San Mateo Rizal Public Information Office

San Mateo Rizal Public Information Office This is the official page of the San Mateo, Rizal Public Information Office.

This is the official page of the Public Information Office of the Municipal Government of San Mateo, Rizal. It is intended for the dissemination of information that concerns the people of San Mateo, including programs, projects, and announcements. In the pursuit of transparency and accountability, the Municipal Government implores its citizens to participate in governing, making San Mateo a vibrant democracy once again.

PABATID | Kasalang Bayan 2026 Patuloy lamang ang Local Civil Registry (LCR) sa pagtanggap ng mga magsing-irog na magpapa...
30/05/2026

PABATID | Kasalang Bayan 2026

Patuloy lamang ang Local Civil Registry (LCR) sa pagtanggap ng mga magsing-irog na magpapalista at magsusumite ng mga kinakailangang dokumento para sa paparating na Kasalang Bayan ngayong Hunyo 2026!

Magtungo lamang sa opisina ng LCR sa 3rd floor ng munisipyo, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon dala ang mga sumusunod:

๐Ÿ“Œ ๐—”๐—น๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—น๐—ฒ ๐Ÿฏ๐Ÿฐ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—บ๐—ฎ (๐Ÿฑ) ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป ๐—ผ ๐—ต๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ, ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฒ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐Ÿฑ ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐˜€:
- PSA birth certificate ng aplikante at birth certificates ng mga anak
- Cenomar
- Affidavit of Cohabitation
- Residence certificate, cedula, o government ID

๐Ÿ“Œ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ฒ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐Ÿญ๐Ÿด-๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด, ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ฒ:
- PSA birth certificate ng mga aplikante
- Cenomar
- Cedula
- Parental Consent na pipirmahan sa opisina ng ating LCR ng kahit isang magulang lamang (para sa mga ikakasal na nasa 18-20 taong gulang)
- Parental Advice na pipirmahan sa opisina ng ating LCR ng parehong magulang (para naman sa mga ikakasal na nasa 21-25 taong gulang)
- Kahit isang (1) valid ID ng magulang na pipirma ng parental consent/parental advice
- Pre-marriage orientation / Counseling certificate

Sakaling may katanungan, makipag-ugnayan at magtungo lamang sa tanggapan ng ating Local Civil Registry, ikatlong palapag (3rd flr.) ng munisipyo, Brgy. Guitnang Bayan I.


PABATID | Kasalang Bayan 2026

Ready, June brides?

Sa pagtutulungan ng Office of the Mayor at ng ating Local Civil Registry (LCR), gaganapin ngayong Hunyo 2026 ang ating Kasalang Bayan. Inaanyayahan ang mga magsing-irog na nais nang maikasal na magtungo sa tanggapan ng ating LCR upang makapagpalista na para rito.

Magtungo lamang sa opisina ng LCR sa 3rd floor ng munisipyo, mula alas-7 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi, upang makapapagpalista at makapagsumite ng mga sumusunod na kakailanganing dokumento:

๐Ÿ“Œ ๐—”๐—น๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—น๐—ฒ ๐Ÿฏ๐Ÿฐ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—บ๐—ฎ (๐Ÿฑ) ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป ๐—ผ ๐—ต๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ, ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฒ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐Ÿฑ ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐˜€:
- PSA birth certificate ng aplikante at birth certificates ng mga anak
- Cenomar
- Affidavit of Cohabitation
- Residence certificate, cedula, o government ID

๐Ÿ“Œ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ฒ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐Ÿญ๐Ÿด-๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด, ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ฒ:
- PSA birth certificate ng mga aplikante
- Cenomar
- Cedula
- Parental Consent na pipirmahan sa opisina ng ating LCR ng kahit isang magulang lamang (para sa mga ikakasal na nasa 18-20 taong gulang)
- Parental Advice na pipirmahan sa opisina ng ating LCR ng parehong magulang (para naman sa mga ikakasal na nasa 21-25 taong gulang)
- Kahit isang (1) valid ID ng magulang na pipirma ng parental consent/parental advice
- Pre-marriage orientation / Counseling certificate

Sakaling may katanungan, makipag-ugnayan at magtungo lamang sa tanggapan ng ating Local Civil Registry, ikatlong palapag (3rd flr.) ng munisipyo, Brgy. Guitnang Bayan I.


