San Marcelino Public Information Office

San Marcelino Public Information Office This is the official page of LGU-San Marcelino, Zambales.

BAGYONG 'LUIS' NALUSAW NA, BAGONG LOW PRESSURE AREA NABUO SA KANLURAN NG LA UNIONJUST IN: Nalusaw na at isa na lamang Lo...
03/08/2026

BAGYONG 'LUIS' NALUSAW NA, BAGONG LOW PRESSURE AREA NABUO SA KANLURAN NG LA UNION

JUST IN: Nalusaw na at isa na lamang Low Pressure Area (LPA) ang bagyong na nasa bisinidad ng Peñablanca, Cagayan ngayong gabi, Agosto 3.

Isang bagong Low Pressure Area (LPA) naman ang nabuo sa kanluran ng probinsya ng La Union.

Posibleng kumilos ang bagong LPA, na hindi inaalis ang tyansa na maging bagyo, sa direksyon ng Pangasinan-La Union sa Miyerkules at kikilos pa-silangan dahil hihigupin ito ng bagyong may international name na Dolphin.

Samantala, ang LPA at habagat ang patuloy na nagdadala ng mga pag-ulan sa Zambales.

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

 : HEAVY RAINFALL WARNING NO. 5WEATHER SYSTEM: SOUTHWEST MONSOON (HABAGAT) AND TROPICAL DEPRESSION  ISSUED: 8:00PM, 03 A...
03/08/2026

: HEAVY RAINFALL WARNING NO. 5
WEATHER SYSTEM: SOUTHWEST MONSOON (HABAGAT) AND TROPICAL DEPRESSION
ISSUED: 8:00PM, 03 AUGUST 2026

🟡 YELLOW Rainfall Warning: ZAMBALES (San Antonio, San Narciso, San Felipe, Cabangan, Botolan, Iba, Palauig, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz)

ASSOCIATED HAZARD: Maaari ang pagbaha sa mga mabababang lugar at mga lugar na madaling bahain.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na i-monitor ang lagay ng panahon at abangan ang susunod na babala na ilalabas bandang 11:00 ng gabi.

Manatiling naka antabay sa ipinapalabas na weather updates ng San Marcelino Weather Center at MDRRMO San Marcelino.

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

MR-SIA SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITY, SINIMULAN SA SAN MARCELINOOpisyal na sinimulan ngayong araw, Agosto 3, ang Me...
03/08/2026

MR-SIA SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITY, SINIMULAN SA SAN MARCELINO

Opisyal na sinimulan ngayong araw, Agosto 3, ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) with Vitamin A Supplementation 2026 ng Municipal Health Office (MHO) upang higit pang mapalakas ang proteksyon ng mga bata laban sa tigdas at rubella.

Ang MR-SIA ay isang mahalagang hakbang upang maprotektahan ang bawat batang may edad 6 hanggang 59 buwan laban sa tigdas (measles) at rubella.

Ayon sa MHO, target nilang mabakunahan ang kabuuang 3,123 batang may edad 6 hanggang 59 buwan sa San Marcelino.

Noong 2023, umabot sa 3,370 bata ang nabakunahan sa bayan, na lumampas sa itinakdang target na 2,949, na nagpapatunay sa matagumpay na implementasyon ng programa.

Sa pamamagitan ng ligtas, epektibo, at libreng pagbabakuna, sama-samang pinangangalagaan ang kalusugan at kinabukasan ng mga batang Marcelinean.

Bilang hudyat ng pagsisimula ng kampanya, nagsagawa ng ceremonial vaccination sa mga batang kabilang sa target age group ng programa.

Kasabay ng kick-off activity ang opisyal na pagsisimula ng pagbabakuna sa iba’t ibang barangay sa buong bayan.

Pinangunahan ang programa ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria, kasama sina Sangguniang Bayan Member Dr. Earl B. Yap, Chairperson ng Committee on Health; Municipal Health Officer Dr. Giselle Paje-Ragadio; Rural Health Physician Dr. Oscar Fabunan Jr.; Nurse Maria Cielo Quimen; at mga DOH-HRH.

Ipinahayag ni Mayor Soria ang kanyang buong suporta sa programang naglalayong mapanatiling ligtas at malusog ang mga bata sa San Marcelino.

Sa patuloy na suporta ng pamahalaang lokal, isinusulong ang mga programang naglalayong pangalagaan ang kalusugan at kinabukasan ng bawat batang Marcelinean sa pamamagitan ng ligtas at kumpletong pagbabakuna.

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang MHO sa mga magulang at tagapag-alaga na huwag palampasin ang pagkakataong maprotektahan ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagpapabakuna ayon sa itinakdang iskedyul ng MR-SIA sa kanilang mga barangay.

