10/04/2026
๐๐จ๐ฌ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ฒ๐๐ง, ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐๐๐๐๐ฐ! ๐๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ญ ๐๐๐ฆ๐๐ฌ๐ญ๐๐ซ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฆ๐๐ฅ๐ฒ, ๐๐๐ญ๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ง ๐๐ข๐๐จ๐ฅ๐๐ฌ!
Matagumpay na isinagawa ang first semester barangay assembly sa 33 barangay sa bayan ng San Nicolas nitong Marso. Sa ilalim ng temang," Nagkakaisang barangay tungo sa kalinisan, kausayan, kapayapaan at kaunlaran." nakatuon ito sa "matino, mahusay, at maasahan" na paglilinkod ng bawat opisyal sa kanilang mga nasasakupan.
Naging daan ito upang magtipon-tipon ang mga residente at mga opisyal ng barangay na ibinida ang kanilang mga tagumpay sa kanilang mga barangay at linawin ang mga isyu at suhestiyon mula sa mga residente.
Dinaluhan naman ito ng iba't-ibang mga personalidad kagaya ng mga konsehal, mula sa hanap ng pulisya, mula sa BFP, at mula sa ibang departamento ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas.
Nagpa-abot naman ng mensahe si ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐จ๐ฌ๐ ๐. ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง, ๐๐ซ., Municipal Local Government Operations Officer ng kanyang taos - pusong pagbati para sa lahat ng barangay. Nawa'y ipagpatuloy ang pagiging lingkod bayang walang kinikilingan kundi para sa ikakabuti ng lahat at pasasalamat sa walang sawang pagsuporta at pagsasagawa sa lahat ng PPAs ng DILG katulad ng Barangay Road Clearing Operations (BaRCO), Kalinisan, at Halina't Magtaning ng Gulay at Prutas (HAPAG), First Time Job Seeker (FTJS) at maraming pang iba.
Sa lahat ng dumalo at makisali sa first semester barangay assembly 2026, maraming salamat. Kita-kita po tayo ulit sa second sem.