Barangay Sta. Ana - Former Kap. JC Salen

Barangay Sta. Ana - Former Kap. JC Salen This is the page of Brgy. Sta. Ana under the legacy of late Brgy. Captain JC Salen

Year 2023-2026

With heartfelt gratitude for your prayers, love, and support, we wish to share the details of the interment of our belov...
07/07/2026

With heartfelt gratitude for your prayers, love, and support, we wish to share the details of the interment of our beloved late Punong Barangay, Kapitan Juan Carlo 'JC' Salen.

πΏπ’Άπ“ˆπ“‰ 𝒩𝒾𝑔𝒽𝓉 π‘œπ’» π’±π’Ύπ‘’π“Œπ’Ύπ“ƒπ‘” (Necrological Service and Funeral Mass)

πŸ—“οΈ Date: Thursday, July 9, 2026
⏰ Time: 5 PM
πŸ“Salen Residence

𝐼𝓃𝓉𝑒𝓇𝓂𝑒𝓃𝓉 π’Ÿπ‘’π“‰π’Άπ’Ύπ“π“ˆ

πŸ—“οΈ Date: Friday July 10, 2026
⏰ Time: 2:00 PM
β›ͺ Funeral Mass: National Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu
πŸ“ Final Resting Place: Paraiso Memorial Park

Kap JC, a leader, a beloved son, a loving father, brother, friend, and loving husband, brought immense joy, love, and light to all of our lives.

We are deeply grateful for your presence, prayers, and unwavering support as we come together to honor and celebrate his life.

It is with profound sadness and heavy hearts that the Barangay Council of Sta Ana, San Mateo Rizal, announces the passin...
01/07/2026

It is with profound sadness and heavy hearts that the Barangay Council of Sta Ana, San Mateo Rizal, announces the passing of our beloved Punong Barangay, Kapitan JC Salen on July 2, 2026.

Kapitan JC was a dedicated public servant who devoted 11 years of his life to leading, improving, and protecting our community. His unwavering commitment to our barangay will never be forgotten.

The wake will be held at Salen Residence at P. Burgos St. Sta. San Mateo, Rizal starting 6pm today.

Interment details will be announced by the family in the coming days.

We request your continuous prayers for his eternal repose and for his grieving family during this difficult time.

πŸ“’ PABATID | PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAMSa pangunguna ng ating Kapitan JC Salen, ang Department of Social Welfare...
29/06/2026

πŸ“’ PABATID | PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

Sa pangunguna ng ating Kapitan JC Salen, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay magsasagawa ng Community Assembly Validation para sa mga potensyal na benepisyaryo ng programa.

πŸ“… Petsa: Hulyo 1, 2026
πŸ“ Lugar: JFD Stadium, Brgy Guitnang Bayan I, San Mateo Rizal
Oras: 5:30am

Inaanyayahan ang mga residenteng kabilang sa listahan ng mga potensyal na benepisyaryo na dumalo sa itinakdang Community Assembly at dalhin ang lahat ng kinakailangang dokumento para sa beripikasyon at validation.

πŸ“Œ Mga maaaring dalhin:
βœ… Birth Certificate
βœ… Marriage Contract (kung naaangkop)
βœ… Death Certificate (kung naaangkop)
βœ… PhilSys ID o patunay ng PhilSys Registration ng lahat ng miyembro ng pamilya
βœ… School ID/Form 138 o School Attendance Certificate (para sa mga nag-aaral)
βœ… Health Attendance Certificate (para sa mga buntis at batang 0–5 taong gulang)
βœ… PWD ID o Medical Certificate (kung naaangkop)

⚠️ Mahalagang Paalala: Ang pagdalo sa Community Assembly at pagsusumite ng kumpletong dokumento ay mahalaga para sa proseso ng validation. Mangyaring dumating nang mas maaga at sundin ang mga alituntunin ng DSWD.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at kooperasyon.




🧹TINGNAN | BARANGAY STA. ANA CLEAN UP DRIVE ! 🧹Sa pangunguna ng ating Kapitan JC Salen, kasama ang mga estudyante ng Eas...
28/06/2026

🧹TINGNAN | BARANGAY STA. ANA CLEAN UP DRIVE ! 🧹

Sa pangunguna ng ating Kapitan JC Salen, kasama ang mga estudyante ng Eastern Star Academy, tayo ay naglunsad ng Clean up Drive sa kahabaan ng F. Salvador at Pelbel St. sa hangarin na mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang ating komunidad.