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

JUST IN: Opisyal nang naglandfall ang sentro ng Bagyong   sa bayan ng Maconacon, Isabela kaninang 5:30 PM, ayon sa PAGAS...
03/08/2026

JUST IN: Opisyal nang naglandfall ang sentro ng Bagyong sa bayan ng Maconacon, Isabela kaninang 5:30 PM, ayon sa PAGASA.

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

TREE GROWING ACTIVITY PARA SA NDRM 2026, PINANGUNAHAN NI MAYOR ERSNasa 641 African talisay ang itinanim sa Mt. Bagang, B...
03/08/2026

TREE GROWING ACTIVITY PARA SA NDRM 2026, PINANGUNAHAN NI MAYOR ERS

Nasa 641 African talisay ang itinanim sa Mt. Bagang, Barangay Sta. Fe ng pamahalaang lokal ng San Marcelino bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) 2026.

Pinangunahan ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria ang Tree Growing Activity bilang pagpapakita ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang nagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan at pagpapalakas ng kahandaan ng komunidad laban sa mga sakuna.

Matagumpay na naisagawa ang aktibidad sa pangangasiwa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pamumuno ni Chief Arsenio Edar Mauricio III.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Soria ang MDRRMO at ang lahat ng mga katuwang na ahensya at pribadong sektor sa matagumpay na pagsasagawa ng tree growing activity.

Binigyang-diin din ng alkalde ang kahalagahan ng pagtatanim ng puno bilang isa sa mga epektibong hakbang sa pangangalaga ng kalikasan.

Aniya, malaki ang naitutulong ng mga puno sa pagpapababa ng panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa, habang nakatutulong din sa pagpapalakas ng climate resilience ng komunidad.

Nakibahagi sa aktibidad si POBC at Hokei Subic Corp. President James Tsai ang may-ari ng reforestation project sa lugar.

Nakiisa rin sa gawain ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng San Marcelino, opisyales ng Barangay Sta. Fe sa pangunguna ni Punong Barangay Rico Diego Arquero, mga Barangay Nutrition Scholars (BHWs), PNP San Marcelino sa pangunguna ni PMAJ. Exodus Rodriguez, BFP San Marcelino sa pangunguna ni FINS. Alan Lanuza, at ang 69th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines – Masonic District R3 Zambales-South, Rotary Club of San Marcelino, ACEN, Santa Cruz Solar, San Mar Solar Renewables, McDonald’s San Marcelino, Aboitiz, Infenium 4, The Legacy Memorial Park–Zambales, Raik Construction, 1PGBI, Gay Association of San Marcelino, at Ms. Gay International.

Patuloy namang isinusulong ni Mayor Soria, ang mga programang pangkalikasan na naglalayong mapangalagaan ang likas na yaman, mapalakas ang kahandaan sa sakuna, at maisulong ang sustainable development ng munisipalidad.

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

03/08/2026

Press Briefing: Tropical Depression "Luis" Issued at 05:00 PM | August 3, 2026 - Monday

DOST-PAGASA Weather Specialist : Charmagne Varilla

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

 : HEAVY RAINFALL WARNING NO. 4WEATHER SYSTEM: SOUTHWEST MONSOON (HABAGAT) AND TROPICAL DEPRESSION  ISSUED: 5:00PM, 03 A...
03/08/2026

: HEAVY RAINFALL WARNING NO. 4
WEATHER SYSTEM: SOUTHWEST MONSOON (HABAGAT) AND TROPICAL DEPRESSION
ISSUED: 5:00PM, 03 AUGUST 2026

🟡 YELLOW Rainfall Warning: ZAMBALES (San Felipe, Cabangan, Botolan, Iba, Palauig, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz)

ASSOCIATED HAZARD: Maaari ang pagbaha sa mga mabababang lugar at mga lugar na madaling bahain.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na i-monitor ang lagay ng panahon at abangan ang susunod na babala na ilalabas bandang 8:00 ng gabi.

Manatiling naka antabay sa ipinapalabas na weather updates ng San Marcelino Weather Center at MDRRMO San Marcelino.

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

PINGGANG PINOY COOKING CONTEST, TAMPOK SA PAGDIRIWANG NG NUTRITION MONTH NG LGUIsang masayang Pinggang Pinoy Cooking Con...
03/08/2026

PINGGANG PINOY COOKING CONTEST, TAMPOK SA PAGDIRIWANG NG NUTRITION MONTH NG LGU

Isang masayang Pinggang Pinoy Cooking Contest ang isinagawa ng pamahalaang lokal ng San Marcelino bilang bahagi ng pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month, kung saan tampok ang iba’t ibang masustansiyang pagkaing naaayon sa konsepto ng Pinggang Pinoy.

Siyam (9) na grupo mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lokal ang nagpamalas ng kanilang pagkamalikhain sa paghahanda ng masustansiya at masasarap na almusal, tanghalian, at hapunan na nagsusulong ng wastong nutrisyon at tamang gabay sa pagkain.

