NFA Laguna

NFA Laguna Welcome to the official page of NFA Laguna Branch Office

06/06/2026
06/06/2026
STAY UPDATED with the latest news, programs, announcements, and activities of the National Food Authority.Follow and lik...
04/06/2026

STAY UPDATED with the latest news, programs, announcements, and activities of the National Food Authority.

Follow and like the official page of the 𝐍FA to get verified updates straight from the source.

Your support helps us reach more Filipinos and share important information on rice, food security, and NFA initiatives across the country.

Bahagi ng isinagawang pagbisita ni NFA Administrator Larry Lacson ang pagpunta sa outlet ng Benteng Bigas ng Infanta-Gen...
04/06/2026

Bahagi ng isinagawang pagbisita ni NFA Administrator Larry Lacson ang pagpunta sa outlet ng Benteng Bigas ng Infanta-General Nakar Producers Cooperative sa Infanta, Quezon upang kamustahin ang sitwasyon at personal na alamin ang kasalukuyang kalagayan ng operasyon nito.

Nakipag-usap siya sa mga namamahala at mga mamimili upang marinig ang kanilang mga karanasan, puna, at mungkahi hinggil sa programa. Layunin ng pagbisitang ito na masiguro na maayos ang pagpapatupad ng Benteng Bigas, sapat ang suplay ng bigas, at patuloy na naihahatid ang abot-kayang produkto sa mga mamamayan.

Sa pamamagitan ng direktang pagmomonitor at pakikipag-ugnayan sa mga benepisyaryo, mas natutugunan ang mga pangangailangan at hamong kinakaharap sa pagpapatakbo ng programa.

"𝗦𝗮 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘁𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝗧𝗮𝗽𝗮𝘁, 𝗕𝗶𝗴𝗮𝘀 𝗮𝘆 𝗟𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗸𝗮𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱"
#𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗡𝗙𝗔 #𝗠𝗮𝘆𝗠𝗮𝗹𝗮𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁
#𝗠𝗮𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻 #𝗧𝘂𝗺𝘂𝗴𝗼𝗻

Bilang bahagi ng patuloy na monitoring ng ahensya sa kalagayan at operasyon ng mga pasilidad nito, nagsagawa ngayong ara...
03/06/2026

Bilang bahagi ng patuloy na monitoring ng ahensya sa kalagayan at operasyon ng mga pasilidad nito, nagsagawa ngayong araw ng warehouse inspection si Administrator Larry Lacson sa GID Infanta Warehouse.

Isinagawa ang inspeksyon upang matiyak ang maayos na kalagayan ng bodega, ang wastong paghawak at pag-iimbak ng mga buffer stock, at ang kahandaan ng pasilidad sa pagsuporta sa mga operasyon ng ahensya at sa agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kahusayan ng mga pasilidad at matiyak na handa ang mga ito sa anumang sitwasyong nangangailangan ng mabilis at epektibong serbisyo.

"𝗦𝗮 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘁𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝗧𝗮𝗽𝗮𝘁, 𝗕𝗶𝗴𝗮𝘀 𝗮𝘆 𝗟𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗸𝗮𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱"
#𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗡𝗙𝗔 #𝗠𝗮𝘆𝗠𝗮𝗹𝗮𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁
#𝗠𝗮𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻 #𝗧𝘂𝗺𝘂𝗴𝗼𝗻

Ang tanggapan ng National Food Authority ay patuloy na bumibili ng palay mula sa ating mga lokal na magsasaka.🕘 Bukas an...
01/06/2026

Ang tanggapan ng National Food Authority ay patuloy na bumibili ng palay mula sa ating mga lokal na magsasaka.
🕘 Bukas ang aming tanggapan mula 𝐋𝐮𝐧𝐞𝐬 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐲𝐞𝐫𝐧𝐞𝐬..
💰 Epektibo ngayong linggo, ang presyo ng tuyo at malinis na palay ay ₱𝟐𝟖.𝟎𝟎 𝐤𝐚𝐝𝐚 𝐤𝐢𝐥𝐨.
📞 Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming programa, maaari po kayong makipag-ugnayan o tumawag sa mga sumusunod na numero:
• 0954-421-0357
• (049) 562-3161
Maraming salamat po.

The Federation of Free Farmers (FFF) and Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) made their positions known during a ...
28/05/2026

The Federation of Free Farmers (FFF) and Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) made their positions known during a House agriculture and food committee hearing on the proposed Rice Industry and Consumer Empowerment (RICE) Act

Farmer groups have expressed support for a bill that would allow the state-run National Food Authority (NFA) to intervene in the rice market by...

Bilang bahagi ng regular na monitoring at inventory program, isinagawa ng NFA Laguna ang 1st Semester Semi-Annual Physic...
25/05/2026

Bilang bahagi ng regular na monitoring at inventory program, isinagawa ng NFA Laguna ang 1st Semester Semi-Annual Physical Inventory para sa taong 2026 upang masiguro ang maayos, wasto, at transparent na pamamahala ng mga stock ng palay, bigas, mga sako, at accountable forms sa lalawigan.

Layunin ng aktibidad na beripikahin ang aktwal na bilang ng mga imbentaryo at tiyaking ito ay naaayon sa mga opisyal na tala at ulat ng ahensya. Bahagi rin ito ng patuloy na pagsisikap ng NFA na mapanatili ang integridad sa operasyon, mahusay na serbisyo publiko, at katiyakan sa seguridad ng pagkain.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, higit na pinagtitibay ng NFA ang transparency, accountability, at ang tiwala ng mamamayan sa patas at responsableng paglilingkod ng ahensya.

"𝗦𝗮 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘁𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝗧𝗮𝗽𝗮𝘁, 𝗕𝗶𝗴𝗮𝘀 𝗮𝘆 𝗟𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗸𝗮𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱"
#𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗡𝗙𝗔 #𝗠𝗮𝘆𝗠𝗮𝗹𝗮𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁
#𝗠𝗮𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻 #𝗧𝘂𝗺𝘂𝗴𝗼𝗻

Address

Barangay San Ignacio
San Pablo City
4000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NFA Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share