27/07/2026
🌱🥗 NUTRITION MONTH 2026 🥗🌱
"Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!"
Ang malusog na kinabukasan ay nagsisimula sa masustansyang pagkain at pagmamalasakit sa ating kapaligiran. 💚
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month 2026, matagumpay na naisakatuparan ang programang pinangunahan ni SK Kagawad Jasmine Bonifacio na naglalayong magbahagi ng masustansyang pagkain at magbigay ng paalala na ang kalusugan at kalikasan ay magkasabay na dapat pangalagaan.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng programang ito. Sama-sama nating ipagpatuloy ang mga simpleng hakbang tungo sa isang mas malusog, mas luntian, at mas maunlad na Barangay Guinayang. ✨