Pinangunahan ng Municipal Nutrition Action Office, katuwang ang Municipal Health Office at Municipal Human Resources Management Office, ang matagumpay na pagsasagawa ng cooking contest sa Plazuela Multi-Purpose Hall noong Hulyo 30, 2026.

Layunin ng patimpalak na ipakita ang kahalagahan ng Pinggang Pinoy bilang gabay sa wastong nutrisyon at balanseng pagkain para sa mga Pilipino.

Gumamit ang mga kalahok ng iba’t ibang gulay, prutas, karne, at iba pang masustansiyang sangkap upang makalikha ng mga pagkaing hindi lamang masarap kundi masustansiya rin.

Sa pamamagitan nito, naipakita kung paano makapaghahanda ng masarap, masustansiya, at abot-kayang pagkain gamit ang mga lokal at madaling makuhang sangkap.

Ang Pinggang Pinoy ay isang food guide na binuo para sa mga Pilipino upang magsilbing gabay sa tamang proporsyon ng pagkain sa bawat kainan.

Binubuo ito ng gulay, prutas, kanin o iba pang carbohydrates (Go foods), at ulam o pagkaing mayaman sa protina (Grow foods), na mahalaga sa pagpapanatili ng balanseng nutrisyon.

Itinanghal na kampeon ang Sangguniang Bayan Office, na tumanggap ng ₱10,000 na cash prize. Pumangalawa naman ang Nutreasury Team ng Municipal Treasury Office, na tumanggap ng ₱8,000, habang pumangatlo ang Municipal Agriculture Office, na tumanggap ng ₱5,000.

Tumanggap naman ng tig-₱3,000 consolation prize ang MENRO’s Kitchen Warriors ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Budget ERS ng Municipal Budget Office, Municipal Planning and Development Office, Rural Health Unit, Municipal Tourism Office, at Municipal Assessor’s Office.

Lubos ang pasasalamat ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria sa lahat ng nakiisa at nagbigay ng inspirasyon sa pagpapakita na ang masustansiyang pagkain ay maaaring maging masarap, abot-kaya, at malikhaing ihain. Pinasalamatan din niya ang mga naging punong-abala at katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng makabuluhang aktibidad na ito.

Ayon sa alkalde, ang pagsasagawa ng naturang aktibidad ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan ay mas maipalalaganap ang kahalagahan ng wastong nutrisyon sa pamamagitan ng paghahanda ng mga masusustansiyang pagkain.

Naging hurado sa patimpalak sina Ms. Maureen Advincula, School Administrator ng GIS Institute of Technology Phils., Inc.; Mr. Patrick John T. Soria ng GIS Institute of Technology Phils., Inc.; at Mr. Sean Kent Evangelista, owner ng Shannon’s Catering Services.

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

 : HEAVY RAINFALL WARNING NO. 3WEATHER SYSTEM: SOUTHWEST MONSOON (HABAGAT) AND TROPICAL DEPRESSION  ISSUED: 2:00PM, 03 A...
03/08/2026

: HEAVY RAINFALL WARNING NO. 3
WEATHER SYSTEM: SOUTHWEST MONSOON (HABAGAT) AND TROPICAL DEPRESSION
ISSUED: 2:00PM, 03 AUGUST 2026

🟡 YELLOW Rainfall Warning: ZAMBALES (San Marcelino, San Narciso, San Felipe, Cabangan, Botolan, Iba, Palauig, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz)

ASSOCIATED HAZARD: Maaari ang pagbaha sa mga mabababang lugar at mga lugar na madaling bahain.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na i-monitor ang lagay ng panahon at abangan ang susunod na babala na ilalabas bandang 5:00 ng hapon.

Manatiling naka antabay sa ipinapalabas na weather updates ng San Marcelino Weather Center at MDRRMO San Marcelino.

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

MALIGAYANG ANIBERSARYO, IFI!Ang Pamahalaang Bayan ng San Marcelino sa pangunguna ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Raga...
03/08/2026

MALIGAYANG ANIBERSARYO, IFI!

Ang Pamahalaang Bayan ng San Marcelino sa pangunguna ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Ika-124 taong proklamasyon ng pagkakatatag ng Iglesia Filipina Independiente.

Kaisa ang buong LGU Officials sa mahalaga at makasaysayang araw na ito para sa ating mga kapatid na Aglipayano.

Nawa’y ang ating pananampalataya ay maging patuloy na gabay sa ating pakikipagkapawa tao at pagkakaisa.

Mabuhay ang mga Aglipayano! Pagpalain pa kayo ng Diyos ng marami pang taon ng paglilingkod na puno ng kagalakan.

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

Address

San Marcelino
2207

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Marcelino Public Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to San Marcelino Public Information Office:

Shortcuts

Share