31/05/2026
31 May 2026
Bilang bahagi ng Social, Environmental, and Humanitarian Support Activities (SEHSA) Program ng Bureau of Fire Protection — isang programang naglalayong isulong ang malasakit sa komunidad, pangangalaga sa kalikasan, at pagtulong sa mamamayan — matagumpay na nagsagawa ang mga personnel ng San Miguel Fire Station ng pag-aani at pamamahagi ng pechay na itinanim at inalagaan sa loob ng himpilan.
Ang mga naaning gulay ay ipinamahagi sa ilang miyembro ng komunidad bilang simpleng tulong at pakikiisa. Sa pamamagitan ng gawaing ito, naipapakita ang kahalagahan ng pagtutulungan, wastong pangangalaga sa kapaligiran, at pagbibigay-serbisyo hindi lamang sa panahon ng emerhensiya kundi maging sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mamamayan.
Sa pamumuno ni SFO2 Jose T Alcantara, patuloy na isinusulong ng San Miguel Fire Station ang mga programang nagbibigay ng pag-asa, malasakit, at positibong epekto sa komunidad.
“Sa bawat tanim, may buhay na naaalagaan. Sa bawat ani, may pusong napapasaya.”
Sa oras ng sunog o anumang sakuna, magtext o tumawag sa mga sumusunod na emergency hotline numbers:
𝗕𝗙𝗣 𝗦𝗮𝗻 𝗠𝗶𝗴𝘂𝗲𝗹, 𝗖𝗮𝘁𝗮𝗻𝗱𝘂𝗮𝗻𝗲𝘀 : 0938-358-8690
𝗣𝗡𝗣 𝗦𝗮𝗻 𝗠𝗶𝗴𝘂𝗲𝗹, 𝗖𝗮𝘁𝗮𝗻𝗱𝘂𝗮𝗻𝗲𝘀 : 0999-444-0885
𝗠𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢 𝗦𝗮𝗻 𝗠𝗶𝗴𝘂𝗲𝗹, 𝗖𝗮𝘁𝗮𝗻𝗱𝘂𝗮𝗻𝗲𝘀:
TNT : 0946-2892-614
Globe: 0927-6275-500
Email Ad: [email protected]
Maaari rin kayong mag e-mail sa 𝘀𝗮𝗻𝗺𝗶𝗴𝘂𝗲𝗹𝗳𝘀@𝘆𝗮𝗵𝗼𝗼.𝗰𝗼𝗺 o mag chat sa facebook/messenger ng 𝗕𝗳𝗽 𝗦𝗮𝗻 𝗠𝗶𝗴𝘂𝗲𝗹 𝗖𝗮𝘁𝗮𝗻𝗱𝘂𝗮𝗻𝗲𝘀 See less See less See less See less See less