Barangay Gulod Malaya, San Mateo, Rizal Official

Barangay Gulod Malaya, San Mateo, Rizal Official Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Gulod Malaya, San Mateo, Rizal Official, Public & Government Service, St. Luke Street, Marvi Hills Subdivision, Gulod Malaya, San Mateo.
(1)

Ito ang opisyal na page ng Pamahalaang Barangay ng Gulod Malaya sa Bayan ng San Mateo, Rizal

Magsadya po sa ating Barangay Hall para sa mga pormal na reklamo.

ANUNSIYO TRAPIKO | Total truck ban sa Gen. Luna Ave.Magpapatupad ng 24-HOUR TOTAL TRUCK BAN sa kahabaan ng Gen. Luna Ave...
01/09/2026

ANUNSIYO TRAPIKO | Total truck ban sa Gen. Luna Ave.

Magpapatupad ng 24-HOUR TOTAL TRUCK BAN sa kahabaan ng Gen. Luna Ave. malapit sa San Mateo Medical Center sa Brgy. Ampid II simula ngayong araw, ika-1 ng Setyembre, hanggang sa Linggo, ika-6 ng Setyembre 2026. Ito ay upang bigyang daan ang emergency repair works ng Manila Water Sewer Project.

MGA ALTERNATIBONG RUTA:

๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น๐—ฏ๐—ฎ๐—ป - ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ
Pinapayuhan ang mga truck na manggagaling sa Montalban at patungong Marikina na dumaan sa Patiis Rd. pa-C6 Bypass Rd. at lumabas sa Batasan Intersection.

๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ/๐—ค๐˜‚๐—ฒ๐˜‡๐—ผ๐—ป ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† - ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น๐—ฏ๐—ฎ๐—ป
Pinapayuhan naman ang mga truck na manggagaling sa Marikina at Quezon City na dumaan sa C6 Bypass Rd. patungong Patiis Rd. at pa-Gen. Luna Ave.

Karagdagang mga DPOS traffic enforcers na ang naka-deploy sa lugar para sa pag-alalay sa sitwasyon ng trapiko.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.



๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Oา‰Pา‰Lา‰Aา‰Nา‰ Lา‰Iา‰Wา‰Aา‰Nา‰Aา‰Gา‰ ~ Pailaw sa Gumamela St., JFDMNHS/AnnexIsang taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ...
31/08/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Oา‰Pา‰Lา‰Aา‰Nา‰ Lา‰Iา‰Wา‰Aา‰Nา‰Aา‰Gา‰ ~ Pailaw sa Gumamela St., JFDMNHS/Annex

Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng buong pamayanan ng Barangay Gulod Malaya, sa pangunguna ni Punong Barangay Rainier Ray Mercado at Sangguniang Barangay sa ating mahal na Mayor Omie Rivera para sa 10 Solar Streetlight na naikabit para sa ating mga mag-aaral ng DepEd Jose F. Diaz Memorial National High School at Annex.

Malaking tulong ito sa pagtiyak ng kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o at mga magulang na dumadaan sa lugar, lalu na sa oras ng gabi at madaling-araw.

Ang proyektong ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng ating lokal na pamahalaan at ng barangay upang maghatid ng mas ligtas, mas maliwanag, at mas maunlad na kapaligiran para sa ating kabataan.

Ininspeksyon nila Kagawad Rother Canamo at Kagawad Josef Roland BalbidoOj Lab ang mga bagong lagay na poste at mga ikinabit na solar streetlight upang matiyak ang liwanag ng daan.

Maraming salamat, Mayor Omie Rivera at PB Rainier Ray Mercado, sa inyong walang sawang pagmamalasakit at dedikasyon sa serbisyo publiko!



โค๏ธGulodMalaya


#ษขแดœสŸแดแด…แดแด€สŸแด€สแด€แด˜ษชแด

PAGGUNITA | Araw ng mga Bayani 2026Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani 2026 na may temang "Diwa ng Kabayanihan, Lakas n...
31/08/2026

PAGGUNITA | Araw ng mga Bayani 2026

Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani 2026 na may temang "Diwa ng Kabayanihan, Lakas ng Sambayanan," buong-pusong nakikiisa ang Pamahalaang Barangay ng Gulod Malaya sa pangunguna ni Punong Barangay Rainier Ray Mercado kasama ang buong Sangguniang Barangay.

Ang makasaysayang araw na ito ay hindi lamang pag-alala sa tapang at sakripisyo ng ating mga dakilang bayani sa kasaysayan, kundi pagkilala rin sa kabayanihan ng bawat mamamayan ng Gulod Malaya. Sa harap ng mga pang-araw-araw na pagsubok, ang pagtutulungan, pagmamalasakit, at pagkakaisa ng ating komunidad ang tunay na nagbibigay-buhay sa diwa ng kabayanihan.

