26/08/2026
LINGGO NG KABATAAN 2026 💙✨
🗓️August 22,2026
Matagumpay na naisagawa ng buong Sangguniang Kabataan ng Barangay Santisimo Rosario, sa pangunguna ni SK Chairperson Hon. Kenneth Andrei L. Punzalan, kasama ang mga SK Kagawad, SK Secretary, at SK Treasurer, ang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026.
Ang pagdiriwang na ito ay naglalayong bigyang-halaga ang mahalagang papel ng kabataan sa ating barangay, gayundin ang pagbibigay sa kanila ng pagkakataong matuto, makilahok, maipakita ang kanilang mga kakayahan, at higit na mapalakas ang pagkakaisa at pakikipagkapwa.
Naging mas makabuluhan ang programa sa pamamagitan ng aktibong pakikiisa ng ating mga kabataan at ng mga taong patuloy na sumusuporta sa mga programa ng Sangguniang Kabataan.
Taos-puso rin po tayong nagpapasalamat kay Ma’am Lourdes Coronado sa pagtanggap sa aming imbitasyon bilang Resource Speaker at sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman at oras para sa ating mga kabataan.
Isang malaking pasasalamat din po sa ating Guest Speaker, ang butihing Bokal ng Ikatlong Distrito ng Lalawigan ng Laguna, Hon. Angelica Jones Alarva, na sa kabila ng kanyang abalang iskedyul ay naglaan pa rin ng oras upang makadalo at makasama ang ating mga kabataan. Maraming salamat po sa inyong presensya at mensaheng nagbibigay-inspirasyon sa ating kabataan.
Nagpapasalamat din po tayo sa ating Punong Barangay, Hon. Maximo B. Castillo, sa pagbibigay ng kanyang makabuluhang mensahe at patuloy na suporta sa mga programa at proyekto para sa ating kabataan.
Sa bawat kabataang nakiisa at nakibahagi, maraming salamat! Patuloy nating ipakita na ang kabataan ay aktibo, may kakayahan, at may malasakit sa ating komunidad.
Mabuhay ang kabataan ng Barangay Santisimo Rosario! 💙�Mabuhay ang Linggo ng Kabataan 2026! 🎉