Public Market Office of San Miguel Bulacan

Public Market Office of San Miguel Bulacan Pamilihang Bayan ng San Miguel, Bulacan
•Page managed by the Office of the Public Market Master•

🎉 MALIGAYANG KAARAWAN! 🎂HON. CONGRESSMAN MARK CHOLO VIOLAGOTaos-pusong pagbati mula saSAN MIGUEL MARKET OFFICENawa’y pat...
28/08/2026

🎉 MALIGAYANG KAARAWAN! 🎂

HON. CONGRESSMAN MARK CHOLO VIOLAGO

Taos-pusong pagbati mula sa
SAN MIGUEL MARKET OFFICE

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, tagumpay, at biyaya sa inyong buhay at paglilingkod.

Mahigpit na Pagpapatupad ng Patakaran at Rehabilitasyon ng Pampublikong PamilihanSa tulong ng ating masipag na Mayor B**...
13/08/2026

Mahigpit na Pagpapatupad ng Patakaran at Rehabilitasyon ng Pampublikong Pamilihan

Sa tulong ng ating masipag na Mayor B**g Alvarez, kasama ng ating bagong Market Master Jester Abu ang MENRO, TMG, BPLO at Kapulisan sa isinagawang pagpupulong sa pampublikong pamilihan upang talakayin ang mahigpit at patas na pagpapatupad ng mga alituntunin, gayundin ang mga hakbang para sa rehabilitasyon at pagpapabuti ng ating palengke.

Pagtatalakay patungkol sa patakaran ng paradahan ng motorsiklo at mga sasakyan upang masmapaluwag ang paradahan ng mga mamimili sa ating pamilihang bayan.

Layunin ng mga hakbang na ito na mapanatili ang kalinisan, kaayusan, kaligtasan, at maayos na pamamalengke para sa ating mga tindero, mamimili, at buong komunidad.

Sa pagtutulungan ng pamahalaan, mga nagtitinda, at mamamayan, makakamit natin ang isang mas maayos, malinis, ligtas, at modernong pampublikong pamilihan. 🤝🏪

Disiplina at pagtutulungan para sa mas maunlad na Pampublikong Pamilihang Bayan!

PAUNAWA SA LAHAT NG MGA MANININDA AT NEGOSYANTESINIMULAN ANG PAG IIKOT NGAYONG ARAW SA METRO BAYAN Mahigpit pong ipinatu...
21/07/2026

PAUNAWA SA LAHAT NG MGA MANININDA AT NEGOSYANTE

SINIMULAN ANG PAG IIKOT NGAYONG ARAW SA METRO BAYAN

Mahigpit pong ipinatutupad ng San Miguel Public Market ang regular na pag-iikot at inspeksyon upang matiyak ang kaayusan, kalinisan, at maayos na pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa sa loob at paligid ng palengke.

📌 Kaugnay nito, mahigpit pong ipinagbabawal ang mga sumusunod:

❌ Pagtitinda sa labas ng public market
❌ Pagtitinda sa tabi o harap ng mga establisimyento o tindahan na nakahahadlang sa pagdaan ng mga mamimili at sasakyan.
❌ Pagnenegosyo nang walang kaukulang Mayor’s/Business Permit at iba pang kinakailangang dokumento.

Ang sinumang mapapatunayang lumalabag ay sasailalim sa kaukulang aksyon alinsunod sa umiiral na mga ordinansa at regulasyon ng Pamahalaang Bayan. At bibigyan ng kaukulang parusa ang lalabag.

Hinihikayat po namin ang lahat ng mga manininda at negosyante na makiisa upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at maayos na operasyon ng ating pamilihang bayan.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

San Miguel Public Market
Market Office

10/07/2026
Maligayang KaarawanSa aming nag-iisang Budget Officer, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pinakamainit na pagbati sa...
10/07/2026

Maligayang Kaarawan

Sa aming nag-iisang Budget Officer, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pinakamainit na pagbati sa inyong kaarawan.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon, integridad, at mahusay na pamumuno. Ang inyong sipag at malasakit sa paglilingkod ay tunay na inspirasyon sa aming lahat.

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at masaganang biyaya. Hangad namin ang higit pang tagumpay sa inyong propesyon at walang hanggang kaligayahan kasama ang inyong pamilya at mga mahal sa buhay.

Nawa'y maging makulay, masaya, at puno ng pagpapala ang inyong espesyal na araw.

Happy Birthday, Ma'am Cristy Mangaluz! 🎉

17/06/2026
17/06/2026

video by GPMoto - BYAHE TAYO

02/06/2026

PAUNAWA
PARA SA LAHAT NG MAMIMILI AT NAGTITINDA SA PAMPUBLIKONG PALENGKE

Bilang pakikiisa sa programa ng pamahalaan Ng Bayan ng San Migue lpara sa pangangalaga ng kalikasan at upang mabawasan ang lumalalang problema sa basura, lalo na ang mga plastik na nagdudulot ng polusyon sa ating kapaligiran, ang paggamit at pamimigay ng single-use plastic bags sa loob ng Pampublikong Palengke ay mahigpit nang ipinagbabawal

Ang hakbang na ito ay naglalayong mabawasan ang dami ng basurang plastik na karaniwang itinatapon at bumabara sa mga kanal, estero, at iba pang daluyan ng tubig na nagiging sanhi ng pagbaha at pagkasira ng kalikasan. Nais din nitong hikayatin ang bawat mamamayan na maging responsable sa kanilang pamimili at paggamit ng mga materyales na makatutulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran para sa susunod na henerasyon.

Kaugnay nito, hinihiling sa lahat ng mamimili na magdala ng sarili nilang mga lalagyan at reusable na kagamitan sa tuwing mamimili sa palengke. Maaaring gamitin ang mga sumusunod:

*Eco Bag o Reusable Bag
para sa mga tuyong produkto at pangkalahatang pinamili;
*Bayong bilang
* tradisyunal at matibay na alternatibo sa plastik;
Microwavable o Reusable Food Containers para sa karne, isda, lutong pagkain, at iba pang produktong nangangailangan ng ligtas na lalagyan;
*Fish Net Bag o Mesh Bag para sa mga gulay, prutas, at iba pang sariwang produkto;
*Reusable Plastic Containers na may Takip para sa mga produktong may sabaw o likido;
Basket o Iba Pang Matitibay na Lalagyan na maaaring gamitin nang paulit-ulit.

Pinapaalalahanan din ang lahat ng nagtitinda na huwag nang magbigay o gumamit ng single-use plastic bags sa kanilang mga mamimili. Sa halip, hikayatin ang mga mamimili na magdala ng sariling lalagyan o gumamit ng mga alternatibong reusable at environment-friendly na materyales.

Ang kooperasyon ng bawat isa ay mahalaga upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang ating pampublikong palengke. Sa pamamagitan ng simpleng pagdadala ng sariling lalagyan, malaki ang maitutulong natin sa pagbabawas ng basura at sa pangangalaga ng ating kalikasan.

Makiisa sa kampanyang:

"MAGDALA NG SARILING LAGAYAN, IWASAN ANG PLASTIKAN!"
"ECO BAG, BAYONG, CONTAINER AT FISH NET ANG DALHIN SA PALENGKE."

Ang mahigpit na pagpapatupad ng patakarang ito ay para sa kapakanan ng lahat at ng ating kapaligiran.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at patuloy na suporta.

Address

San Jose
San Miguel
3011

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Public Market Office of San Miguel Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share