Congressman Jojo Garcia

Congressman Jojo Garcia The Official page of Rizal's 3rd District Congressman Jose Arturo "
Jojo" Garcia Jr.

Taos pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa aking Ninong, Former Governor Ito Ynares! Maraming salamat po sa inyong ka...
26/08/2026

Taos pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa aking Ninong, Former Governor Ito Ynares!

Maraming salamat po sa inyong kabutihan, gabay, at suporta sa akin, lalo na sa mga panahong kailangan ko ng payo at tulong. Higit sa lahat, salamat po sa patuloy ninyong pagtulong at malasakit sa aming mga kababayan sa San Mateo. Hiling ko po ang patuloy na magandang kalusugan, mahabang buhay, at maraming masasayang araw kasama ang inyong pamilya.

Mabuhay po kayo, Gov. Ito!


Ngayong Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon, inaanyayahan tayo ni Hesus na pagnilayan ang Kanyang tanong: "Ngunit para s...
22/08/2026

Ngayong Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon, inaanyayahan tayo ni Hesus na pagnilayan ang Kanyang tanong: "Ngunit para sa inyo, sino Ako?" Ang ating sagot ay hindi lamang nasasabi sa ating mga salita, kundi naipapakita rin sa paraan ng ating pamumuhay at pagsunod sa Kanya.

Nawa'y higit pa nating makilala si Hesus at maging matatag ang ating pananampalataya. Sa bawat araw, piliin nating maging tapat na mga alagad na handang sumunod at magpatotoo sa Kanyang pag-ibig.

Manalig tayo sa Kanya—sapagkat ang pagkilala kay Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas ang matibay na pundasyon ng ating buhay.

Blessed Sunday sa lahat!

Isang mainit na pagbati ng Maligyang Kaarawan sa ating masipag na Konsehal Nelson Antonio! Maraming salamat sa oyonb ded...
21/08/2026

Isang mainit na pagbati ng Maligyang Kaarawan sa ating masipag na Konsehal Nelson Antonio!

Maraming salamat sa oyonb dedikasyon at patuloy na paglilingkod sa ating mga kababayan, laing-lalo na sa mga magsasaka. Nawa’y pagpalain ka pa ng ating Panginoon ng mabuting kalusugan, mas maraming taon, at lakas upang patuloy na maging katuwang sa paglilingkod.

Muli, Happy Birthday, Konsi Nelson!


DISTRICT ADVISORYAlinsunod sa Memorandum Circular No. 131 mula sa Tanggapan ng Pangulo, ang ating District Office ay mag...
19/08/2026

DISTRICT ADVISORY

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 131 mula sa Tanggapan ng Pangulo, ang ating District Office ay magpapatuloy sa Work-from-Home (WFH) arrangement ngayong Huwebes, Agosto 20, 2026, dahil sa patuloy na malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat.

Siguraduhin na tayo ay laging ligtas. Mag-ingat po lagi!


DISTRICT ADVISORYAlinsunod sa Memorandum Circular No. 129 mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, ang ating District ...
18/08/2026

DISTRICT ADVISORY

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 129 mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, ang ating District Office ay magpapatupad ng work from home arrangements sa Agosto 19, 2026 dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng enhanced Southwest Monsoon (Habagat).

Maging alerto at unahin ang kaligtasan. Mag-iingat po ang lahat!


UPDATE SA MANILA WATER PROJECTSMga kababayan, nitong nagdaang mga araw, halos naikot ko ang kahabaan ng Gen. Luna nung a...
18/08/2026

UPDATE SA MANILA WATER PROJECTS

Mga kababayan, nitong nagdaang mga araw, halos naikot ko ang kahabaan ng Gen. Luna nung ako ay kasamang namahagi ng mga relief goods na galing sa DSWD at PAGCOR. Dito ay napansin ko ang mga nakabakod o may harang na mga parte ng ating kalsada na nagpapabigat sa daloy ng trapiko.

Batid ko na mahalaga ang mga sewerage at water infrastructure projects para sa pangmatagalang improvement ng San Mateo. Pero kasabay nito, kailangan din nating siguraduhin na hindi napapabayaan ang araw-araw na buhay ng ating mga kababayan.

Dahil dito, ako ay nagpadala ng sulat sa Manila Water na humihiling ng mga detalye ng mga proyektong ito at tapusin ito sa lalong madaling panahon.

Matapos matanggap ang ating sulat, ang Manila Water ay sumagot at nagbigay ng status report at ng mga impormasyon kung kailan matatapos ang mga proyektong ito.

Patuloy po akong makikipag-ugnayan sa Manila Water upang masiguro na maayos at mabilis ang pagsasagawa nila ng kanilang mga proyekto na nagnanais na matulungan ang ating Bayan at kalikasan.


DISTRICT ADVISORYAlinsunod sa Memorandum Circular No. 128 ng Tanggapan ng Pangulo, ipinatutupad ngayong Agosto 18, 2026 ...
18/08/2026

DISTRICT ADVISORY

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 128 ng Tanggapan ng Pangulo, ipinatutupad ngayong Agosto 18, 2026 ang alternative work arrangements sa Lalawigan ng Rizal dahil sa patuloy na malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat.

Dahil dito, ang ating District Office ay magsasagawa ng Work-from-Home (WFH) arrangement ngayong araw.

Mag-ingat po tayong lahat!


PAUNAWA PARA SA LAHAT:
17/08/2026

PAUNAWA PARA SA LAHAT:

RDRRMC CALABARZON EOC UPDATE

UPPER WAWA DAM UPDATE
August 17, 2026 - 10:00 PM

Upper Wawa Dam water level: 136.10 (Spilling)

Spill Rate: 455m³/s

Rainfall Accumulation
August 17, 7:00 PM - August 17, 10:00 PM 2mm

17/08/2026
Ngayong Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon, ipinapaalala sa atin ang pananampalataya at pagtitiwala ng babaeng Cananea....
15/08/2026

Ngayong Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon, ipinapaalala sa atin ang pananampalataya at pagtitiwala ng babaeng Cananea. Sa kabila ng mga pagsubok at tila katahimikan ng Diyos, hindi siya sumuko, sapagkat naniniwala siyang ang awa ni Hesus ay higit sa anumang hadlang.

Nawa'y maging matatag din ang ating pananampalataya sa gitna ng paghihintay at mga pagsubok. Patuloy tayong lumapit sa Panginoon nang may pagpapakumbaba at pagtitiwala, sapagkat hindi Niya binibigo ang mga pusong umaasa sa Kanya.

Manalig tayo sa Kanya—sapagkat ang tunay na pananampalataya ay nananatiling matatag at umaasa sa Kanyang pag-ibig at awa.

A Blessed Sunday everyone!

Address

Guitnang Bayan I
San Mateo
1850

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Congressman Jojo Garcia posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share