, ika-31 ng Hulyo.

Nakamit ng mga mag-aaral ang unang pwesto sa Quiz bee na nagmula sa ika-11 at ika-12 baitang ng HUMSS strand na sina Chriskyle D. Sagad, Zhairell Mitch L. Carlos, Chloe Janelle B. Sanchez, Roanne Angelica C. Pineda at Jan Lhei L. Velasquez.

Habang ang nagwagi naman sa Nutri Jingle na kompetisyon para sa lahat ng baitang ay ang ika-9 baitang na sinundan ng ika-12 baitang at ika-10 baitang.

Samantala, ang mga nanalo sa poster making ay sina Rhunzel Dave A. Villaflor ng 11-St.Peter na nagkamit ng unang puwesto, Clarence Josh D. Suba ng 11-St.Peter sa ikalawang puwesto at Cyd Edcyn M. Santos ng 12-Philippians para sa ikatlong puwesto.

Dagdag pa ni Ma'am Crescel, nararapat na alam ng mga mag-aaral ang mga benepisyo ng tamang nutrisyon tulad ng pagpapabuti ng focus at konsentrasyon sa pag-aaral at pagpapatibay ng memorya.

Kaya naman, ang isang mag-aaral na may kaalaman kung paano mabigyan ng sapat nannutrisyon at higiy na nagkakaroon ng enerhiya at produktibo sa larangan ng pag-aaral.

โœ๏ธ Mavie Joyce Esguerra
12-Philippians

LOOK| Barangay Council of San Roque Donates School Supplies to Grade 7 StudentsIn a heartwarming show of support for edu...
18/07/2025

LOOK| Barangay Council of San Roque Donates School Supplies to Grade 7 Students

In a heartwarming show of support for education, the Barangay Council of San Roque, led by Barangay Captain Hon. Wilfredo DG. Santos and Councilor-in-Charge of Education Hon. Laurence Albien P. Caliuag, generously donated school supplies to select Grade 7 students.

A total of 80 beneficiaries received the donations, aimed at easing the financial burden of families and helping students be better equipped for their studies. The distribution was held on July 18, 2025 at Emigdio A. Bondoc HS in coordination with the Grade 7 advisers: Maโ€™am Marylene C. Caliwag, Maโ€™am Wennie L. Reyes, Maโ€™am Roxanne Pearl P. Liwanag, and Maโ€™am Marjorie M. Martin, who facilitated the smooth turnover of the supplies.

This initiative highlights the strong partnership between the local government and the school in promoting quality education and supporting learners' needs. The school community, headed by Ma'am Nancy M. Labao, expressed its gratitude to the barangay officials for their unwavering commitment to education.

LOOK | Senior High HUMSS Strand Dominates Nutrition Month Quiz BeeIn celebration of Nutrition Month, a Quiz Bee competit...
17/07/2025

LOOK | Senior High HUMSS Strand Dominates Nutrition Month Quiz Bee

In celebration of Nutrition Month, a Quiz Bee competition was successfully held at Emigdio A. Bondoc High School on July 17, 2025. It was facilitated by Sir Erick Miguel M. Malvar, Special Science Teacher, under the supervision of school's Health Leader, Maโ€™am Crescel M. Hernandez. The activity aimed to raise awareness on food and nutrition among senior high school learners.

Participants came from both Grade 11 and Grade 12, representing different strands. The competition featured a series of questions that tested the studentsโ€™ knowledge of healthy diets, food safety, and current nutrition issues.

Emerging as the overall winner, the HUMSS strand showcased their wit and teamwork by garnering the highest score of 145, dominating the contest and exemplifying excellence in both academics and health awareness.

This engaging activity is part of the schoolโ€™s continuous effort to promote โ€œFood and Nutrition Security, Maging Priority!โ€, the official theme for this yearโ€™s celebration.

Address

Brgy. San Roque, Pampanga
San Luis
2014

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The EmPress-Emigdian Press posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category