02/06/2026
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก || ๐ ๐ด๐ฎ ๐๐๐ช, ๐๐ฎ๐ฟ๐บ๐ฒ๐ฟ-๐น๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฎ ๐ฅ๐ฒ๐ต๐ถ๐๐ผ๐ป ๐ฌ๐ฎ, ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ-๐๐ฎ๐๐ฒ๐ฑ ๐ฃ๐น๐ฎ๐ป๐ป๐ถ๐ป๐ด, ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐
Pinagtibay ng Agricultural Training Institute โ Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02) ang kakayahan ng mga agricultural extension workers (AEWs) at farmer-leader sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang pang-agrikultura sa pamamagitan ng pagsasagawa ng dalawang batch ng Training on Fundamentals of Policy, Planning, Monitoring and Evaluation (PPME) na ginanap sa ATI-RTC 02, Malasin, San Mateo, Isabela, noong May 12โ15, 2026 para sa unang batch, at May 19โ22, 2026 sa huling batch.
Sa unang batch, lumahok ang 25 AEWs na nagsisilbing Rural-Based Organizations (RBO) Coordinators at Alternate Coordinators mula sa iba't-ibang lokal na pamahalaan sa rehiyon. Samantala, sa ikalawang batch ay dumalo ang 25 AEWs at isang farmer-leader na nagpahayag ng interes na makibahagi dahil sa kahalagahan ng pagsasanay sa kanyang kasalukuyang tungkulin sa kanilang kooperatiba.
Samantala, ang ikalawang batch ay dinaluhan ng mga AEW na nagtapos ng Basic Agricultural Extension Course (BAEC) upang higit na mapaunlad ang kanilang kaalaman sa mga prinsipyo, konsepto, terminolohiya, pamamaraan, at mga kasangkapan sa Policy, Planning, Monitoring and Evaluation para sa Agriculture and Fishery Extension (AFE).
Binigyang diin naman ni Dr. Claric Marayag-Alaska, Center Director ng ATI-RTC 02 na mahalaga ang gagampanang role ng mga extension worker para mas mabigyan ng magandang serbisyo ang mga farmer. โWe, as extension workers, need to empower our farmers through different extension modalities. Sana handa kayo sa lahat ng ipapagawa sa inyo lalo na ang pag-gather ng data upang magiging fruitful ang ating oras. Palagi naming sinasabi na ang mga polisiya na ginagawa natin it must be responsive to the needs of our farmers and fishers. It should be data-driven, at need-based,โ saad ni Dr. Alaska.
Sa unang batch, tinalakay ni Ms. Joan May Z. Bareno, Training Specialist II, ang mga pangunahing konsepto at terminolohiya ng PPME, kabilang ang proseso ng paggawa ng polisiya, program at project development cycle, at ang kahalagahan ng monitoring and evaluation. Samantala, sa ikalawang batch, pinalawak naman ni Engr. Beverly S. Orpilla, Media Production Specialist II at Project Officer, ang diskusyon sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwang monitoring and evaluation methodologies at frameworks.
Sa pagbubukas ng pagsasanay, tinalakay ni Ms. Francisca C. Yuro, Media Production Specialist II, ang kalagayan ng Agriculture and Fisheries Extension (AFE), kabilang ang kahalagahan nito sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan, gayundin ang mga hamon at oportunidad na kinakaharap ng extension services.
Tinalakay naman nina Mr. Aldrin E. Abarca, Information Officer II, at Engr. Johnson S. Lameg, Agriculturist II, sa magkahiwalay na batch ang iba't ibang PPME tools at methodologies gaya ng policy instruments, problem tree, objective tree, decision matrix, at stakeholder mapping. Binigyang-diin din nila ang mahalagang papel ng mga stakeholder sa policy formulation, planning process, monitoring, at evaluation.
๐ฅ๐๐๐ ๐๐จ๐๐ ๐๐ฅ๐ง๐๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐
https://tinyurl.com/ATIDos