Gintong Balanghai

Gintong Balanghai Opisyal na Pahayagang Pangkampus sa Filipino ng Felix Amante Senior High School ⛵🦅🖋️

ABRIL - MAYO 2024Mahal kong FASHSians,Natapos man ang taunang panuruan ng 2023-2024, hindi naman dito matatapos ang pagl...
01/06/2024

ABRIL - MAYO 2024

Mahal kong FASHSians,

Natapos man ang taunang panuruan ng 2023-2024, hindi naman dito matatapos ang paglilingkod ng mga mamamahayag ng Felix Amante Senior High School.

Hindi kami matitinag sa paglalahad ng mga kaganapan, katotohanan, isyu, paglalathala, at balita sa loob at labas ng ating mahal na paaralan.

Narito ang kabuuan ng mga pangyayari sa ating panuruan bago matapos ang taon.

Ako si SUSON, ay hindi nagpapaalam sa samahan ng mga peryodista at mamamahayag ng pluma. Patuloy akong maglilingkod at hindi pasisiil sa mga bagong hamon ng paligid.

Hindi ito ang katapusan ng dyaryo ng felix, ito ang simula ng mas maingay at mas malakas na tilaok ng tinig ng Falcon.

Salamat, FASHSians. Salamat mga g**o at tagapagsanay. Salamat, The Spectrum. Salamat, Gintong Balanghai— Pagpugay, sa Chryso Fasma.

Hanggang sa muling edisyon, Falcons!

Nagmamahal,
SUSON

Marso 2024Mahal kong Falcons,Bago matapos ang buwan ng Marso, nais kong ipamahagi kasama ng kapwa ko mga manunulat sa Ch...
31/03/2024

Marso 2024

Mahal kong Falcons,

Bago matapos ang buwan ng Marso, nais kong ipamahagi kasama ng kapwa ko mga manunulat sa Chryso Fasma (Samahan ng Gintong Balanghai at The Spectrum) ang kabuoan ng mga mahahalagang balitang naganap sa loob ng ating paaralan.

Samahan ninyo kaming tuklasin ang buhay ng FASHS ngayong buwan bago pilasin ang pahina ng Marso sa kalendaryo.

Hayaan ninyong tulungan namin kayong mamulat, matuto, at mabigyan ng kaalaman sa mga isyu, pangyayari, at eksana sa mahal nating eskwelahan.

Hanggang sa susunod na edisyon ng aming pahayagan. Para sa bayan bilang boses ng GenZ sa katotohanan.

Nagmamahal,
SUSON

PEBRERO 2024Mahal kong Falcons,Sa pagpunit natin ng buwan ng Pebrero sa'ting mga kalendaryo, narito ang mga balita, isyu...
06/03/2024

PEBRERO 2024

Mahal kong Falcons,

Sa pagpunit natin ng buwan ng Pebrero sa'ting mga kalendaryo, narito ang mga balita, isyu, at kaganapan sa loob ng paaralan.

Bilang boses ng bawat kabataan sa mahal nating eskwelahan, nagsanib pwersa upang mamayagpag ng mga nag-iinit na balita ang dalawang pahayagan ng Felix Amante Senior High School, ang Gintong Balanghai, at The Spectrum, para sa isang mas pinalakas na paghahatid ng impormasyon— ang Chryso Fasma.

Asahan ninyo FASHSians ang mas hayag, tapat, dilat, at maboses na pagpapahayag sa mga darating na buwan ng ating taong panuruan.

Sa ngayon, halina't buksan ang bawat pahina kasabay ng ating mga mata ang unang isyu ng Chryso Fasma.

Nagmamahal,

SUSON
Punong Patnugot

Para sa lahat,Masaya naming ibinabahagi sa inyo ang tagumpay at mga karangalang nakamit ng mga manunulat ng pinakamamaha...
19/02/2024

Para sa lahat,

Masaya naming ibinabahagi sa inyo ang tagumpay at mga karangalang nakamit ng mga manunulat ng pinakamamahal nating paaralang Felix Amante Senior High School sa nagdaang Division Schools Press Conference matapos hakutin ang mga parangal sa paggsulat at pagbuo ng pahayagan.

Isang malaking pagbibigay pugay para sa pinakadakila nating Poong Maykapal sa paggabay sa aming biyahe at sa punongg**o ng aming paaralan, Gng. Jayzel Mariz M. Tangkeko sa walang sawang suporta.

