09/08/2026
Psalm 23:4: Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.
Sa nakalipas na ilang araw, hindi tumitigil ang ulan araw man o gabi. Kaya naman, baha na ang mga kalsada, at suspendido na rin ang mga pasok sa trabaho at paaralan. Gayunpaman, huwag nating kalimutang ipanalangin ang kaligtasan ng lahat, lalo na ang mga apektado ng kalamidad na ito.
Mag-alay tayo ng isang tahimik na panalangin.
Panginoon, hiling namin ang Inyong patnubay sa mga oras na ito habang kinakaharap ng lahat ang ganitong panahon. Ipinapanalangin namin na manatiling ligtas at nasa mabuting kalagayan ang bawat isa ngayong tag-ulan. Mangyaring gabayan Ninyo ang mga walang matuluyan at ang mga nahihirapan maghanap ng masisilungan para makaiwas sa bagyo. Nawa'y pagkalooban Niyo sila ng sapat na lakas upang malagpsan ang mga pagsubok na ito. Panginoon, tulungan Niyo po ang bawat isa sa amin na buksan ang aming mga puso at tumulong sa aming kapwaโmaging ito man ay sa pagbabahagi ng mainit na pagkain, pagpapatuloy sa tahanan, o simpleng pangangamumusta sa mga nangangailangan. Sana po'y paglapitin Ninyo ang aming mga komunidad, at punuin ang bawat tahanan ng kapayapaan hanggang sa luminaw na ang kalangitan.
Amen.
Panatilihin ang kaligtasan ng lahat.โ๐โ๏ธ๐ซ Mula sa SINHS SSLG FAM patungo sa inyong pamilya! โค๐๐
๐: Zapharia S. ( SSLG P.I.O )
๐ผ: Jan Mark M.( SSLG VICE PRESIDENT )