Barangay San Jose Council - SNP

Barangay San Jose Council  - SNP A unit of administration in Philippine society consisting of from 375 families under a headman

12/10/2021
30/09/2021
08/09/2021

SEPTEMBER 9, 2021
BAKUNA PARA SA LAHAT 💉

Ikaw ba ay residente ng San Nicolas at gusto mo na bang magpabakuna? ITO NA ANG PAGKAKATAON MO! HUWAG NANG PALAMPASIN PA!

Magkakaroon po ng pagbabakuna kontra COVID-19 para sa lahat ng residente ng San Nicolas na gustong mabakunahan. Isang libo (1,000) po ang bakuna na ipapamahagi at ito po ay gaganapin bukas sa ating Municipal Gymnasium mula alas sais ng umaga hanggang alas dos ng hapon lamang (6:00 am to 2:00 pm only).

Pero paano yan, hindi ako kabilang sa A1-A5 priority group. Pwede na ba akong magpabakuna?
OO. PARA SA IYO ITO. Walang problema. Bukas ito para sa lahat ng residente ng San Nicolas na edad labing-walo (18 years old) pataas. Ang hindi pwedeng bakunahan ay edad labing-pito pababa lamang.

Ano ang kailangang dalhin?
Magdala lamang ng isang VALID ID na may address na San Nicolas. Kung walang valid ID, maaaring kumuha voter’s certificate na magpapatunay na ikaw ay residente ng San Nicolas.

Ang vaccination na gaganapin bukas ay first-come, first-served. Kaya ano pang hinihintay mo? Ilaan na ang Miyerkules para sa iyong pagbabakuna. Pagkakataon mo na ito upang mabakunahan lalo na’t patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Magpabakuna na upang maging protektado laban sa matinding banta ng COVID-19! Tayo mismo ang solusyon!

~DRA. ALICE L. PRIMICIAS-ENRIQUEZ




ATM
06/09/2021

ATM

Information, Education and Communication (IEC) on how to avoid the spread of COVID 19 Virus by our Municipal Mayor Alici...
06/09/2021

Information, Education and Communication (IEC) on how to avoid the spread of COVID 19 Virus by our Municipal Mayor Alicia Primicias Enriquez. Thank you for the frontliners supplies.

Relief Goods for those who are quarantined from Barangay Fund and Anonymous Donor
06/09/2021

Relief Goods for those who are quarantined from Barangay Fund and Anonymous Donor

SAFETY SEAL Awarding & Validation by the Inspection unit of the DILG, BFP and PNPAll these help reduce infection rate.
06/09/2021

SAFETY SEAL Awarding & Validation by the Inspection unit of the DILG, BFP and PNP

All these help reduce infection rate.

San Jose Checkpoint
01/09/2021

San Jose Checkpoint

FYI
28/08/2021

FYI

26/08/2021

PROVINCE-WIDE CURFEW HOURS

Sa bisa ng Provincial Executive Order No. 0090-2021, mahigpit na ipinatutupad sa bayan ng San Nicolas at sa buong lalawigan ng Pangasinan ang curfew hours mula alas otso ng gabi hanggang alas kwatro ng umaga (8:00 PM to 4:00 AM). APORs at emergency cases lamang po ang exempted sa curfew period na ito.

Ang sinumang lalabag ay mapapatawan ng mga sumusunod na multa/parusa:
FIRST OFFENSE - Multang di bababa sa PHP 2,000 at/o labindalawang (12) oras ng Community Service na binubuo ng paglilinis at pagwawalis ng paligid, bukod sa iba pa.

SECOND OFFENSE - Multang di bababa sa PHP 3,000 o pagkakabilanggo ng hindi hihigit sa tatlumpong (30) araw o parehas, depende sa pagpapasya ng korte.

THIRD AND SUBSEQUENT OFFENSES - Multang di bababa sa PHP 5,000 o pagkakabilanggo ng hindi hihigit sa anim (6) na buwan o parehas, depende sa pagpapasya ng korte.

Hinihiling ng lokal na pamahalaan ang inyong pagsunod at pagtalima sa ordinansang ito.

Maraming salamat po.


Address

San Nicolas
2447

Telephone

+639477249070

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay San Jose Council - SNP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share