Naniniwala si Punong Barangay Rainier Ray Mercado at ang Sangguniang Barangay na ang tunay na lakas ng ating lipunan ay nagmumula sa isang samahang nagkakaisa. Ang bawat simpleng pagtulong sa kapwa, paggalang sa batas, at pakikibahagi sa mga programa ng barangay ay patunay na buhay ang dugo ng pagiging bayani sa bawat isa sa atin.

Muli, isang maligaya at makabuluhang Araw ng mga Bayani sa ating lahat! Patuloy nating pagalabin ang diwa ng kabayanihan para sa mas matatag, maunlad, at ligtas na Barangay Gulod Malaya,.



โค๏ธGulodMalaya

#ษขแดœสŸแดแด…แดแด€สŸแด€สแด€แด˜ษชแด

๐๐€๐๐“๐€๐˜ ๐๐€๐†๐˜๐Ž | ๐‡๐€๐๐€๐†๐€๐“ ๐ŸŸฅ RED CRITICAL LEVEL: RIZAL      THIRD ALARM 21.50M as of 10:00PMDahil sa masamang panahon dulot ...
29/08/2026

๐๐€๐๐“๐€๐˜ ๐๐€๐†๐˜๐Ž | ๐‡๐€๐๐€๐†๐€๐“

๐ŸŸฅ RED CRITICAL LEVEL: RIZAL
THIRD ALARM 21.50M as of 10:00PM

Dahil sa masamang panahon dulot ng Habagat sa atas ng ating Punong Barangay Rainier Ray Mercado, patuloy ang pag-iikot ng ating mga kawani ng Barangay Gulod Malaya, kasama ang BDRRMO - GULOD MALAYA at Barangay Pulis, patuloy na inaantabayanan at sinusubaybayan ang lagay ng panahon at inikutan din ang mga mabababang lugar na posibleng maapektuhan ng pagtaas ng ilog na nakapaligid sa ating barangay.

Hinihikayat ang lahat na maging alerto at mag-ingat.

Sa panahon ng agarang pangangailangan, tawagan lamang ang mga numerong ito upang kayo'y masaklolohan, mga Kabarangay!

Bayan ng San Mateo, kaligtasan mo ang prayoridad dito!



โค๏ธGulodMalaya

#ษขแดœสŸแดแด…แดแด€สŸแด€สแด€แด˜ษชแด

BANTAY BAGYO | Water level sa San Mateo-Batasan BridgeBATASAN WATER LEVEL UPDATE[๐—ง๐—›๐—œ๐—ฅ๐—— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐— ]๐Ÿ”ด ๐Ÿฎ๐Ÿฌ.๐Ÿฐ๐Ÿฌ๐—  ๐—ฎ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐Ÿฑ:๐Ÿฐ๐Ÿฑ ๐—ฃ๐— , ๐—”๐˜‚๐—ด...
29/08/2026

BANTAY BAGYO | Water level sa San Mateo-Batasan Bridge

BATASAN WATER LEVEL UPDATE

[๐—ง๐—›๐—œ๐—ฅ๐—— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐— ]
๐Ÿ”ด ๐Ÿฎ๐Ÿฌ.๐Ÿฐ๐Ÿฌ๐—  ๐—ฎ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐Ÿฑ:๐Ÿฐ๐Ÿฑ ๐—ฃ๐— , ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿต, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

WATER LEVEL LEGEND
๐ŸŸก18M - Alert (1st Alarm)
๐ŸŸ 19M - Alarm (2nd Alarm)
๐Ÿ”ด20M - Critical (3rd Alarm Forced Evacuation)

Mag-ingat po tayong lahat! Sakaling mangailangan ng tulong, narito ang ating mga emergency hotlines:
๐Ÿ“ž PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
๐Ÿ“ž MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0954-355-0707; 0985-394-2424
๐Ÿ“ž BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
๐Ÿ“ž DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130, 131; 0968-196-5921


BANTAY BAGYO | Sitwasyon ng mga kalsada sa San Mateo, RizalRoad status report as of 5:22 PM, August 29, 2026Source: San ...
29/08/2026

BANTAY BAGYO | Sitwasyon ng mga kalsada sa San Mateo, Rizal

Road status report as of 5:22 PM, August 29, 2026
Source: San Mateo Rizal Department of Public Order and Safety

๐ŸŸ  NOT PASSABLE FOR LIGHT VEHICLES
๐ŸšงB. Mariano Capilpil
๐ŸšงPelbel Street
๐ŸšงZuรฑiga Street
๐ŸšงKambal Rd. to Sapang Labo
๐ŸšงBrgy. Dulong Bayan II Daang Bakal Rd. to Brgy. Guinayang
๐ŸšงDaang Tubo Brgy. Dulong Bayan II to Brgy. Maly
๐ŸšงPatiis Intersection to Patiis Rd.
๐ŸšงPatiis Gen. Luna Ave. to RakkJ
๐ŸšงSta. Cecilia Ibayo
๐ŸšงMarang, Brgy. Maly
๐ŸšงBrgy. Maly Arko

Narito ang mga emergency hotlines sa ating bayan na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:

๐Ÿ“ž PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
๐Ÿ“ž MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0954-355-0707; 0985-394-2424
๐Ÿ“ž BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
๐Ÿ“ž DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130, 131; 0968-196-5921

Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!


