09/06/2026
Handog para sa Balik-Eskwela 2026ππ
Noong Linggo, Hunyo 7, 2026, bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan ng ating mga kabataan, nagbigay ng school supplies, pagkain, at bigas ang ating butihing Kapitan Pablo M. Flores, Jr., katuwang ang buong Sangguniang Barangay, mga barangay staff, at BPSO.
Personal na inalam ni Kapitan Pablo M. Flores, Jr. ang bawat grade level ng mga batang kabilang sa JRED upang matiyak na ang kanilang matatanggap na school supplies ay naaayon sa kanilang pangangailangan sa darating na pasukan.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa mga mamamayan ng JRED Abuab sa kanilang suporta, pakikiisa, at pag-assist sa ating barangay upang maging maayos at matagumpay ang gawaing ito. Ang inyong pakikipagtulungan ay malaking bahagi ng tagumpay ng programang ito para sa ating mga kabataan.
Patunay ito ng patuloy na malasakit at suporta ng ating pamunuan sa edukasyon at kapakanan ng bawat batang mag-aaral sa ating komunidad.
Mula sa inyong Barangay, hangad namin ang isang ligtas, masaya, at matagumpay na pagbabalik-eskwela para sa lahat. β€οΈ