11/07/2026
Sa patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng San Nicolas na mapanatili ang kaligtasan ng publiko at maprotektahan ang mga pampublikong imprastraktura laban sa epekto ng malalakas na pag-ulan, nagsagawa ng Drainage Declogging and Clearing Operation sa kahabaan ng National Road sa pangunguna ni Hon. Lester D. De Sagun, Municipal Mayor MDRRMC Chariman at mga kawani ng MDRRMO, Brgy Captain Joey Divino. Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay , mga kawani ng pamahalaang bayan, at mga boluntaryong residente.
Layunin ng operasyon na alisin ang mga naipong putik, damo, basura, at iba pang sagabal sa mga drainage canal at culvert upang maibalik ang maayos na daloy ng tubig-ulan at maiwasan ang pagbaha sa mga kalsada at kalapit na komunidad.
Bilang resulta ng operasyon, matagumpay na nalinis at nabuksan ang mga baradong daluyan ng tubig, na nakatutulong upang mabawasan ang panganib ng pagbaha at pagkasira ng mga kalsada, drainage structures, at iba pang pampublikong pasilidad. Ang gawaing ito ay mahalaga sa pangangalaga ng mga imprastrakturang itinayo ng pamahalaan at sa pagpapahaba ng kanilang serbisyo para sa kapakinabangan ng mamamayan.
Higit sa lahat, ipinakita ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan, mga opisyal ng barangay at ng komunidad sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan at kahandaan laban sa mga sakuna. Ang sama-samang pagkilos na ito ay patunay ng dedikasyon ng pamahalaan sa pagbibigay ng ligtas at matatag na kapaligiran para sa lahat ng mamamayan ng bayan ng San Nicolas.