San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office MSWDO

San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office MSWDO SAN MATEO, RIZAL Municipal Social Welfare and Development Office
( MSWDO )

๐Ÿ“ข ๐ ๐€ ๐ ๐€ ๐– ๐€ ๐† ๐€ ๐ ๐Ÿ“ขInaanyayahan po ang sinumang may impormasyon o nakakakilala ng taong nasa panawagan na makipag-ugna...
22/12/2025

๐Ÿ“ข ๐ ๐€ ๐ ๐€ ๐– ๐€ ๐† ๐€ ๐ ๐Ÿ“ข
Inaanyayahan po ang sinumang may impormasyon o nakakakilala ng taong nasa panawagan na makipag-ugnayan sa Municipal Social Welfare and Development Office, San Mateo, Rizal.

26/11/2025

The local government of San Mateo, Rizal and various stakeholders in the locality helped beneficiaries of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) gain financial security and employment through two separate sessions conducted last November 18, 2025.

On the said date, a total of 62 beneficiaries underwent financial resilience and skills profiling sessions while 41 beneficiaries underwent livelihood program orientation and screening sessions. These sessions were conducted by the local government in partnership with the provincial and local offices of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Labor and Employment (DOLE), and Department of Science and Technology (DOST).

According to Ivy Bataller, the municipal link in the said town, the beneficiaries were targeted based on their needs as determined through the social welfare and development indicator (SWDI) tool assessment regularly being conducted by the DSWD.

Those who were provided with financial security interventions are those identified to have gaps along social security while the rest of the group were identified to have problems along income and employment.

As part of the design of the 4Ps, interventions provided to 4Ps beneficiaries are tailored to their needs to help them increase their capacities to improve their living conditions and eventually stand on their own. [with reports from IOBataller/BMHabacon]

TINGNAN | 18-Day Campaign to End Violence Against Women Kick-Off CeremonyBilang pakikiisa ng ating Pamahalaang Bayan sa ...
26/11/2025

TINGNAN | 18-Day Campaign to End Violence Against Women Kick-Off Ceremony

Bilang pakikiisa ng ating Pamahalaang Bayan sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW), isinagawa ngayong araw ang kick-off ceremony nito sa ating bayan sa pangunguna ng San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office at San Mateo Rizal Gender and Development Office.

Unang nagkaroon na VAW-Free Walk sa kahabaan ng M.H. Del Pilar kung saan dala ng mga kalahok sa parada ang mga slogan at iba pang materyales na nagpapakita ng pagsuporta sa naturang kampanya. Pagdating naman sa municipal stadium, nagtipon-tipon ang humigit-kumulang 800 nating mga kababayan mula sa sektor ng senior citizens, persons with disability (PWD), solo parents, mga grupo ng kababaihan, Barangay VAW Desk Officers, youth organizations, at LGBTQIA+ members. Dumalo rin dito sina Mayor Omie Rivera, Konsi Grace Diaz, Atty. Franklin Tamaro Jr., PCMS. Elinor Mina, Dra. Jen Medrano at Local Council of Women President Enriqueta Disuanco.

Maraming salamat sa lahat ng mga nakibahagi sa ating naging aktibidad bilang panimula sa 18-day Campaign to End Violence Against Women! Dito sa ating bayan, may serbisyo at malasakit na handog sa ating mga kababayan, lalong higit sa mga kababaihan!



25/11/2025

PABATID | 2025 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) sa San Mateo, Rizal

Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal sa malawakang kampanyang pinangungunahan ng Philippine Commission on Women upang wakasan ang karahasan sa kababaihan. Halinaโ€™t makibahagi sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) mula ika-25 ng Nobyembre hanggang ika-12 ng Disyembre 2025 at maging tagapagtaguyod ng makabuluhang adbokasiya para sa lahat ng kababaihan sa ating bayan at bansa.

Let us be UNiTEd for a VAW-free Philippines!



