19/10/2026
TINGNAN | Project Bayanihang Kabataan: Mentoring Session Before Project Implementation
Bilang paghahanda sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkabataan, isinasagawa ang Mentoring Session Before Project Implementation upang matiyak na handa ang mga organisasyon sa maayos at responsableng implementasyon ng kanilang mga Youth-Led Projects.
Sa pamamagitan ng paggabay at pagbibigay ng mga mungkahi, pinatitibay ang kakayahan ng mga organisasyon na isakatuparan ang kanilang mga proyekto batay sa pangangailangan ng mga kabataan at komunidad.
Binibigyang-diin ng mentoring sessions na dapat handa ang mga organisasyon sa implementasyon ng kanilang mga proyekto, dahil banal ang pera ng taumbayan. Kaakibat ng pagtanggap ng pondo ang responsibilidad na gamitin ito nang wasto, may pananagutan, at para sa kapakanan ng komunidad.
Patuloy na magsisikap ang tanggapan na suportahan ang mga kabataan sa pagsasakatuparan ng kanilang mga ideya at adbokasiya.