TINGNAN | 2026 International AIDS Candlelight Memorial sa San Mateo RizalBilang pakikiisa sa malawakang pagdaraos ng Int...
29/05/2026

TINGNAN | 2026 International AIDS Candlelight Memorial sa San Mateo Rizal

Bilang pakikiisa sa malawakang pagdaraos ng International AIDS Candlelight Memorial ngayong taon, pinangunahan ng San Mateo Rizal Social Hygiene Clinic ang pagsasagawa ng naturang aktibidad ngayong araw sa San Mateo Municipal Stadium. Ditoโ€™y nagkaroon ng maikling pagbabahagi ng kaalaman at kabuluhan ng aktibidad para sa mga dumalong mag-aaral ang mga kinatawan mula sa San Mateo Rizal Municipal Health Office, San Mateo Rizal Social Hygiene Clinic, San Mateo Rizal Gender and Development Office, at San Mateo Rizal Local Youth Development Office. Mayroon ding inihandog na libre at kumpidensyal na HIV counseling at testing.

Bilang pangwakas, sama-samang nagsindi ng kandila ang lahat ng mga kalahok para sa mataimtim na komemorasyon ng mga buhay na nawala dahil sa HIV at pagkilala sa katatagang ipinapamalas ng mga PLHIV o People Living with HIV.

โ€œLight the Legacy. Remember. Advance. Actโ€ ang tema ng 2026 International AIDS Candlelight Memorial. Isa itong panawagan para sa lahat na kaakibat ng ating pag-alala sa pakikipaglaban ng ating mga kapatid kontra HIV ay ang ating aktibong pagkilos upang ganap itong masuportahan.


BALITANG PALAKASAN | 2026 Governorโ€™s Cup Rizal Intertown Basketball Tournament: San Mateo vs. BarasMatagumpay na nasungk...
29/05/2026

BALITANG PALAKASAN | 2026 Governorโ€™s Cup Rizal Intertown Basketball Tournament: San Mateo vs. Baras

Matagumpay na nasungkit ng Team San Mateo ang panalo laban sa koponan ng Baras, Rizal sa 2026 Governorโ€™s Cup Rizal Intertown Basketball Tournament. Ginanap noong ika-16 ng Mayo 2026 sa San Mateo Municipal Stadium ang sagupaang San Mateo vs. Baras kung saan itinanghal na panalo ang Team San Mateo sa score na 108 - 81. Itinanghal namang Most Valuable Player si Wendel Ramos na may score na 14 points.

Isang mainit na pagbati sa ating koponan at good luck sa inyong susunod na laro! Muli ninyong pinatunayang basta palakasan, malakas ang San Mateo diyan!


TINGNAN | San Mateo Rizal, nagkamit ng Ideal Functionality rating sa 2026 LCPC Functionality Assessment ng DILGSa naging...
29/05/2026

TINGNAN | San Mateo Rizal, nagkamit ng Ideal Functionality rating sa 2026 LCPC Functionality Assessment ng DILG

Sa naging 2026 Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Assessment ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa taong 2025, isa ang ating bayan ng San Mateo sa nagkamit ng rating na "Ideal Functionality" sa lalawigan ng Rizal.

Patunay ito na nananatiling masikap ang ating Pamahalaang Bayan sa pagsusulong ng mga programang nagseserbisyo, nagpapapahalaga, at pumuprotekta sa mga bata.

Muli, isang maligayang pagbati sa ating bayan at sa iba pang bayan at lungsod sa lalawigan ng Rizal!


SAN MATEO, RIZAL LOCAL WEATHER FORECAST May 29, 2026WEATHER STATUSMostly Sunny to Partly cloudy skies with thunderstorm ...
29/05/2026

SAN MATEO, RIZAL LOCAL WEATHER FORECAST
May 29, 2026

WEATHER STATUS
Mostly Sunny to Partly cloudy skies with thunderstorm are expected today.

