22/08/2026
DENGUE AWARENESS CAMPAIGN
BARANGAY TAKTAK๐ฆ๐ฆ๐ฆ
โTAKTAK: TAOB, TAKIP, TAKBO โ Sama-Samang Pagkilos para sa Dengue-Free na Pamayananโ
Sa pangunguna ni Hon. Vilma D. Castro, Committee Chairperson on Health, Vice chairman Hon. Angelita Canale at katuwang ang Barangay Health Team (BHT), ang Barangay TAKTAK ay patuloy na nagsusulong ng mga hakbang para sa pag-iwas at pagkontrol sa dengue sa ating komunidad.
Hinihikayat ang bawat residente na isagawa ang TAOB sa mga lalagyan na maaaring pamugaran ng lamok, TAKIP sa mga imbakan ng tubig, at TAKBO tungo sa maagap at responsableng pagkilos laban sa dengue.
Ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran at regular na pag-aalis ng mga posibleng pamugaran ng lamok ay mahalagang bahagi ng pangangalaga sa kalusugan ng bawat pamilya.
Sa patuloy na pakikipagtulungan ng Committee on Health, Barangay Health Team, at buong pamayanan, makakamit natin ang isang mas ligtas, malinis, at dengue-free na Barangay TAKTAK.
TAKTAK: TAOB. TAKIP. TAKBO.
Sama-sama para sa Kalusugan, Kaligtasan, at Kapakanan ng Bawat Mamamayan.