15/05/2026
MAYO 15, 2026 — PUBLIC HEARING
Isinagawa ang Public Hearing hinggil sa 2026 Proposed Revision of Municipal Revenue Code ng San Miguel na dinaluhan ng inyong lingkod, Vice Mayor Gerome “Jhong” Reyes kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Ama at Ina ng Barangay, business owners, mga organisasyon, at mamamayan ng San Miguel.
Layunin ng naturang pagdinig na mapakinggan ang mga opinyon, mungkahi, at pananaw ng iba’t ibang sektor upang masiguro na ang mga pagbabagong isasagawa sa Municipal Revenue Code ay magiging makatarungan, maayos, at makabubuti para sa buong sambayanan ng San Miguel. Patuloy ang pagkakaisa at pakikiisa tungo sa mas maunlad at mas progresibong bayan.