TINGNAN | Gawad Pagkilala sa bayan ng San Mateo mula sa DILG IV-A bilang LGU na may HIGHLY FUNCTIONAL rating ng 2025 Loc...
17/11/2025

TINGNAN | Gawad Pagkilala sa bayan ng San Mateo mula sa DILG IV-A bilang LGU na may HIGHLY FUNCTIONAL rating ng 2025 Local Committees on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC).

Muling ginawaran para sa ikalawang pagkakataon ang Pamahalaan Bayan ng San Mateo sa ginanap na awarding ceremony na pinangunahan ng DILG IV-A ngayong araw sa Rizal Provincial Capitol sa pangunguna ng Pangalawang Punonglalawigan KGG. Josefina Gatlabayan, Ph.D. at DILG IV-A Provincial Director, Lionel L. Dalope, CESO V. Ang pagkilalang ito ay para sa masinsinang pagpapakita ng pagtalima at suporta sa mga polisiya at programa ng LCAT-VAWC ayon sa isinagawang Functional
Assessment (Calendar Year 2024 as the year under review).

Ang iginawad na sertipiko ng pagkilala ay tinanggap ng Officer-In-Charge ng Municipal Social Welfare and Development Office, G. James Joseph Opider at ng ating Municipal Local Government Operations Officer, Gng. Sherlyn Oรฑate-Resurreccion.

Muli, maraming salamat po, DILG IV-A, sa inyong muling pagkilala sa aming Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal!

Taos pusong pasasalamat sa suporta at tulong ng lahat ng mga Tanggapan o Departamento na kasapi at miyembro na bumubuo ng ating LCAT-VAWC lalong lalo na po sa gabay ng ating mga minamahal na Ama ng Bayan, Hon. Mayor Omie Rivera upang siguraduhing mabigyan ng proteksyon at pangangalaga ang ating mga kababaihan at kababayang naging biktima at nailigtas mula sa mga pananamantala at pang-aabuso.

Ating karapatan, patuloy nating ipaglaban!
Pananamantala at pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan, ating wakasan!

I โค๏ธ San Mateo




TINGNAN | Paggawad ng cash gift sa ating kababayang centenarianIsang centenarian mula sa Brgy. Banaba ang tumanggap ng c...
17/11/2025

TINGNAN | Paggawad ng cash gift sa ating kababayang centenarian
Isang centenarian mula sa Brgy. Banaba ang tumanggap ng cash gift mula sa ating Pamahalaang Bayan kahapon, ika-13 ng Nobyembre 2025. Sa pagtungtong ni Lola Eustaquia Narzo Galedo sa edad na 100 taon, inihandog ni Mayor Omie Rivera Omie Rivera at ng San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office MSWDO ang birthday cash gift na nagkakahalaga ng PHP50,000.00โ€”ayon sa itinakdang halaga ng ating Pamabayang Ordinansa Blg. 025-S-2024.

Maligayang pagbati, Lola Eustaquia! Nawa'y makapagbigay ng ibayong suporta ang insentibo ito sa iyo at sa iba pang mga centenarian na makatatanggap din nito!

Bayan ng San Mateo, bayang may kalinga para kina lolo at lola!




12/11/2025
07/11/2025

PAGDIRIWANG | 33rd National Childrenโ€™s Month

Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal sa malawakang pagdiriwang ng ika-33 National Childrenโ€™s Month ngayong Nobyembre 2025. Sa tema ng selebrasyon nito na โ€œOSAEC-CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng Bata, Ipaglaban!โ€, pinaiigting ng ating pamahalaan ang panawagan laban sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children and Child Sexual Abuse and Exploitation Materials (OSAEC-CSAEM).

Kaisa ang ating bayan sa pagtataguyod ng isang komunidad na ligtas mula sa karahasan at pang-aabuso sa mga bata.


Address

Gen Luna Avenue Guitnang Bayan I
San Mateo
1850

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office MSWDO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category