02/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐; ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Mula sa makulay na Unity Walk hanggang sa palakasan, sining at pampublikong pagpapahayag, ipinamalas ng kabataan ng San Nicolas ang kanilang talento, tinig at pagkakaisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026 na may temang โDifferent Context, Common Aspirations.โ
Pinangunahan ng Sangguniang Kabataan at Local Youth Developmeng Office ang mga aktibidad na nagtipon sa mga kabataan mula sa ibaโt ibang barangay at paaralan, na may layuning lumikha ng espasyo kung saan maaari nilang maipakita ang kanilang kakayahan, pananaw, at mga mithiin para sa kanilang komunidad.
Kabilang sa programa ang Unity Walk at Noise Barrage, na sinundan ng mga mensahe mula kina SK Federation President Gian Jethro U. Manansala, Local Youth Development Officer Designate Edrin Derick C. Boncille, Vice Mayor Maricon Vindy A. Operaลa, at Mayor Alicia Primicias-Enriquez.
Nagbigay rin ng mensahe ang panauhing tagapagsalita na si Lorenzo T. Sabinay, Instructor I ng PSUโSta. Maria Campus, na nagbigay-diin sa papel ng kabataan sa paghubog ng kanilang kinabukasan at komunidad.
Mas pinasigla pa ang selebrasyon sa pamamagitan ng Sports League sa badminton, chess, table tennis at pickleball, gayundin ng Youth Art Day na tampok ang Tugsayawit, Dagliang Talumpati at Drag Queen competition.
Lumahok ang mga mag-aaral mula sa siyam na paaralan sa San Nicolas, habang ang Open League ay binuo ng mga kabataang nagmula sa ibaโt ibang barangay.
Magkakaiba man ang kanilang pinanggagalingan, iisa ang kanilang hangarin: isang mas aktibo, malikhain, at nagkakaisang kabataan na may mahalagang ambag sa kinabukasan ng San Nicolas.