Sa mga g**o na nakasama namin at naghubog ng aming kaalaman, Gng. Lorelie G. Alcantara, Gng. Jan Lois U. Zamora, Gng. Venus B. Alamag, at Gng. Lorvena Bondoc, mahal po namin kayo!

Kay Gng. Recy N. Castillo— aming School Paper Adviser, maraming maraming salamat po sa mga pagsama, pagtulong, at walang sawang pagtatama sa mga mali namin sa dyaryo.

Salamat din po G. Jezreel B. Punto sa mahaba ninyong pasensiya. Sa mga pagsama ninyo sa amin at pagbibigay ng maraming katuruan, isang malaking utang na loob po iyon ng bawat isa sa amin.

Ang Spectrum, na kasama naming bumyahe mula sa kabilang papel, isang malaking karangalan na makasama kayo at isang pagbati rin sa inyong panalo!

At sa atin mga peryodista ng Balanghai;
John Kenneth B. Reyes - Suson
(Punong Patnugot?)

Danielle Audrey Beyosano- Pluma
(Katuwang na Patnugot)

Jamaela G. Larita - Sinagtala
(Tagapangasiwang Patnugot)

Triscia Cassandra C. Gapunay- Callista
(Kalihim na Patnugot)

Rainne Kirby Thimoteo D. Obien - Tina
(Patnugot sa Balita)

Mary Shainelle P. Ramos - Yram
(Patnugot sa Kolum)

Tenshi Leoraine B. Capili- Diez
(Patnugot sa Lathalain)

Reign Ira P. Gapangada- Kinaadman
(Patnugot sa Agham-Teknolohiya)

Elaiza Mae C. Salmasan - Kalinaw
(Patnugot sa Isports)

Jhon Mark B. Azores - Hiraya
(Debuhista)

Jhuryz P. Bulahan - Humyad
Tam Cyra C. Asistin - Rosamie
Aranguren, Shaira Pauleen C. - Ariahs
(Maniniyot)

Leonard F. Napire- Dilan
(Taga-anyo ng Pahina)

Sofia Grace B. Tonding - Hirayaluna
Dashmire D. De Barra - Silakbo
(Tagasulat ng Balita)

John Paul C. Donato- Elio
(Tagasulat ng Editoryal )

Clarisse C. Gutierrez- Asulensya
(Tagasulat ng Agham at Teknolohiya)

Panalo natin ito. Salamat sa isang masaya at magulong biyahe na pinagsamahan natin ng ilang buwan.

Sa mga taong hindi namin nabanggit, salamat din po.

Sa lahat ng naniwala at sumama sa paglayag ng ginintuang balanghai, salamat po!

Hindi pa ito ang pagbaba namin sa balanghai, simula pa lamang na mas malayong paglalakbay.

Nagmamahal,
Gintong Balanghai 2023-2024✒️

ENERO 2024Mahal kong Falcons,Kasabay ng pagpasok ng taon, marami na ang pangyayaring naganap sa ating paaralan. Upang ma...
31/01/2024

ENERO 2024

Mahal kong Falcons,

Kasabay ng pagpasok ng taon, marami na ang pangyayaring naganap sa ating paaralan. Upang makasabay sa alon ng panahon at sandamakmak na mahahalagang impormasyon, handog ng Gintong balanghai ang buod ng mga balita, isyu, kwento, at katotohanan sa loob ng paaralan.

Maligayang pagmulat, Falcons

Nagmamahal,
SUSON
Punong Patnugot

Pagbati sa mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan sa ginanap na Division Schools Press Conference sa DEBES, Enero 5-6,2...
06/01/2024

Pagbati sa mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan sa ginanap na Division Schools Press Conference sa DEBES, Enero 5-6,2024.
🥈Ikalawang Pwesto- Collaborative Desktop Publishing
1. John Kenneth B. Reyes- G12 Spolarium
2. Shaira Pauleen C. Aranguren-G12 Spolarium
3. Tenshi Leoraine B. Capili-G11 Shakespeare
4.Rainne Kirby Thimoteo D. Obien-G12 Spolarium
5. Leonard F. Napire-G12 Spolarium
Tagapagsanay: G. Jezreel Punto