Maraming salamat sa ating mga masisipag na kawani ng barangay na nakiisa sa gawaing ito. Ang inyong oras, sipag, at malasakit ang susi sa pagkakaroon ng mas malinis at mas ligtas na kapaligiran para sa ating lahat.

🌱 Ang kalinisan ay responsibilidad ng bawat isa. Patuloy nating pangalagaan ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng tamang pagtatapon ng basura, paglinis ng ating paligid, at pakikiisa sa mga programang pangkalinisan ng barangay.

Kayo po ay makakaasa sa pamumuno ng ating π‘²π’‚π’‘π’Šπ’•π’‚π’ 𝑱π‘ͺ 𝑺𝑨𝑳𝑬𝑡 kasama ang Barangay Council ay Garantisadong Maglilingkod ng may puso.




🚨 PANAWAGAN | MISSING PERSON ALERT πŸš¨πŸ“’ Magandang araw sa inyong lahat isang senior citizen ang kasalukuyang nasa panganga...
26/06/2026

🚨 PANAWAGAN | MISSING PERSON ALERT 🚨

πŸ“’ Magandang araw sa inyong lahat isang senior citizen ang kasalukuyang nasa pangangalaga ng Barangay Sta. Ana, San Mateo Rizal at hinihiling namin ang inyong tulong upang mahanap ang kanyang pamilya o mga kaanak.

Pangalan: Reynaldo Tagle Timbang Sr.

Kung sinuman po ang nakakakilala sa kanya o may alam sa lugar ng kanyang pamilya o kamag-anak, mangyaring makipag-ugnayan agad sa Barangay Sta. Ana, San Mateo Rizal sa pamamagitan ng aming page o mag txt o tumawag sa aming hotline 89411325 / 09539585743.

πŸ™ Ang inyong pagbabahagi ng post na ito ay malaking tulong upang maibalik siya sa kanyang mga mahal sa buhay.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at malasakit.




πŸ“’ PABATID | MANILA WATER DESLUDGING SERVICE PROGRAM πŸ’§πŸš›Magandang araw, mga ka-Barangay Sta. Ana!Sa pangunguna ng ating Ka...
26/06/2026

πŸ“’ PABATID | MANILA WATER DESLUDGING SERVICE PROGRAM πŸ’§πŸš›

Magandang araw, mga ka-Barangay Sta. Ana!

Sa pangunguna ng ating Kapitan JC Salen, ang Manila Water, sa pamamagitan ng kanilang accredited service provider na Soliman E.C. Septic Tank Disposal, ay kasalukuyang nagsasagawa ng Desludging Service Program sa ating barangay.

πŸ“ Kung kabilang po kayo sa mga residenteng nais magpa-desludging ng inyong septic tank, maaari kayong magpalista sa Barangay Sta. Ana Hall upang maisama sa iskedyul ng programa.

πŸ“‹ Mangyaring ihanda ang mga sumusunod na impormasyon:
βœ… Contract Account Number (CAN)
βœ… Pangalan ng Account Holder
βœ… Kumpletong Service Address
βœ… Contact Number

Ang programang ito ay naglalayong mapanatiling malinis at ligtas ang ating komunidad sa pamamagitan ng tamang pangangalaga sa septic tanks.

πŸ“ Para sa karagdagang impormasyon at pagpapalista, bumisita lamang sa ating Barangay Hall.

Kayo po ay makakaasa sa pamumuno ng ating π‘²π’‚π’‘π’Šπ’•π’‚π’ 𝑱π‘ͺ 𝑺𝑨𝑳𝑬𝑡 kasama ang Barangay Council ay Garantisadong Maglilingkod ng may puso.




πŸ“’ PABATID | ABISO SA PAGSASAGAWA NG MOSQUITO FOGGING 🦟🚫Magandang araw, mga ka-Barangay!Mula sa ating Kapitan JC Salen, k...
25/06/2026

πŸ“’ PABATID | ABISO SA PAGSASAGAWA NG MOSQUITO FOGGING 🦟🚫

Magandang araw, mga ka-Barangay!

Mula sa ating Kapitan JC Salen, kasama ang ating committee Chairman for Health and Sanitation Kagawad Melvin Antonio, bilang bahagi ng ating patuloy na pagsugpo sa dengue at iba pang sakit na dala ng lamok, magsasagawa po kami ng Mosquito Fogging Activity sa mga nasabing lugar.

