29/08/2026
PUBLIC ADVISORY
Para sa Kaligtasan at Seguridad ng San Miguel National High School
Sa mga minamahal naming magulang, estudyante, g**o, at buong komunidad ng San Miguel:
Kaugnay ng naiulat na banta hinggil sa posibleng pamamaril sa San Miguel National High School, nais ipabatid ng San Miguel Municipal Police Station na ang nasabing impormasyon ay agad nang nai-report sa kinauukulang awtoridad at na-refer na sa Cybercrime Unit para sa kaukulang imbestigasyon at pagtukoy sa pinagmulan ng banta.
Kasabay nito, nagsasagawa na ang kapulisan ng mga kinakailangang security measures, police visibility, monitoring, at coordination kasama ang pamunuan ng paaralan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at school personnel.
Nais naming bigyang-katiyakan ang ating mga magulang at estudyante na seryoso naming tinututukan ang usaping ito. Nakaantabay ang kapulisan sa paaralan upang magbigay ng seguridad at agarang tumugon kung kinakailangan.
Hinihiling namin sa publiko na manatiling kalmado at mapagmatyag at iwasang magpakalat ng hindi beripikado o nakakaalarmang impormasyon. Ang anumang bagong impormasyon o kahina-hinalang aktibidad ay dapat agad na i-report sa mga awtoridad.
Sa ating mga magulang, makakaasa kayo na ginagawa ng kapulisan at ng pamunuan ng paaralan ang mga kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang ating mga anak.
Kaligtasan ng ating mga mag-aaral ang aming pangunahing prayoridad.
SAN MIGUEL MUNICIPAL POLICE STATION
Ligtas na Paaralan, Ligtas na Komunidad.
PUBLIC ADVISORY
Para sa Kaligtasan at Seguridad ng San Miguel National High School
Sa mga minamahal naming magulang, estudyante, g**o, at buong komunidad ng San Miguel:
Kaugnay ng naiulat na banta hinggil sa posibleng pamamaril sa San Miguel National High School, nais ipabatid ng San Miguel Municipal Police Station na ang nasabing impormasyon ay agad nang nai-report sa kinauukulang awtoridad at na-refer na sa Cybercrime Unit para sa kaukulang imbestigasyon at pagtukoy sa pinagmulan ng banta.
Kasabay nito, nagsasagawa na ang kapulisan ng mga kinakailangang security measures, police visibility, monitoring, at coordination kasama ang pamunuan ng paaralan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at school personnel.
Nais naming bigyang-katiyakan ang ating mga magulang at estudyante na seryoso naming tinututukan ang usaping ito. Aktibong naka alerto, nakatutok, at nagroronda ang kapulisan sa mga paaralan upang magbigay ng seguridad at agarang tumugon kung kinakailangan.