Sangguniang Kabataan ng Brgy. Lambakin

Sangguniang Kabataan ng Brgy. Lambakin “Kaisa ng bawat Kabataan, Kaagapay tungo sa Kaunlaran”

Pamamahagi ng Printer para sa Day Care Center.Bilang bahagi ng patuloy na suporta ng Sangguniang Kabataan sa edukasyon a...
16/08/2026

Pamamahagi ng Printer para sa Day Care Center.

Bilang bahagi ng patuloy na suporta ng Sangguniang Kabataan sa edukasyon at mga programa para sa kabataan, namahagi ang SK ng printer para magamit ng ating Day Care Center sa kanilang mga learning materials, dokumento, at iba pang pangangailangan sa pagtuturo.

Layunin ng proyektong ito na makatulong sa mga Day Care workers at mas mapadali ang paghahanda ng mga kagamitang makatutulong sa pagkatuto ng mga bata.

07/08/2026

📢NAWAWALANG CELLPHONE

Baka po may nakapulot ng cellphone HONOR X9a, green ang likod at may black na one-piece case. Posible pong nahulog sa rutang Lambakin – Pitong Gatang – Sta. Lucia.

Kung may nakakita o nakapulot po, sana maibalik. P**imessage na lang po ang ating SK Brix Santos Sioson anumang oras kung may impormasyon.

Maraming salamat po!

🎓 Binabati ka namin, Jopay Cardiño!Taos-pusong pagbati sa iyong pagtatapos bilang Bachelor of Science in Hospitality Man...
09/07/2026

🎓 Binabati ka namin, Jopay Cardiño!

Taos-pusong pagbati sa iyong pagtatapos bilang Bachelor of Science in Hospitality Management. Ipinagmamalaki namin ang iyong tagumpay at nawa’y magpatuloy kang maging inspirasyon sa ating kapwa kabataan.

Mula sa iyong Sangguniang Kabataan ng Lambakin, taos-puso kaming bumabati sa iyo. Hangad namin ang iyong patuloy na tagumpay. Mabuhay ka!

Bilang bahagi ng aming adhikain na mapanatili ang kalusugan ng mga kabataan, ang Sangguniang Kabataan, katuwang ang Sang...
07/07/2026

Bilang bahagi ng aming adhikain na mapanatili ang kalusugan ng mga kabataan, ang Sangguniang Kabataan, katuwang ang Sangguniang Barangay, ay mamamahagi ng libreng bitamina para sa mga bata sa ating barangay. Maaaring makuha ang libreng bitamina sa Barangay Health Center.

Nawa’y makatulong ito sa pagpapanatili ng kanilang mabuting kalusugan at maayos na paglaki. Inaanyayahan namin ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak at samantalahin ang programang ito para sa mas malusog na kinabukasan ng ating kabataan.

Oras na para ipakita ang tapang, disiplina, at puso ng ALL STAR LAMBAKIN! Sama-sama nating suportahan ang ating koponan ...
30/06/2026

Oras na para ipakita ang tapang, disiplina, at puso ng ALL STAR LAMBAKIN!

Sama-sama nating suportahan ang ating koponan habang hinaharap nila ang pinakamahalagang laban.

📍Pinambaran Covered Court
⏰ 6:00pm

Isang barangay, isang suporta, isang hangarin—ANG KAMPEONATO! 🏆🔥

LET'S GO, ALL STAR LAMBAKIN! 💪

📢 MAGANDANG HAPON!P**i print ang form na ito. Para po ito sa mga magpapasa pa ng requirements para sa scholarship. P**i-...
18/06/2026

📢

MAGANDANG HAPON!

P**i print ang form na ito. Para po ito sa mga magpapasa pa ng requirements para sa scholarship. P**i-fill out na rin po nang kumpleto at ipasa hanggang Monday na lamang.

Para sa mga COLLEGE STUDENTS na MINOR, pakidagdag din po ang mga sumusunod na requirements:

* COR o COE
* Barangay Indigency
* Xerox ng valid government-issued ID ng student
* Xerox ng valid government-issued ID ng parent/guardian
* 1 pirasong 2×2 picture

Maraming salamat po!

Address

Lambakin
San Miguel
3011

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Brgy. Lambakin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share