Sangguniang Kabataan ng Barangay Calwit

Sangguniang Kabataan ng Barangay Calwit ˢᴷ ᶜᴴᴬᴵᴿᴹᴬᴺ ᴷᴳᴳ. ᴱᴿᴺᴱˢᵀ ᴶᴬᴺᴿᴵᶜᴷ ᴬ. ᵀᵁᴹᴬᴸᴬ
𝘞𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘨𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘴𝘦𝘳𝘣𝘪𝘴𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘯𝘢𝘺 𝘢𝘵 𝘵𝘢𝘱𝘢𝘵.🤎

LINGGO NG KABATAAN 2026 📅 August 21–23, 2026Theme: "Different Contexts, Common Aspirations."Mga Kabataan ng Barangay Cal...
05/08/2026

LINGGO NG KABATAAN 2026
📅 August 21–23, 2026

Theme: "Different Contexts, Common Aspirations."

Mga Kabataan ng Barangay Calwit, tara na at makiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026!

Ang selebrasyong ito ay pagkakataon upang maipakita ang ating talento, kakayahan, pamumuno, at aktibong pakikilahok sa komunidad.

Sama-sama nating ipagdiwang ang pagiging kabataan sa pamamagitan ng mga makabuluhan at masayang aktibidad na inihanda ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Calwit.

Para sa mga nais sumali sa 1-Day Seminar, makipag-ugnayan lamang sa inyong SK Officials o mag-register sa aming registration link.

Paalala: Limitado lamang ang slots para sa seminar, kaya magparehistro na agad!

Tara na, Kabataang Calwit! Makiisa, makilahok, at maging bahagi ng isang makabuluhang Linggo ng Kabataan 2026! 💙💛❤️

LINGGO NG KABATAAN CELEBRATION  2026 REGISTER NOW! Inaanyayahan ang lahat ng KK Members na may edad 15–30 taong gulang n...
31/07/2026

LINGGO NG KABATAAN CELEBRATION 2026
REGISTER NOW!

Inaanyayahan ang lahat ng KK Members na may edad 15–30 taong gulang na sumali sa mga inihandang aktibidad bilang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026.

📝 Mag-register sa ibinigay na registration link sababa o makipag-ugnayan sa inyong SK Officials.

⚠️ Paalala: May ilang aktibidad na limitado lamang ang bilang ng mga kalahok, kaya magparehistro agad upang makasiguro ng slot.

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdHn7woEKxLW8qkHoDE7Ej8L_35l4Fml_EOH0gTSfXcwP7XzQ/viewform?usp=dialog

Warmest greetings to **SK Councilor Mildred Abadilla Bacal! 🥳On behalf of the **Sangguniang Kabataan of Barangay Calwit*...
23/07/2026

Warmest greetings to **SK Councilor Mildred Abadilla Bacal! 🥳

On behalf of the **Sangguniang Kabataan of Barangay Calwit**, we extend our heartfelt congratulations and best wishes to you. May you continue to be blessed with good health, wisdom, strength, and unwavering passion as you serve the youth and the entire community.

Thank you for your dedication, hard work, and sincere commitment to making a positive difference. Your leadership, compassion, and determination inspire others to work together in building a stronger and more empowered community.

May this special occasion bring you abundant joy, countless blessings, and continued success in all your endeavors. We wish you many more years of meaningful service, happiness, and fulfillment.

Once again, warmest greetings and best wishes from the Sangguniang Kabataan of Barangay Calwit. May God continue to guide and bless you always.

𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝟮𝟬𝟮𝟲 | Feeding ProgramBilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month 2026 na may temang “Sa PPAN: Sa...
18/07/2026

𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝟮𝟬𝟮𝟲 | Feeding Program

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month 2026 na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat”

“Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!”,

matagumpay na nagsagawa ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Calwit ng isang payak ngunit makabuluhang Feeding Program noong Hulyo 18, 2026.

Sa pamamagitan ng programang ito, 200 mahigit na bata ang aming naabot at nabigyan ng simpleng pagkain bilang simbolo ng aming malasakit at suporta sa kanilang kalusugan at tamang nutrisyon.

