San Mariano CSC

San Mariano CSC NCIP Field Office covering Districts II and V of Isabela Province.

07/08/2026
Sa patuloy na pagsusulong ng kamalayan at paggalang sa karapatan ng mga Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peopl...
06/08/2026

Sa patuloy na pagsusulong ng kamalayan at paggalang sa karapatan ng mga Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs), naging bahagi ang NCIP San Mariano Community Service Center ng Gender and Development (GAD) Seminar na isinagawa sa 95th Infantry (Salaknib) Battalion, 5th Infantry Division, Philippine Army, Brgy. Zone 1, San Mariano, Isabela, sa pangunguna ni LTC Ericson C Bulosan, INF (GSC) PA, Commanding Officer.

Bilang mga guest lecturers, ibinahagi nina Ms. Divine M. Lingan-Acoba, CDO III, at Mr. Neilvin B. Agustin, CAO I, ang mahahalagang paksa tungkol sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), Republic Act No. 8371 o Indigenous Peoples' Rights Act (IPRA) of 1997, at Culture Sensitivity.

Sa pamamagitan ng talakayang ito, higit na napalalim ang pag-unawa ng mga kalahok sa mandato ng NCIP, sa mga karapatan ng mga ICCs/IPs, at sa kahalagahan ng pagiging culturally sensitive upang maisulong ang pagkakapantay-pantay, paggalang, at makabuluhang pakikipag-ugnayan sa mga Katutubong Pamayanan.

Patunay ang gawaing ito ng patuloy na pagtutulungan ng NCIP at ng Philippine Army sa pagtataguyod ng paggalang sa kultura, tradisyon, at mga karapatan ng mga Katutubong Pamayanan, tungo sa mas inklusibo at mapayapang paglilingkod sa mamamayan.

❤️ PUSO PARA SA KATUTUBO! ❤️

05/08/2026

OPISYAL NA PAHAYAG

Ang 2026 FPIC Guidelines ay bunga ng mahigit isang dekadang masusing pagsusuri at malawak na konsultasyon at pakikipagdiyalogo sa mga Katutubong Pamayanan, mga NCIP Field Offices, iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, civil society organizations, pribadong sektor, at iba pang stakeholder sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Isinulong ang mga ito upang tugon sa mga aral at hamon sa pagpapatupad ng 2012 FPIC Guidelines at higit pang patatagin ang proteksiyon sa mga karapatan ng mga Katutubong Pamayanan sa ilalim ng IPRA.

Kabilang sa mahahalagang reporma ang pagpapalakas ng transparency at pananagutan sa pamamagitan ng FPIC Transparency Server, mas mahigpit na disclosure requirements
para sa mga aplikante, pagkilala sa precautionary principle para sa mga proyektong may mataas na panganib sa kapaligiran at kultura, pinalakas na human rights monitoring, mas malinaw na mga tuntunin laban sa conflict of interest, at patuloy na obligasyon sa pagsunod sa mga kondisyon ng FPIC sa buong panahon ng implementasyon ng proyekto.

Nananatiling bukas ang NCIP sa makabuluhang diyalogo at mga mungkahi upang higit pang mapatatag ang pagpapatupad ng FPIC. Patuloy naming ipagtatanggol ang karapatan ng mga Katutubong Pamayanan na malayang magpasya sa mga usaping nakaaapekto sa kanilang mga lupang ninuno, kultura, at kinabukasan.

“𝙈𝙖𝙨𝙖𝙜𝙖𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙩𝙪𝙩𝙪𝙗𝙤𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙢𝙖𝙮𝙖𝙣𝙖𝙣: 𝙎𝙖𝙣𝙙𝙞𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙢𝙗𝙖𝙣𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙪𝙣𝙡𝙖𝙧𝙖𝙣”

MEETING WITH STAKEHOLDERSPresentation of Survey Returns for the Delineation of the Ancestral Domain of the Calinga ICCs/...
03/08/2026

MEETING WITH STAKEHOLDERS
Presentation of Survey Returns for the Delineation of the Ancestral Domain of the Calinga ICCs/IPs of San Mariano (Portion of Stage 6)

Ngayong August 3, 2026, matagumpay na pinangunahan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) – San Mariano Community Service Center (CSC) sa pamumuno ni Ms. Divine M. Lingan-Acoba, Community Development Officer III (CDO III), ang Meeting with Stakeholders: Presentation of Survey Returns for the Delineation of the Ancestral Domain of the Calinga ICCs/IPs of San Mariano (Portion of Stage 6) na ginanap sa LNB Hall, LGU Compound, Brgy. Sta. Filomena, San Mariano, Isabela.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga lider ng Calinga na pinangunahan ng kanilang Federation President, Mr. Janifer Baquiran, kasama ang mga Barangay Chairpersons ng mga apektadong barangay, kinatawan ng MENRO San Mariano sa pangunguna ni For. Darwin Bulusan, Municipal Assessor's Office sa pamamagitan ni Mr. Emilio Curibang, gayundin ang mga kinatawan ng PNP San Mariano Station at 4th Platoon, Isabela Police Mobile Force. Nakiisa rin si Engr. Angielyn Millare bilang kinatawan ng NCIP Isabela Provincial Office.

