14/09/2025
๐๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ ๐๐๐๐๐ฒ๐๐ง?
๐๐ง๐ ๐๐ข๐ ๐ข๐ญ๐๐ฅ ๐ฐ๐๐ฅ๐๐๐ซ๐ ๐ฆ๐จ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ฒ๐ฌ๐ญ๐๐ฆ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐
๐๐ฌ
Direkta at mas mabilis na ang pangungumusta sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa pamamagitan ng Kumusta Kabayan Appโ isang digital welfare monitoring system na nanglalayong tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga OFWs saan mang panig ng mundo.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na seguraduhin ang maayos na kondisyon at kapakanan ng mga OFWs, inilunsad ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang Kumusta Kabayan App na maaaring mai-download ng mga OFWs sa kanilang mga mobile phones para sa mas mabilis at agarang tulong sa kanilang pangangailangan o anumang emergency.
"Ang Kumusta Kabayan App ay magkatuwang na binuo ng DMW at OWWA para sa direktang pagsubaybay sa kalagayan ng ating mga OFWs. Higit sa lahat, gusto nating maipadama sa bawat OFW ang kanilang kahalagahan bilang Bagong Bayani ng ating bansa dahil tayo mismo ang direktang tatawag sa kanila upang mangamusta, at seguraduhin ang agarang tulong sa kanilang pangangailanagan,โ pahayag ni Secretary Hans Leo J. Cacdac.
Ang Kumusta Kabayan App ay konektado sa DMW-OWWA electronic system at database ng OFW registration at membership, case management, at welfare reporting.
Ilan sa mga features ng app ay ang โKumusta Kabayanโ Survey kung saan maaaring sagutin ng OFW ang kanyang kalagayan sa kanyang employer, ang kalidad ng kanyang working at living condition, at kung tama at nasa takdang panahon ang kanyang sahod.
Kasama din sa app ang kumpletong hotline numbers ng DMW-OWWA, and 1348 na maaaring tawagan ng mga OFWs 24/7 para sa anumang emergency. Makikita din ang hotline numbers ng mga Migrant Workers Offices at DMW Regional Offices.
Sa pamamagitan ng app, ang mga OFW ay mabilis na ring makakatawag sa DMW para sa anumang tulong mula sa DMW AKSYON Fund, gaya ng repatriation, legal, pinansyal, at reintegration assistance.
Sa pamamagitan din ng app, mismong DMW at OWWA ang tatawag sa mga OFWs gamit ang dedicated Kumusta Kabayan numbers na available sa Viber at WhatsApp: 0929-309-9047 at 0956-225-6921, at opisyal na email: [email protected].