Brgy. Guitnang Bayan 1 San Mateo

Brgy. Guitnang Bayan 1 San Mateo Brgy. Guitnang Bayan 1 San Mateo is a community page for promoting and reaching people

📹 CCTV REPAIRING | NAWASA EAST ZONE 3📅 August 26–27, 2026Patuloy ang ating pagsisikap na mapanatili ang kaligtasan at se...
01/09/2026

📹 CCTV REPAIRING | NAWASA EAST ZONE 3
📅 August 26–27, 2026

Patuloy ang ating pagsisikap na mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng ating mga kabarangay! 🤝💙

Matagumpay na isinagawa ang pagkukumpuni at muling pagkakabit ng CCTV system sa Nawasa East Zone 3 upang makatulong sa mas maayos na pagbabantay at pagpapanatili ng peace and order sa ating lugar.

Ang pagkakabit at pagkukumpuni nito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng ating CCTV Technician na si Robertjie Gabon, katuwang ang ating butihing Barangay Chairman Hon. Jomer Alejandro Cruz at ang buong Barangay Council.

🔎 Mas maayos na monitoring.
🛡️ Mas ligtas na komunidad.
🤝 Serbisyong para sa bawat kabarangay.

Kaligtasan ng bawat isa, patuloy nating pagtutulungan! 💙

01/09/2026

San Mateo Rizal Septemberfest 2026 Calendar of Activities

Narito na ang ating calendar of activities ng Septemberfest ngayong taon. Humanda na sa mga kaabang-abang na programa at aktibidad para sa buong buwan ng Setyembre!

Tayo na sa isang masiglang pagdiriwang ng Septemberfest 2026, kababayan!


💙 TULONG AT MALASAKIT PARA SA ATING MGA KABARANGAY 💙Noong Linggo, August 30, 2026, personal na bumisita at nag-abot ng f...
01/09/2026

💙 TULONG AT MALASAKIT PARA SA ATING MGA KABARANGAY 💙

Noong Linggo, August 30, 2026, personal na bumisita at nag-abot ng food packs ang ating Barangay Chairman Hon. Jomer Alejandro Cruz, kasama ang ating Barangay Council, Konsehal Joey Briones, mga kawani ng Barangay, at mga volunteers, sa ating mga kabarangay na pansamantalang nananatili sa mga evacuation center.

🏠 MGA EVACUATION CENTER:
• Carlland Multipurpose Hall
• San Mateo Senior High School

Ang munting tulong na ito ay bahagi ng patuloy na malasakit ng ating Barangay upang maibsan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng ating mga kabarangay habang sama-sama nating hinaharap ang panahon ng sakuna at pagsubok.

Taos-pusong pasasalamat din sa ating mga masisipag at laging handang BHW, BPSO, at BDRRMO volunteers sa kanilang walang sawang serbisyo, pagtulong, at pag-alalay sa ating mga kabarangay. 🙏❤️

Sa panahon ng pagsubok, ang pagkakaisa, malasakit, at pagtutulungan ang ating pinakamalaking lakas. 🤝

Patuloy na magiging katuwang ng bawat kabarangay ang ating Barangay.

Sama-sama tayo. Walang maiiwan. 💙

🎉🎂MALIGAYANG KAARAWAN! 🎂🎉Malugod na binabati ng Barangay Guitnang Bayan 1 ang ating masipag at dedikadong kawani na nagd...
01/09/2026

🎉🎂MALIGAYANG KAARAWAN! 🎂🎉

Malugod na binabati ng Barangay Guitnang Bayan 1 ang ating masipag at dedikadong kawani na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw:

🎈Francisco C. Catudio -LUPON Member
LUPON Department

Maraming salamat sa iyong tapat na paglilingkod, dedikasyon, at patuloy na suporta sa ating barangay. Nawa'y pagpalain ka pa ng Panginoon ng mabuting kalusugan, kaligayahan, tagumpay, at marami pang kaarawang ipagdiriwang kasama ang iyong mga mahal sa buhay.

Muli, Maligayang Kaarawan! 🎂🎁🥳

Mula sa inyong Barangay Guitnang Bayan 1 Family💙

🎉🎂MALIGAYANG KAARAWAN! 🎂🎉Malugod na binabati ng Barangay Guitnang Bayan 1 ang ating masipag at dedikadong kawani na nagd...
31/08/2026

🎉🎂MALIGAYANG KAARAWAN! 🎂🎉

Malugod na binabati ng Barangay Guitnang Bayan 1 ang ating masipag at dedikadong kawani na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw:

🎈 Normita T. Sayson -Brgy. Health Worker
BHW Department

Maraming salamat sa iyong tapat na paglilingkod, dedikasyon, at patuloy na suporta sa ating barangay. Nawa'y pagpalain ka pa ng Panginoon ng mabuting kalusugan, kaligayahan, tagumpay, at marami pang kaarawang ipagdiriwang kasama ang iyong mga mahal sa buhay.

Muli, Maligayang Kaarawan! 🎂🎁🥳

Mula sa inyong Barangay Guitnang Bayan 1 Family💙

Maligayang Araw ng mga Bayani!Ngayong Araw ng mga Bayani, ating alalahanin at parangalan ang mga kabayanihang nagbigay n...
30/08/2026

Maligayang Araw ng mga Bayani!

Ngayong Araw ng mga Bayani, ating alalahanin at parangalan ang mga kabayanihang nagbigay ng kanilang lakas, panahon, at buhay para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bansa. Nawa'y magsilbi silang inspirasyon upang tayo rin ay maging bayani sa ating sariling paraan—sa pamamagitan ng pagmamahal sa bayan, pagtulong sa kapwa, at paggawa ng tama sa araw-araw.

Mabuhay ang mga bayani noon at ngayon! Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭


30/08/2026

August 30, 2026 Water Level Monitoring @ Sapang Labo/ Kambal Road

29/08/2026

BANTAY BAGYO | Sitwasyon ng mga kalsada sa San Mateo, Rizal

Road status report as of 7:00 AM, August 30, 2026
Source: San Mateo Rizal Department of Public Order and Safety

🟢 PASSABLE FOR ALL VEHICLES
🚧B. Mariano - Capilpil, Brgy. Sta. Ana
🚧Pelbel St., Brgy. Sta. Ana
🚧Zuñiga St., Brgy. Sta. Ana
🚧Brgy. Sta. Ana Hilario St., going to Kambal Ext.
🚧Sapang Labo Kambal Rd., Brgy. Guitnang Bayan I and II
🚧Marang, Brgy. Maly

🟠 NOT PASSABLE FOR LIGHT VEHICLES
🚧Brgy. Guitnang Bayan II Daang Bakal Rd. to Brgy. Guinayang
🚧Daang Tubo Brgy. Dulong Bayan II to Brgy. Maly
🚧Patiis Intersection to Patiis Rd.

Narito ang mga emergency hotlines sa ating bayan na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:

📞 PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
📞 MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0954-355-0707; 0985-394-2424
📞 BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
📞 DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130, 131; 0968-196-5921

Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!


29/08/2026

August 30, 2026 Water Level Monitoring @ Sapang Labo/ Kambal Road

Address

469 GSIS Street Guitnang Bayan 1 San Mateo, Rizal
San Mateo
1850

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639338236757

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Guitnang Bayan 1 San Mateo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Brgy. Guitnang Bayan 1 San Mateo:

Shortcuts

Share