🥉Ikatlong Pwesto- Pagsulat ng Balitang Isports
Elaiza Mae Salmasan -G11 Shakespeare
Gurong Tagapagsanay:Gng. Jan Lois Zamora

🥉Ikatlong Pwesto- Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita
Triscia Cassandra Gapunay- G11 Shakespeare
Gurong Tagapagsanay:Gng. Lhorz Alcantara

🥈Ikalawang Pwesto- Pagsulat ng Lathalain
Jamaela Larita- G12- Platinum
Gurong Tagapagsanay:Gng. Lhorz Alcantara

Gurong Tagapayo: Gng. Recy Castillo
Koordineytor: Gng. Lhorz Alcantara
Punongg**o: Gng. Jayzel Mariz Tangkeko


LATHALAIN⛵Sulong, Saya: Mga Eksena Ngayong Brigada Eskwela Hawak ang walis sa kanang kamay kasabay ng pagsalubong ng pan...
16/08/2023

LATHALAIN⛵

Sulong, Saya: Mga Eksena Ngayong Brigada Eskwela

Hawak ang walis sa kanang kamay kasabay ng pagsalubong ng pandakot, taas-babang paggalaw ng mga telang tila kulay abo na, kumpuni dito, linis doon — iskedyul na ng muling pagsasaayos ng ating itinuturing na pangalawang tahanan. Sa nalalapit na pagtutuos sa panibagong taong panuruan, ating tunghayan ang samu't saring eksena ng Felix Amante Senior High School ngayong Brigada Eskwela.

Bayanihan bilang isa sa mga layunin ng programa, ang mga g**o, mag-aaral, at mga organisasyon sa loob at labas ng kampus ay sama-samang kumikilos simula ika-14 hanggang ika-19 ng Agosto upang maisakatuparan ang paghahanda ng paaralan. Hindi lamang dapat nakakulong ang gawain sa paglilinis kaya naman sa loob ng anim na araw ay isinagawa at nagpapatuloy pa rin ang mga gawain na naglalayong magkaroon ng aliw kasabay ng pagpapatibay ng relasyon ng bawat isa. Kabilang na rito ang Kick Off Parade, Zumbrigada, at paglulunsad ng mga programa gaya ng Brigada Pagbasa, Bayanihan, at 4Ps sa unang araw.

Samantala, nariyan din ang mga natatangi at nagbibigay-kaalamang aktibidad ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG). Saklaw ng kanilang mga proyekto ang Merch at Photo Booth, Art Exhibit for a Cause, Seminar, at Finders Keepers kung saan mayroong mga nakatagong premyo sa buong panahon ng pagbibrigada.

Pinamagatang "SILONG: Ang Himpilan ng Bawat Patak ng Kulay," ang Art Exhibit for a Cause ay kasalukuyang matagumpay dahil sa kolaborasyon ng dalisay at malikhaing kakayahan ng mga mag-aaral ng FASHS mula sa Arts and Design at mga samahang Kulay ng Pitong Lawa at Art Lokal. Sa pagpasok ng silid ay masasaksihan ang mga likhang sumasalamin sa kanilang mahuhusay at kahanga-hangang talento at dedikasyon. Ang bawat suporta at donasyong malilikom ay malaki ang maitutulong sa pagpapayabong ng abilidad ng mga estudyante ng ADT.

Bukod sa pagtatanghal ng sining, mayroon ding pagbabahagi ng impormasyon at kamalayan sa sekswalidad at kasarian sa kanilang "Every Color, Every Hue, Exploring SOGIE" seminar sa pangunguna ng guest speaker na si Rendell Laluon, kabilang sa maraming boses para sa inklusibo at pagkakapantay-pantay ng mga kasarian at iba pang saklaw ng lipunan tulad ng edukasyon, kalusugan, pamamahala, at kabataan. Malaki ang maitutulong ng ganitong uri ng seminar tungo sa paghubog at pagpapatibay ng unawa at kaalaman ng tao ukol sa SOGIE.

Hindi rin mawawala ang pagbubukas ng Donation Drive para sa mga nagnanais mag-abot ng mga bagay na mapapakinabangan ng mga g**o at mag-aaral katulad ng mga kasuotang angkop sa paaralan at mga kagamitan sa paglilinis at pag-aaral.

