Chairman Jovito "Abet" Maghirang

Chairman Jovito "Abet" Maghirang Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Chairman Jovito "Abet" Maghirang, Public Service, Brgy. Sto. Angel, San Pablo City.

Maligayang Kaarawan, Congressman Amben! 🎉Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas ng ...
01/09/2026

Maligayang Kaarawan, Congressman Amben! 🎉

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas ng katawan, at gabay sa inyong paglilingkod..

Maraming salamat sa mga pagkakataong naging daan kayo upang makarating ang mga programa at serbisyo para sa aming barangay. Tunay na malaking bagay ang inyong malasakit at suporta sa aming komunidad. đź’™

Huwag nating kalimutan ang katapangan, kabutihan, at sakripisyo ng ating mga bayani. Sila ang nagsilbing inspirasyon sa ...
31/08/2026

Huwag nating kalimutan ang katapangan, kabutihan, at sakripisyo ng ating mga bayani. Sila ang nagsilbing inspirasyon sa ating kalayaan at patuloy na nagpapaalala sa atin na ang tunay na pagmamahal sa bayan ay ipinapakita sa salita, gawa, at paglilingkod sa kapwa.💙🤍

Isang taos-pusong pagbibigay-pugay sa ating Sangguniang Kabataan dahil sa kanilang dedikasyon at tapat na paglilingkod. ...
25/08/2026

Isang taos-pusong pagbibigay-pugay sa ating Sangguniang Kabataan dahil sa kanilang dedikasyon at tapat na paglilingkod. Sa totoo lang, maaari nilang piliin ang kanilang mga pangarap at propesyong nais tahakin, ngunit mas pinili nilang ialay ang kanilang oras, talino, at lakas para sa mga programang naglalayong palakasin ang kabataan.

Sa ating masipag na SK Chairperson, Engr. Anne Leneth Macatangay, gayundin sa ating mga SK Councilors at staff, saludo ako sa inyong kahusayan, sipag, at katapatan sa paglilingkod.

Mga kabataang Sto. Angel, patuloy tayong makiisa at makibahagi sa mga programa at gawain ng ating SK. Sama-sama nating suportahan ang mga inisyatibang para sa kabataan at para sa kinabukasan ng ating komunidad.

14/08/2026

Patuloy pong bukas at maluwag nating ginagamit ang ating ambulansya at mga service vehicle para sa mga kabarangay na kailangang magtungo sa ospital, gayundin para sa iba pang mahahalagang opisyal na gawain, sa abot ng ating makakaya.

Sa pagdating ng ating bagong service vehicle, mas marami pa tayong kabarangay na maaabot at maaasistehan.

Makakaasa po kayo na ang mga sasakyang ito ay nakalaan para sa serbisyo publiko at kapakanan ng ating mga mamamayan. Hindi po ito ginagamit para sa personal na lakad ng sinumang miyembro ng Sangguniang Barangay.

Patuloy po nating paiiralin ang tapat, maayos, at responsableng paglilingkod para sa kapakanan ng bawat kabarangay. Maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta.

Maligayang Kaarawan, Konsi Adolfo Sotalbo. Ang iyong dedikasyon lalo’t higit sa mga kabaranggay nating magsasaka ay lubo...
14/08/2026

Maligayang Kaarawan, Konsi Adolfo Sotalbo. Ang iyong dedikasyon lalo’t higit sa mga kabaranggay nating magsasaka ay lubos naming ipinagmamalaki. Pagpalain ka pa nawa ng Panginoon ng malakas na katawan.

  đź’™
04/08/2026

đź’™

Address

Brgy. Sto. Angel
San Pablo City
4000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Chairman Jovito "Abet" Maghirang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category