BANTAY BAGYO | Water level sa San Mateo-Batasan BridgeBATASAN WATER LEVEL UPDATE[๐—ง๐—›๐—œ๐—ฅ๐—— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐— ]๐Ÿ”ด ๐Ÿฎ๐Ÿฌ.๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐—  ๐—ฎ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐Ÿฑ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— , ๐—”๐˜‚๐—ด...
29/08/2026

BANTAY BAGYO | Water level sa San Mateo-Batasan Bridge

BATASAN WATER LEVEL UPDATE

[๐—ง๐—›๐—œ๐—ฅ๐—— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐— ]
๐Ÿ”ด ๐Ÿฎ๐Ÿฌ.๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐—  ๐—ฎ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐Ÿฑ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— , ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿต, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

WATER LEVEL LEGEND
๐ŸŸก18M - Alert (1st Alarm)
๐ŸŸ 19M - Alarm (2nd Alarm)
๐Ÿ”ด20M - Critical (3rd Alarm Forced Evacuation)

Mag-ingat po tayong lahat! Sakaling mangailangan ng tulong, narito ang ating mga emergency hotlines:
๐Ÿ“ž PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
๐Ÿ“ž MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0954-355-0707; 0985-394-2424
๐Ÿ“ž BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
๐Ÿ“ž DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130, 131; 0968-196-5921


BANTAY BAGYO | Water level sa San Mateo-Batasan BridgeBATASAN WATER LEVEL UPDATE[๐—ฆ๐—˜๐—–๐—ข๐—ก๐—— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐— ]๐ŸŸ  ๐Ÿญ๐Ÿต.๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐—  ๐—ฎ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐Ÿญ:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— , ๐—”๐˜‚...
29/08/2026

BANTAY BAGYO | Water level sa San Mateo-Batasan Bridge

BATASAN WATER LEVEL UPDATE

[๐—ฆ๐—˜๐—–๐—ข๐—ก๐—— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐— ]
๐ŸŸ  ๐Ÿญ๐Ÿต.๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐—  ๐—ฎ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐Ÿญ:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— , ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿต, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

WATER LEVEL LEGEND
๐ŸŸก18M - Alert (1st Alarm)
๐ŸŸ 19M - Alarm (2nd Alarm)
๐Ÿ”ด20M - Critical (3rd Alarm Forced Evacuation)

Mag-ingat po tayong lahat! Sakaling mangailangan ng tulong, narito ang ating mga emergency hotlines:
๐Ÿ“ž PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
๐Ÿ“ž MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0954-355-0707; 0985-394-2424
๐Ÿ“ž BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
๐Ÿ“ž DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130, 131; 0968-196-5921


ANUNSIYO PUBLIKO | Suspensiyon ng F2F classes sa San Mateo RizalSUSPENDIDO ang FACE-TO-FACE CLASSES sa LAHAT NG ANTAS ng...
27/08/2026

ANUNSIYO PUBLIKO | Suspensiyon ng F2F classes sa San Mateo Rizal

SUSPENDIDO ang FACE-TO-FACE CLASSES sa LAHAT NG ANTAS ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa San Mateo bukas ng Biyernes, ika-28 ng Agosto 2026. Bunsod ito ng nakataas na YELLOW WARNING LEVEL sa ating bayan dala ng habagat.

Iminumungkahi para sa mga eskuwelahan ang pansamantalang pagpapairal ng MODULAR o DISTANCE LEARNING upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante.

Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling may mga humihingi ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0954-355-0707; 0985-394-2424
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130, 131

Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!


ANUNSIYO TRAPIKO | Hudyat ng Kapistahan 2026 ProcessionIpapatupad ang TEMPORARY ROAD CLOSURE at STOP-AND-GO TRAFFIC SCHE...
27/08/2026

ANUNSIYO TRAPIKO | Hudyat ng Kapistahan 2026 Procession

Ipapatupad ang TEMPORARY ROAD CLOSURE at STOP-AND-GO TRAFFIC SCHEME sa ilang mga kalsada sa ating bayan ngayong Sabado, ika-29 ng Agosto 2026, mula alas-7 hanggang alas-10 ng gabi upang bigyang-daan ang prusisyong pangungunahan ng National Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu (NSPOLA).

Babagtasin ng prusisyon ang kahabaan ng Hilario St., P. Gomez, B. Mariano, Burgos, M.H. Del Pilar, Gen. Luna Ave., at pabalik ng NSPOLA. Inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho upang makapagbigay-daan sa prusisyon. Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.



Address

St. Luke Street, Marvi Hills Subdivision, Gulod Malaya
San Mateo
1850

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63285594382

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Gulod Malaya, San Mateo, Rizal Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Gulod Malaya, San Mateo, Rizal Official:

Shortcuts

Share