Patunay ang iba-ibang pakulo ng mga organisasyon at tagapangasiwa ng FASHS na ang karaniwang nakakabagot na paglilinis ay maaaring gawing kasiya-siya sa pamamagitan ng pagsulong ng mga kwela at nakaka-engganyong aktibidad. Ang sama-sama at malugod na paglilingkod ay tiyak na magbubunga ng ligtas at maayos na balik-eskwela.

✍️: Sinagtala
📷: from DepEd Tayo - Youth Formation Felix Amante Senior High School 4A

⛵🦅🖋️

BALITA⛵Brigada Eskuwela, inilunsad sa Felix Amante Senior High SchoolSINIMULAN ng mga g**o, mag-aaral at mga organisasyo...
15/08/2023

BALITA⛵

Brigada Eskuwela, inilunsad sa Felix Amante Senior High School

SINIMULAN ng mga g**o, mag-aaral at mga organisasyon sa loob at labas ng paaralan ang Brigada Eskuwela sa Felix Amante Senior High School, Agosto 14, 2023.

"Kailangan ding maging maayos at safe tayong lahat sa paparating na taong panuruan," ani Bb. Kaye Carel, g**ong tagapangasiwa ng SSLG. Layunin ng nasabing aktibidad na maging handa ang paaralan sa nalalapit na pasukan sa Agosto 29, 2023. Layon din nitong magkaroon ng matibay na samahan sa pagitan ng mga g**o at mag-aaral, kasama na rin ang iba pang organisasyon sa loob at labas ng paaralan.

Bilang karagdagan ay nagsulong ng iba pang mga aktibidad ang Supreme Student Learner Government (SSLG) tulad ng Merch Booth, Art Exhibit, Donation Drive at Seminar tungkol sa SOGIE. Ito ay naglalayon ng aktibong pakikilahok sa brigada, magkaroon ng mga mahahalagang kagamitan para sa pag-aaral, maipakita ang talento ng mga mag-aaral sa Arts and Design Track, makalikom ng pondo para sa mga proyekto, at itaguyod ang pang-unawa at pagtanggap sa sekswalidad na nagtataguyod ng mabuting samahan at empatiya sa loob ng komunidad ng paaralan.

Patuloy na isasagawa ang Brigada Eskuwela hanggang sa ika-19 ng Agosto at inaasahang maisakatuparan ito nang maayos.

✍️: Pinunlà

⛵🦅🖋️

"Alagaan ninyo ang batang ito, balang araw ay magiging dakila siya."Ito ang mga salitang winika ni Padre Rufino Collante...
19/06/2023

"Alagaan ninyo ang batang ito, balang araw ay magiging dakila siya."

Ito ang mga salitang winika ni Padre Rufino Collantes, ang kura parokong nagbinyag kay G*t. Jose Rizal noong Hunyo 22, 1861, matapos niyang mapuna ang malaking ulo ng bata na noon ay tatlong araw ang gulang.

Sa araw na ito, ginugunita ng bansa ang ika-162 araw ng kapanganakan ni José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Si Dr. Rizal ay maituturing na isang henyo sa maraming larangan. Siya ay isang doktor, makata, mandudula, mananalaysay, manunulat, arkitekto, pintor, eskultor, edukador, lingguwista, musiko, naturalista, ethnolohista, agremensor, inhinyero, magsasakang negosyante, ekonomista, heograpo, kartograpo, pilolohista, folklorista, pilosopo, tagasalin, imbentor, mahikero, humorista, satirista, polemista, manlalaro, at manlalakbay. Sa araw na ito rin ay ating ginugunita ang kapanganakan ng isang bayani at martir na naglaan ng kanyang buhay para sa katubusan ng kanyang mga inaaping kababayan at pinaslang dahil sa mga nobela niyang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na bumabatikos sa pamahalaang Kastila sa Pilipinas.

Sa ngayon, si Rizal ay kinikilala bilang pambansang bayani ng Pilipinas na hindi lamang sa Pilipinas nakilala maging sa iba't ibang panig ng daigdig. Nagkalat sa iba't ibang bansang kanya nang napuntahan ang kanyang mga monumento at mga lugar na ipinangalan sa kanya. Tunay na maihahanay siya sa iba pang mga dakilang tao sa daigdig.