WEATHER CONDITION
7AM - 6PM
Sunny to Partly Cloudy ๐ŸŒค๏ธ
Temp: 26ยฐC to 36ยฐC
Chances of Rain: 24%

7PM-11PM
Partly Cloudy with Thunderstorm โ›ˆ๏ธ
Temp: 28ยฐC to 22ยฐC
Chances of Rain: 80%

MDRRMO Emergency Hotline Number
โ˜Ž (02) 8297-8100 Loc. 129
๐Ÿ“ฑ 0954-355-0707
๐Ÿ“ฑ 0985-394-2424


PABATID | Manila Water Paperless BillingKababayan, halinaโ€™t mag-enroll sa paperless billing ng Manila Water!Kung nais mo...
28/05/2026

PABATID | Manila Water Paperless Billing

Kababayan, halinaโ€™t mag-enroll sa paperless billing ng Manila Water!

Kung nais mo na makatanggap ng iyong water bill sa paraang:
โœ… Convenient at hassle-free
โœ… Safe at reliable
โœ… Eco-friendly

โ€ฆtangkilikin na ang Manila Water Paperless Billing! Sagutan lamang ang form sa ibaba at ipapadala ng Manila Water ang iyong bill sa iyong irerehistrong email address. Wala nang printed billing statements!

๐Ÿ“ Enrollment/registration form: https://t.ly/eNEaA

Switch na, kababayan, sa paperless billing hatid ng Manila Water! Para sa iba pang mga katanungan, direktang makipag-ugnayan lamang sa Manila Water.


Tara na, mga Katubig!

Let's make the switch, Katubig! Narito ang ilan sa mga advantages ng Manila Water Paperless Billing. Sa Paperless Billing, mas convenient, bawas kalat, at mas makakalikasan pa.

Para mag-enroll, sagutan lamang ang form dito: https://t.ly/eNEaA

TINGNAN | Community-Based Rehabilitation Program Magkatuwang na pinangunahan ng San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfa...
28/05/2026

TINGNAN | Community-Based Rehabilitation Program

Magkatuwang na pinangunahan ng San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office at ng San Mateo Rizal Federation of Disabled Persons, Inc. (SMRFDPI) ang pagdaraos ng 2-day Community-Based Rehabilitation Program nitong ika-23 at ika-24 ng Mayo 2026 na may temang โ€œEmpowering Abilities, Strengthening Inclusive and Gender-responsive Communitiesโ€. Aktibong nakiisa rito ang higit sa 30 mga indibidwal, kasama ang mga punong opisyal o kapitan ng ilang mga barangay sa ating bayan gaya nina Kap. Dexter Manganip ng Brgy. Sto. Niรฑo, Kap. Eddie Lizardo ng Brgy. Dulong Bayan I, Kap. Rainier Mercado ng Brgy. Gulod Malaya, at Kap. Jomer Cruz ng Brgy. Guitnang Bayan I.

Naging laman ng dalawang araw na pagsasanay na ito ang makabuluhang diskusyon sa pangunguna ng resource speaker na si Bb. Joyce V. Boyones, isang community organizer at PWD (Persons with Disability) and Women and Gender Advocate. Kaniyang tinalakay ang karapatan ng mga PWD, pangunahing kaalaman ukol sa gender sensitivity at gender-responsive na komunidad, at ang Community-Based Rehabilitation Empowerment o ang pagpapalakas at pagkilala sa kakayahan ng ating mga kababayang may kapansanan bilang bahagi ng komunidad at lipunan. Narito rin si Gng. Marizza Cabug-os ng San Mateo Rizal Public Employment Service Office na nagpadaloy ng kaalaman tungkol naman sa mga pagkakataong pangkabuhayan o economic opportunities para sa mga PWD.

Bayan ng San Mateo, bayang serbisyo, malasakit, at kahusayan ang handog sa iyo!


ANUNSIYO TRAPIKO | Manila Water Sewer Project sa Gen. Luna Ave. cor. JFD Rd., Brgy. Ampid ISisimulan ngayong araw, ika-2...
28/05/2026

ANUNSIYO TRAPIKO | Manila Water Sewer Project sa Gen. Luna Ave. cor. JFD Rd., Brgy. Ampid I

Sisimulan ngayong araw, ika-28 ng Mayo 2026, ang excavation works sa intersection ng Gen. Luna Ave. at JFD Rd. sa Brgy. Ampid I. Nakatakda naman itong matapos sa ika-5 ng Hunyo 2026.