Personal na nagtungo ang mga opisyal ng SK, kasama ang Community Leadership Organization For Cooperative and Knowledgeable Youth ( C.L.O.C.K)at mga Volunteer , sa mga itinalagang lugar sa barangay upang matiyak na maihahatid ang serbisyong ito sa mga batang higit na nangangailangan. Bagama’t limitado ang aming pondo, ginawa namin ang aming makakaya upang maabot ang mas maraming kabataan at maipakita na ang bawat simpleng pagtulong ay may malaking epekto sa komunidad.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang at mga bata na naging bahagi ng programang ito. Gayundin, lubos ang aming pasasalamat sa Sangguniang Barangay ng Calwit sa kanilang suporta at pakikiisa sa adhikaing mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng ating mga kabataan.

Sama-sama nating isulong ang wastong nutrisyon para sa mas malusog, mas matatag, at mas maliwanag na kinabukasan ng bawat batang Calwitin!

🏀
06/07/2026

🏀

04/07/2026
𝐓𝐑𝐄𝐄 𝐏𝐋𝐀𝐍𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘 June 28, 2026 | LinggoAng Sangguniang Kabataan ng Barangay Calwit ay nagsagawa ng Tree Planting A...
28/06/2026

𝐓𝐑𝐄𝐄 𝐏𝐋𝐀𝐍𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘

June 28, 2026 | Linggo

Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Calwit ay nagsagawa ng Tree Planting Activity sa mga itinalagang lugar, partikular sa mga tabing-ilog. Layunin ng programang ito na makapagtanim ng mga puno upang makatulong sa pagpigil ng pagguho ng lupa tuwing may malalakas na pag-ulan, pagbaha, at iba pang kalamidad.

Kasabay nito, namahagi rin ang Sangguniang Kabataan ng mga punla sa mga residente upang maitanim sa kanilang mga bakuran at makatulong sa pagpapalawak ng ating luntiang kapaligiran.

Lubos ang aming pasasalamat Community Leadership Organization for Cooperative and Knowledgeable Youth ( CLOCK) na naging katuwang namin sa programang ito gayon din sa DENR Catanauan sa kanilang suporta at sa pagkakaloob ng 250 punla ng iba’t ibang uri ng puno, kabilang ang maulawin, narra, langka, kape, kalumpit, at marami pang iba. Malaking tulong ang kanilang ipinagkaloob upang maisakatuparan ang programang ito.

Kasabay ng gawaing ito, nananawagan kami sa lahat ng mamamayan, lalo na sa mga kabataan, na makiisa sa mga programang pangkalikasan. Ang bawat punong ating itinatanim ay may malaking ambag sa kinabukasan ng ating komunidad at sa susunod na henerasyon. Sa patuloy na pag-init ng mundo dulot ng climate change, higit nating kailangan ang pagkakaisa sa pangangalaga ng ating kalikasan.

Hinihikayat din namin ang lahat na panatilihing malinis ang ating mga ilog at iba pang likas na yaman. Kung patuloy nating pababayaan ang ating kapaligiran, darating ang panahong tayo rin ang magdurusa sa epekto nito.

Kaya’t sama-sama tayong magtanim ng puno, pangalagaan ang ating kalikasan, at kumilos ngayon para sa isang mas luntian, mas ligtas, at mas maunlad na kinabukasan. 🌱💚

26/06/2026

𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢: 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗜𝗕𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗔𝗥𝗢 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪

Magandang araw po sa lahat.

Nais po naming ipaalam na WALANG LARO NGAYONG ARAW, Hunyo, 26, 2026. Nagkasundo at nag-request ang lahat ng teams, managers, coaches, at players na ipagpaliban muna ang mga laro ngayong araw upang makapagpahinga ang lahat. Dulot ito ng matinding pagod at over-fatigue mula sa sunod-sunod na araw na iskedyul ng ating liga.

Karapatan ng bawat manlalaro ang sapat na pahinga para sa kanilang kalusugan at kaligtasan. Abangan na lamang po ang susunod na anunsyo para sa pagpapatuloy ng ating schedule.

Maraming salamat sa inyong konsiderasyon at pag-unawa!

Address

Brgy Calwit San Narciso Quezon
San Narciso
4313

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Barangay Calwit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category