BIO STA. MARIA, SPC

BIO STA. MARIA, SPC This is the official page of the Sangguniang Barangay ng Sta. Maria, San Pablo City, Laguna.

MISTING OPERATION SA PAARALANG ELEMENTARYA NG STA. MARIABilang bahagi ng ating patuloy na kampanya laban sa lamok at pag...
18/08/2026

MISTING OPERATION SA PAARALANG ELEMENTARYA NG STA. MARIA

Bilang bahagi ng ating patuloy na kampanya laban sa lamok at pag-iwas sa sakit na dengue, nagsagawa ng misting operation sa Paaralan ng Brgy. Sta Maria upang makatulong sa pagbawas ng mga lamok sa loob at paligid ng paaralan.

Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat mag-aaral, g**o, at miyembro ng komunidad.

BPSO REGULAR MONTHLY MEETINGAUGUST 17, 2026
18/08/2026

BPSO REGULAR MONTHLY MEETING
AUGUST 17, 2026

πŸš‘ BAGONG RESCUE VEHICLE PARA SA BARANGAY STA. MARIA πŸ‡΅πŸ‡­Taos-pusong nagpapasalamat ang Sangguniang Barangay ng Sta. Maria,...
13/08/2026

πŸš‘ BAGONG RESCUE VEHICLE PARA SA BARANGAY STA. MARIA πŸ‡΅πŸ‡­

Taos-pusong nagpapasalamat ang Sangguniang Barangay ng Sta. Maria, sa pamumuno ng ating butihing Punong Barangay Kap. Gabby Brion, dahil isa ang ating barangay sa mga napagkalooban ng Rescue Vehicle na malaking tulong sa ating komunidad, lalo na sa panahon ng emergency at iba’t ibang pangangailangan.

Ang nasabing Rescue Vehicle ay mula sa pondo ng National Government, sa pamamagitan ng inisyatibo ni Congressman Loreto β€œAmben” Amante, na naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga barangay na tumugon sa mga emergency at pangangailangan ng ating mga kababayan.

Lubos din po ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi upang maisakatuparan ang pagkakaloob na ito. Ang dagdag na sasakyang pang-rescue ay malaking tulong upang mas mapalakas at mapabilis ang pagtugon sa oras ng pangangailangan.

Maraming salamat po, Congressman Amben Amante, sa inyong malasakit at suporta sa Barangay Sta. Maria! πŸ’™

13/08/2026

Agosto 12, 2026  ng gabi, nagsagawa ng pagroronda ang Sangguniang Barangay, katuwang ang ating mga BPSO at si Kagawad Me...
13/08/2026

Agosto 12, 2026 ng gabi, nagsagawa ng pagroronda ang Sangguniang Barangay, katuwang ang ating mga BPSO at si Kagawad Medel A. Pere sa ilalim ng tagubilin ng ating Punong Barangay Gabby Brion, upang tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng curfew sa ating barangay.

Pinaaalalahanan ang lahat na ang curfew hours ay mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw. Hinihikayat ang bawat mamamayan na sumunod sa itinakdang oras upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan ng ating komunidad.

Ang inyong pakikiisa at disiplina ay mahalagang ambag sa pagbuo ng isang mas ligtas at maayos na barangay para sa lahat. Maraming salamat po.

09/08/2026

🌾 PABATID PARA SA LAHAT NG MAY MGA TANIM O SAKAHAN 🌾

Magkakaroon po ng meeting at updating ng RSBSA para sa lahat ng may mga tanim, sakahan, o kabilang sa sektor ng agrikultura sa ating barangay.

πŸ“… August 10, 2026
⏰ 9:00 AM
πŸ“ Lumang Covered Court, Barangay Sta. Maria

πŸ“Œ Mangyaring magdala ng mga sumusunod:
β€’ 2x2 picture na may puting background
β€’ Xerox copy ng valid ID na malinaw at kumpleto ang middle initial

Ang RSBSA updating ay mahalaga upang mapanatiling updated ang inyong mga impormasyon at rekord bilang kabilang sa sektor ng agrikultura.

Makakasama po natin bukas si Ma’am Lens para sa nasabing updating.

Hinihikayat po ang lahat ng may mga tanim o sakahan na makiisa at dumalo.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta! 🌱

Maulan na umaga po mga Kabarangay!Baka meron po sa inyong nakakapulot ng dalawang remote at susi ng sasakyan katulad po ...
08/08/2026

Maulan na umaga po mga Kabarangay!

Baka meron po sa inyong nakakapulot ng dalawang remote at susi ng sasakyan katulad po ng nasa larawan. Nalaglag po kaninang umaga. Mangyaring ipagbigay-alam niyo lamang po sa amin o makikidala na lang po sa Brgy. Hall.

Maraming salamat po.

08/08/2026

πŸ‘“ LIBRENG OPTICAL CARAVAN SA BARANGAY STA. MARIA πŸ‘“

Magandang balita, mga kabarangay!

Ang Pamahalaang Barangay ng Sta. Maria, sa pamumuno ng ating Punong Barangay Kap. Gabby Brion, ay nakikiisa sa AKAY ni SOL Party-list Optical Caravan na maghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan para sa ating mga mamamayan.

πŸ“Œ Libreng Eye Check-up para sa 200 benepisyaryo
πŸ“Œ Libreng Reading Glasses para sa mga kwalipikadong nangangailangan

πŸ“… Agosto 11, 2026 (Martes)
⏰ 8:00 ng umaga
πŸ“ Lumang Covered Court, Barangay Sta. Maria, San Pablo City, Laguna

Inaanyayahan ang ating mga kabarangay na makiisa at samantalahin ang libreng serbisyong ito para sa pangangalaga ng ating paningin.

Para sa mas malinaw na paningin at mas malusog na pamayanan. πŸ‘“πŸ’™



Hulyo 30, 2026 ng gabi, nagsagawa ng pagroronda ang Sangguniang Barangay, katuwang ang ating mga BPSO at si Kagawad Ma. ...
30/07/2026

Hulyo 30, 2026 ng gabi, nagsagawa ng pagroronda ang Sangguniang Barangay, katuwang ang ating mga BPSO at si Kagawad Ma. Cristina sa ilalim ng tagubilin ng ating Punong Barangay Gabby Brion, upang tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng curfew sa ating barangay.

Pinaaalalahanan ang lahat na ang curfew hours ay mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw. Hinihikayat ang bawat mamamayan na sumunod sa itinakdang oras upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan ng ating komunidad.

Ang inyong pakikiisa at disiplina ay mahalagang ambag sa pagbuo ng isang mas ligtas at maayos na barangay para sa lahat. Maraming salamat po.

Address

Brgy. Sta. Maria
San Pablo City
4000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BIO STA. MARIA, SPC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BIO STA. MARIA, SPC:

Shortcuts

Share