Sa pagpupulong, nagbigay si Ms. Divine M. Lingan-Acoba ng komprehensibong overview at mga pinakahuling updates hinggil sa aplikasyon para sa Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) ng Calinga ICCs/IPs ng San Mariano. Sinundan ito ng presentasyon ni Engr. Angielyn Millare ng Survey Returns, kung saan ibinahagi ang mga naging resulta ng isinagawang survey—isang mahalagang hakbang sa proseso ng delineation ng inaangking lupang ninuno ng Calinga ICCs/IPs.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, muling pinagtibay ang kahalagahan ng pagtutulungan ng NCIP, mga lokal na pamahalaan, partner agencies, at ng pamayanang Calinga sa pagsusulong ng isang transparent, participatory, at makatarungang proseso tungo sa pagkilala at pagprotekta sa kanilang mga karapatan sa lupang ninuno.

Maraming salamat sa lahat ng mga stakeholder na nakiisa at patuloy na sumusuporta sa adbokasiya ng pagkilala at pangangalaga sa mga karapatan ng mga Katutubong Pamayanan.

💚 Puso para sa Katutubo.

01/08/2026
Maligayang pagbati saiyong kaarawan Hon. Edgar Talosig Go!🎈🎈🎈🎈🎉🎉🎉🎊🎊🎊🎊
31/07/2026

Maligayang pagbati saiyong kaarawan Hon. Edgar Talosig Go!
🎈🎈🎈🎈🎉🎉🎉🎊🎊🎊🎊

1st Assembly Successfully Conducted | IEC on the IPMR GuidelinesMatagumpay na naisagawa ang First Assembly para sa Infor...
30/07/2026

1st Assembly Successfully Conducted | IEC on the IPMR Guidelines
Matagumpay na naisagawa ang First Assembly para sa Information, Education, and Consultation (IEC) on the IPMR Guidelines sa Barangay San Bonifacio, Burgos, Isabela.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga kinatawan ng iba't ibang Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs) sa barangay bilang bahagi ng pagpapalawak ng kanilang kaalaman at konsultasyon hinggil sa proseso ng pagpili ng Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR).
Kasabay ng pagpupulong ay isinagawa rin ang validation ng IP Census at validation ng mga opisyal ng Indigenous Peoples Organization (IPO). Sa naging konsultasyon, napagkasunduan ng mga dumalo na dagdagan ang mga miyembro ng IPO Council of Elders upang higit na mapalakas ang representasyon at partisipasyon ng komunidad sa mga susunod na yugto ng proseso.
Ang aktibidad ay pinadaloy nina Mr. Neilvin B. Agustin, Community Affairs Officer I (CAO I) at Ms. Lenie Quinto, Tribal Affairs Assistant I (TAA I) ng NCIP San Mariano Community Service Center (CSC).
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng mga lider at miyembro ng iba't ibang ICCs/IPs na nakiisa at aktibong nakilahok. Ang inyong pakikipagtulungan ay mahalagang hakbang tungo sa isang malaya, inklusibo, at makatarungang proseso ng pagpili ng IPMR, alinsunod sa mga umiiral na patakaran ng NCIP.
❤️ Puso para sa Katutubo.

29/07/2026
Tuloy tuloy ang pag bibigay serbisyo ng Lokal na Pamahalaan ng San Mariano na pinangungunahan ni Hon. Ana Cristina Siqui...
28/07/2026

Tuloy tuloy ang pag bibigay serbisyo ng Lokal na Pamahalaan ng San Mariano na pinangungunahan ni Hon. Ana Cristina Siquian Go, sa pamamagitan ng Multi Sectoral Forest Protection Committee, na kinabibilangan ng NCIP, DENR, iba’t ibang departamento ng LGU, MENRO, PNP, AFP, at mga Punong Barangay ng San Mariano.

Ngayong araw, nagsagawa ng dayalogo ang nasabing komite sa Brgy. Casala, San Mariano, Isabela, upang tugunan ang mga naipaabot na illegal na aktibidad sa kagubatan at lupaing ninuno ng nasabing barangay.

Ipiniwanag ni For. Darwin Bulusan, MENRO, ang trabaho at responsibilidad ng nasabing komite samantalang, ibinahagi ni Ginoong Jeffrey Mammuad ng CENRO Naguilian ang mga batas sa pag protekta ng ating kagubatan. Gayunrin na ibinahagi ni Ginang Divine L. Acoba ang batas IPRA.

Pinakinggan ng komite ang mga hinaing ng mga residente ng Brgy. Casala at niresolba ito katuwang ang Konseho na pinamumunuan ni Hon. Gilbert Tappa, Punong Barangay.

26/07/2026

Address

Zone 1
San Mariano
3332

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Mariano CSC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share