πŸ“… Petsa: June 26, 2026
πŸ•— Oras: 8:00 ng umaga
πŸ“ Lugar: B. Mariano St. at J. Cruz St.

πŸ”” Mahalagang Paalala:

βœ… Isara ang mga pinto at bintana habang nagsasagawa ng fogging.
βœ… Takpan ang pagkain at inumin.
βœ… Ilayo ang mga alagang hayop.
βœ… Magsuot ng face mask kung kinakailangan.
βœ… Para sa mga may maliliit na anak, ilabas muna sila ng bahay kung kinakailangan para sa kanilang kaligtasan.

Ang inyong pakikiisa ay mahalaga, sama-sama nating sugpuin ang dengue!
Kayo po ay makakaasa sa pamumuno ng ating π‘²π’‚π’‘π’Šπ’•π’‚π’ 𝑱π‘ͺ 𝑺𝑨𝑳𝑬𝑡 kasama ang Barangay Council ay Garantisadong Maglilingkod ng may puso.




πŸ’™πŸ‘¨β€πŸ‘§β€πŸ‘¦ TINGNAN | MALIGAYANG ARAW NG MGA AMA! πŸ‘¨β€πŸ‘¦πŸ’™Ngayong Father's Day, taos-puso nating pinaparangalan at pinasasalamata...
20/06/2026

πŸ’™πŸ‘¨β€πŸ‘§β€πŸ‘¦ TINGNAN | MALIGAYANG ARAW NG MGA AMA! πŸ‘¨β€πŸ‘¦πŸ’™

Ngayong Father's Day, taos-puso nating pinaparangalan at pinasasalamatan ang lahat ng ama at mga tumatayong haligi ng tahanan. Maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal, sakripisyo, paggabay, at pagsusumikap para sa inyong pamilya.

Kayo ang tunay na inspirasyon ng ating komunidadβ€”matatag, mapagkalinga, at laging handang magsakripisyo para sa kinabukasan ng inyong mga mahal sa buhay.

Sa ngalan ng Ama ng Barangay Sta. Ana, Kapitan JC Salen ay aming pinapaabot ang taos-pusong pagbati sa lahat ng ama.

✨ Mabuhay ang lahat ng Tatay! Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at pagmamahal ng inyong pamilya.




TINGNAN | Real Property Tax (RPT) Information, Education and Communication (IEC) CampaignSa pangunguna ng ating Kapitan ...
19/06/2026

TINGNAN | Real Property Tax (RPT) Information, Education and Communication (IEC) Campaign

Sa pangunguna ng ating Kapitan JC Salen, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa Office of the Municipal Treasurer at Office of the Municipal Assessor ng Pamahalaang Bayan ng San Mateo sa matagumpay na pagsasagawa ng Real Property Tax (RPT) Information, Education and Communication (IEC) Campaign noong June 17, 2026 araw ng Miyerkules dito sa Barangay Sta. Ana covered court.

Salamat din kay Sir. Carlo Aniero at sa kanyang mga kasamahan sa pagbibigay ng inpormasyon at makabuluhang talakayan hinggil sa kahalagahan ng pagbabayad ng Amilyar, mga paraan at iskedyul ng pagbabayad, mga diskwento para sa maagap na pagbabayad, at ang umiiral na Tax Amnesty Program. Nawa'y magsilbi itong gabay upang higit pang mapaigting ang kamalayan at pakikilahok ng ating mga mamamayan sa pagiging responsable sa pagbabayad ng buwis.

Maraming salamat sa mga kinatawan ng Homeowners' Associations (HOAs), mga Presidente ng Organisasyon, mga Leader ng Samahan, mga Solo parent at sa lahat ng dumalo at nakiisa upang maging matagumpay ang programang ito.

Ang inyong suporta at kooperasyon ay mahalagang hakbang tungo sa mas maunlad at mas maayos na komunidad.

Sama-sama nating isulong ang responsableng pagbabayad ng buwis para sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan at barangay.
Maraming Salamat po!




Address

4 F. Salvador Street Sta. Ana
San Mateo
1850

Telephone

+63289411325

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Sta. Ana - Former Kap. JC Salen posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Sta. Ana - Former Kap. JC Salen:

Shortcuts

Share