โ€ผ๏ธ Ang iskedyul ng paggawa ay tuwing alas-9 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Dalawang lane patungong Montalban ang isasara kung kaya't inaabisuhan ang mga pa-Montalban na dumaan sa ikatlong lane (counterflow lane). Samantala, ang mga truck na patungong Montalban ay inaabisuhan namang dumaan sa C6 Bypass Rd. papuntang Patiis Rd.

Bilang karagdagan, ipapatupad ang ONE-WAY TRAFFIC SCHEME sa kahabaan ng JFD Rd., mula Gen. Luna Ave. hanggang G. Reyes St., patungong Daang Bakal.

Karagdagang mga DPOS traffic enforcers din ang iiistasyon para umalalay sa mga motorista at pedestrian. Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.



PAGGUNITA | National Flag DayNakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa malawakang paggunita ng Pambansang Araw ng Watawat...
28/05/2026

PAGGUNITA | National Flag Day

Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa malawakang paggunita ng Pambansang Araw ng Watawat ngayong araw, ika-28 ng Mayo 2026. Ang malayang pamamayagpag ng bandila ng Pilipinas patuloy nawang makapagpaalab ng diwang makabansa sa ating mga puso at pagpapahalaga sa sakripisyo ng ating mga bayani.

Happy National Flag Day, kababayan!


TINGNAN | Tourism-related Establishment Trade Fair sa San Mateo RizalSa patuloy na pagpapalakas ng industriya ng turismo...
27/05/2026

TINGNAN | Tourism-related Establishment Trade Fair sa San Mateo Rizal

Sa patuloy na pagpapalakas ng industriya ng turismo dito sa ating bayan, inilunsad noong nakaraang Biyernes, ika-22 ng Mayo 2026, ang "Boosting Tourism, Building Opportunities, Stronger San Mateo" Tourism-related Establishment Trade Fair sa pangunguna ng San Mateo Rizal Tourism, Culture, and Arts Office, katuwang ang SM City San Mateo .

Dumalo rito sina Konsehal Noel Sta. Maria, Konsehal Boy Salen, Municipal Administrator Henry Desiderio, Mr. San Mateo-Tourism 2025 Justine Belza, at ang pamunuan ng SM City San Mateo. Narito rin bilang inspirational speaker si Ar. Louie Nandro M. Vito, UAP, kasalukuyang presidente ng San Mateo Business Club.

Nagtipon sa trade fair na ito ang mga kinatawan mula sa 18 mga tourism-related establishments (TRE) tulad ng mga catering services, events place and organizer, resort, at kainan. Ibinida nila ang kani-kanilang mga serbisyo at hinikayat ang ating mga kababayan na tangkilikin ang sariling atin! Kaya naman maraming salamat sa aktibong pakikiisa ng mga TREs sa "Boosting Tourism, Building Opportunities, Stronger San Mateo" Tourism-related Establishment Trade Fair!

Bayan ng San Mateo, susulong dito ang turismo!


PABATID | Ligtas Tigdas: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity and Vitamin A Supplementation Sa pakikiisa n...
27/05/2026

PABATID | Ligtas Tigdas: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity and Vitamin A Supplementation

Sa pakikiisa ng ating Pamahalaang Bayan sa pinaigting na kampanya ng Department of Health (DOH), World Health Organization (WHO) Philippines, at United Nations International Children's Emergency Fund (UNICEF) laban sa tigdas at rubella, magkakaroon ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) at Vitamin A Supplementation simula sa Hunyo 1-19, 2026 sa limang barangay (Dulong Bayan I, Sta. Ana, Banaba, Sto Niรฑo at Silangan) na siyang mga border barangay sa NCR, para sa mga batang nasa edad 6-59 na buwan (hindi lalagpas ng 5 taong gulang)

Sama-sama nating labanan ang banta ng tigdas at rubella sa ating bayan! Dito sa San Mateo, may kalinga para sa mga bata!


Address

San Mateo
1850

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Mateo Rizal Public Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to San Mateo Rizal Public Information Office:

Share