Si G*t. Jose Rizal ay naging halimbawa ng isang Pilipinong handang ibigay maging ang kanyang buhay alang-alang sa pagmamahal sa Inang Bayan. Sa ganitong paraan, nagkaroon ng katuparan ang hula ni Padre Collantes.

✍️: Makamasa
PubMat: Benedict O. Dyala

⛵🦅🖋️

Iba-ibang kulay bilang pundasyon tungo sa matatag, natatangi, masaya, at mala-bahagharing komunidad - naisakatuparan ito...
19/06/2023

Iba-ibang kulay bilang pundasyon tungo sa matatag, natatangi, masaya, at mala-bahagharing komunidad - naisakatuparan ito sa tulong ng bawat kasapi ng LGBTQIA+ Community.

Hanga kami sa inyong taglay na kagandahan, kalakasan, at katatagan. Patuloy na magsilbing inspirasyon pagdating sa hindi matitigatig na pakikipagsapalaran sa araw-araw sa kabila ng mapanghusgang lipunan.

Kayo ang mga pangunahing kulay na magbibigay-buhay sa buwan na ito kaya naman masigasig naming isinisigaw ang "Happy Pride Month sa bawat miyembro ng LGBTQIA+ Community!"

At sa mga susunod pang buwan at taon, tiyak na hindi kukupas at patuloy na magiging matingkad ang inyong angking makulay na katangian, pagkakakilanlan, talento, at katapangan.

Malayang iwagayway ang inyong watawat, taas-noong ipamalas ang inyong natatanging katauhan!

✍️: Sinagtala
PubMat: Benedict O. Dyala

⛵🦅🖋️

Haligi ng TahananItay, Tatay, Ama, Papa, Tatang, Amang, Paps, Erpat; iba-iba man ang tawag ngunit kahuluga'y iisa lamang...
18/06/2023

Haligi ng Tahanan

Itay, Tatay, Ama, Papa, Tatang, Amang, Paps, Erpat; iba-iba man ang tawag ngunit kahuluga'y iisa lamang. Marami silang ginagawa para ang pamilya'y guminhawa. Sila'y nagsisikap at nagpapakahirap upang matustusan ang mga pangangailangan kahit mapagod man o mahirapan basta ang pamilya'y nasa magandang kalagayan.

Gaya ng pagpapahalaga natin sa ating mga ina, ang araw na ito ay itinalaga para sa pagpapahalaga sa ating mga ama na siyang haligi ng tahanan na tinatakbuhan kapag nangangailangan tayo ng proteksiyon na ating kinakailangan. Mula sa mga nanay na tumatayong ama, lolo, kuya, tiyuhin, at hanggang sa iba pang tumatayong tulad ng isang ama, saludo kami sa naiiba, natatangi, walang katapusan at walang hanggang pagmamahal na ibinibigay ninyo sa inyong mga pamilya.

Mula sa Gintong Balanghai, ipinapaabot namin ang aming taos-pusong pagpupugay at pagpapasalamat sa lahat ng mga ama na nagsisikap at nagsasakripisyo upang maitaguyod ang kanilang pamilya sa araw-araw na hamon ng buhay. Kayo ay patuloy na inspirasyon at huwaran ng katatagan sa araw-araw mula sa pag-aalagang walang kapantay, pagmamahal na walang hinihintay na kapalit, hanggang sa pag-unawang hindi masusukat. Maligayang araw sa lahat ng mga ama!

✍️: Bini
PubMat: Benedict O. Dyala

⛵🦅🖋️

Maligayang kaarawan, Benedict O. Dyala, ang layout artist ng Gintong Balanghai! 🥳Nagagalak at nagpapasalamat kaming laha...
16/05/2023

Maligayang kaarawan, Benedict O. Dyala, ang layout artist ng Gintong Balanghai! 🥳

Nagagalak at nagpapasalamat kaming lahat sa Gintong Balanghai sa pag-aalay mo ng iyong angking husay sa pagsulat at sa pakikibahagi mo sa paglalayag tungo sa malaya at makatotohanang pamamahayag. Pagpalain ka nawa ng Diyos at nawa'y pagtagumpayin ka Niya sa lahat ng iyong ginagawa. Mula sa lahat ng kasapi ng Gintong Balanghai, isang maligayang kaarawan! 🥳

⛵🦅🖋️

Address

San Pablo City
4000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gintong Balanghai posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Gintong Balanghai:

Share

Category