06/10/2026
📢 TIGNAN | FOGGING OPERATION 🦟
Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng San Mateo sa pagpapaigting ng mga hakbang para sa proteksyon, kaligtasan, at kalusugan ng ating mga kababayan laban sa dengue at iba pang vector-borne diseases na maaaring dulot ng lamok.
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng Dengue Prevention and Control Program, matagumpay na isinagawa ng Municipal Sanitary Unit ang Fogging Operation noong October 02, 2026, sa Bendia Subdivision, Brgy. Maly, San Mateo, Rizal.
Layunin ng isinagawang operasyon na makatulong sa pagkontrol at pagbawas ng populasyon ng adult mosquitoes sa lugar, lalo na sa mga pook na may mataas na panganib ng pagdami ng lamok na maaaring maghatid ng dengue at iba pang sakit na dala ng lamok.